CHAPTER 26

474 95 5
                                    

Chapter twenty six

Medyo spg pagbata ka.HAHHAHA. Pero para sa akin hindi. HAHAHAHAHA

Nasa tapat na kami ng bahay. Si Gyean ang nagbukas ng pinto para sa akin.

Ang gentleman naman. Kala mo walang ginawa kanina, na prank.

Pota ka. Napaka paasa. Hindi ko siya pinansin.

Gusto ko na ata siya ewan ko. Medyo marupok ako kaya wag kayo umasa.

"Bye baby" sabi ko sa baby, pero para  kay gyean yun.

Marupok po ako.

Sayang kanina eh. Kinilig na ako pero putek. Prank! Sana totoo na lang yun.

Di ko talaga makalimutan yon. Takte ka.

Kaya wala akong tiwala sa nakapalibot sa akin eh.

Pumasok ako sa kwarto ko. Gabi na ngayon.
Tumingin ako sa star, kaya lang wala. Parang uulan. Mga ilang minuto medyo uma-ambon na sa labas.

Nung medyo tumagal. Lumakas na. May bagyo ata eh.

Pinakinggan ko ang tunog ng ulan. Para sa akin, nakakarelax kapag umuulan. Tska malamig pa.

Nakatulog ako, sa lakas ng ulan.

MUNTIKAN na akong di magising dahil umuulan parin. Ang sarap kasi ng tulog ko.

Naligo ako kahit sobrang lamig. Buti na nga lang may heater ang bathroom ko.

Kaya hindi na ako linamig. Nagbihis na ako. At bumaba na para kumain.

Pagkalabas ko ng bahay humangin ng malakas, kaya medyo gininaw ako.

Pumunta ako ng kwarto at kumuha ng sweater.

Hinatid ako ni kuya papuntang school kasi malakas ang ulan. Sabi niya pa na makisabay na lang daw ako pauwi kapag umulan.

Pumasok ako ng school na maingay sila. May kumakanta. Yung iba gusto na umuulan. Yung iba gusto na walang ulan.

Anong totoo?

Tingin ko dapat wala nang pasok. Kasi ang lakas ng ulan eh.

Kinuha ko ang cellphone ko para mag mobile legends. Di pa ako magaling. Sasusunod siguro magaling na ako.

"Welcome to bobo legends
Five seconds till the bobo reaches the battlefield smash them
All bobo deployed" sabay nung nasa likod ko. Tinignan ko kung sino. Si sean, mayabang to mag ml eh.

"Layla user bulok" sabi niya. Hindi ko siya pinansin. Nanood siya kung paano ako maglaro. Kaya medyo nahiya ako.

"Tank" sambit niya habang natatawa.

"Bagohan ako dito, kaya wag kang ano dyan" sabi ko habang naglalaro. Natapos akong maglaro. Defeat ako.

Tumawa siya. Kanser kasi ang mga kampe ko.
Tinago ko nalang ang cellphone ko at kinuha ang atensiyon sa kanila.

"Heto ako ohh, basang basa sa ulan
Walang masisilungan walang makakapitan"
Narinig kong kumakanta si janob. Kaya lumapit ako doon. Tumingin ako sa labas at lumakas lalo ang ulan...

"Ang pogi kong lalake" sigaw ni emerson yung, classmate ko na maitim.  Biglang kumidlat ng malakas. Kaya nagulat kaming lahat at napatingin kay emerson. Binigyan namin siya ng masamang tingin.

"Hoy! Wag ka nga sumigaw, nagagalit ang kalikasan sayo eh" sigaw ni kheneth.

"Wag ka din kumanta. Lalo lumalakas ang ulan eh" sabi ni Emerson. Hindi talaga papatalo eh...

I'm The Queen In This SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon