Sabi mamayang hapon ng alas tres na daw ang pictorial namin dahil pang huling section kami. Oh diba wala na yung make up nalagas na dahil ang tagal.Pawisin kasi ako kaya baka mabura ko ang make up. Hihiram na lang ako ng powder kay camille mahilig naman mag-make up yun.
Nasa room ako ngayon at pumasok na si maam sunny.
"Oh elza mukha mas maganda ka na sakin?" sabi niya sa akin ngumiti lang ako kay maam sunny dahil nahihiya ako.
"Maganda ka daw." Sabi ng katabi ko sa akin. "Maganda ka naman talaga..." Bulong niya pero hindi ko na rinig. Hindi ko nalang pinansin si gyean.
"Picture nga tayo elza" sabi ni maam habang lumalapit sa akin.
"Ah sige po" sabi ko at tumayo sa inuupuan ko. Tumayo ako ng tuwid nung nakalapit na siya sa akin.
"Picturan mo nga kami" sabi ni maam kay gyean dahil siya ang katabi ko at inabot na ang cellphone niya kay Gyean.
Umayos ako lalo ng tayo at katabi ko na si maam. Si gyean nakatayo sa harap namin at pinicturan kami. Medyo na ilang pa ako dahil si gyean ang kukuha ng picture. Pagkatapos non ay umupo na agad ako.
"Maam sali ako!" Sabi ni kheneth kaya pinatayo ulit nila ako. Sumunod naman agad ako sa kanila.
Nagpicture na kami. Si gyean pa rin ang kumuha ng picture sa amin nakangiti siya kaya doon ako napatingin.
Pagkatapos nun ay inabot na ni gyean ang cellphone kay maam sunny. Tinignan nila yung picture kaya lang bigla kumunot ang noo ni maam.
"Elza saan ka nakatingin?" Tanong ni maam sa akin at kumunot ang noo.
"Isa pa last na 'to" dagdag ni maam tumango naman agad si gyean.
Natapos na din at nakahinga ako ng maluwag. Umalis na si maam sunny. Iniwanan lang kami ng gawain sa bahay na lang daw namin yun gawin.
Dumating na ang oras na hinihintay ko. Malapit na kaming picturan. Wala naman kasi kaming teacher at ginagawa kaya palakad lakad ako sa room namin.
Bigla kumatok si Clowee sa pinto namin.Nagulat siya sa akin nanlaki kasi ang mata niya.
"Bakit wala kang make up?" bungad ni clowee.
"Nabura na?" nakangiti kong sabi.
"Make up-an kita wait ka lang diyan" sabi niya at dali-daling tumakbo palabas, siya ang magmake up sakin. Nakakatouch naman yun naglakad lakad na lang ako sa room namin kakahintay sa kaniya.
Biglang bumukas ang pinto si clowee na pala. Hingal na hingal siyang dumating sa room namin.
"Kaya mo pa?" Tanong ko tumango lang siya. Hinila niya ako sa malapit na upuan sa pinto.
Lumapit naman ang iba at parang interesado sa gagawin ni Clowee."Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni asher kay clowee.
"Aayusan ko siya kuya. Nabura na make up niya oh" turo niya sa mukha ko nakatingin lang ako sa magkapatid na 'to.
BINABASA MO ANG
I'm The Queen In This Section
Teen FictionElzazyn Hermogenes or Sabrina Andrea Velasquez. Yung wala ka tiwala sa lahat ng kasama mo pero mababago ka nila at mapupunta kapa sa room na puro lalaki na ina-kala mo masama pero mabait naman pala sila. Dahil ayaw mo sa mga lalaki. Iisa kang babae...