Chapter one
Naglalakad ako ngayon papunta sa school, transferee kasi ako, marami akong nakaka-away sa school ko dati, so my tita decided to transfer me in Bulacan Academy, kasi may nasira akong mukha. Hindi ko kilala kung sino 'yon. Ang alam ko lamang ay ka-away yun ng jowa ko.
Second day na ngayon dahil kahapon ang first day tinatamad kasi akong pumasok, wala akong kasama at puro pakilala lang naman yun kaya napagisip ko na huwag nalang pumasok.
Naglalakad ako ngayon. May mga lalaking nag-aaway sa dadaanan ko naka-harang sila sa daan pero nanood muna ako ngunit hindi muna ako nagpakita, parehas din kami ng uniform kaya hinintay ko na lang matapos ang pag-aaway nila, baka pagdumaan na 'ko, ako naman ang suntukin.
Napatingin yung lalaki sa akin, yung kapareha ko ng uniform kaya huminto na siya. Nanlaki ang mata ko dahil nakita niya ako, agaran akong umiwas ng tingin at nagsimula magkalakad kahit kinakabahan na 'ko.
Nakita ko sa inaaway niya na lalaki ay mukhang pupuruhan niya. Halos duguan na ang mukha at hindi na maka tayo hindi na rin maka dilat, halos pumutok na ang bibig, puro dugo na din.
Naramdaman ko ang bawat yapak niya na papalapit sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko, baka ako naman ang isunod nito.
"Hoy!"sigaw nung kapareho ko ng uniform, nasa likod ko siya. Tinatawag niya ba ako? Lumingon lang ako sa kanya ngunut hindi ako nagpahalata na kinakabahqn at nagkunwaring walang nakita, nang makalingon ako sa kanya laglag ang panaga ko dahil pogi niya sa malapitan kumpara sa malayuan tapos ang cool lang ng look niya, at mukha siyang mas bata sa akin.
Nagsimula na akong maglakad at hindi siya pinansin, papasok ako hindi pauwi kaya iniba ko ang daan ko. Nakasunod siya sa akin at nararamdaman ko 'yon.
Linakihan ko ang bawat hakbang ko para hindi niya ako mahabol ka agad. Hanggang sa tumakbo na siya at nakapantay na siya sa akin habang naglalakad ako.
"Pwede ba sabay tayo? dahil wala ka naman kasama tsaka wag mo naman bilisan ang hakbang mo," sabi niya habang nagpapacute sa akin. Hindi ko muna siya pinansin at umiwas na lamang sa kan'ya. Nagbilang ako sa utak ko ng sampung minuto upang lingunin siya.
Tumango na lamang ako bilang pag-sang ayon sa tanong niya. Nakakahiya naman kung maging masungit ako, eh transfer lang naman ako dito.
"Transfer ka?" tanong niya, "Kasi ngayon lang kita nakita, tsaka anong grade mo na?" sabi nya habang nakangiti. Napabuntong hininga na lamang ako bago sumagot.
"Grade 10," sabi ko sabay irap, bahala na kung umirap wala na akong pake, kaya ko naman na yata ang sarili ko kung masama siyang tao. Tumingin ulit ako sa kanya, mukha pala siyang grade eight basta mas bata pa roon.
BINABASA MO ANG
I'm The Queen In This Section
Teen FictionElzazyn Hermogenes or Sabrina Andrea Velasquez. Yung wala ka tiwala sa lahat ng kasama mo pero mababago ka nila at mapupunta kapa sa room na puro lalaki na ina-kala mo masama pero mabait naman pala sila. Dahil ayaw mo sa mga lalaki. Iisa kang babae...