Chapter six
Elzazyn POV
Damaan ang sabado at linggo nasa bahay lang ako magdamag. Kain tulog lamang ang nangyare sa akin pakiramdam ko pa nga ay tataba na ako.
Papasok na ako ngayon sa aming paaralan. Matiwasay akong naglalakad at tila natutuwa dahil may baon na naman ako at makakabili na naman ako ng gusto ko.
Ngayon sasakay ako ng jeep dahil ako ay dakilang tamad at nagtitipid. Mas mura ang jeep dito sa amin kaysa ang tricycle. Kailangan kong magtipid para may pambili ako ng pagkain.
Huminto na yung jeep sa harapan ko at mabilis akong sumakay dahil baka maunahan ako ng mauupuan dahil may isa ring estudyante na naghihintay kasabay ko. Sinigurado ko na makakaupo ako ng maayos dahil ayaw ko na isang pisngi ng puwet ko ang makakaupo. Kundi lalabas akong nanginginig.
Sa kasamaang palad parehas kami ng bata na masikip ang inuupuan. Halos hindi na ako makaupo ng maayos dito. Ang katabi ko ay lalake at babae parehas pang walang pake-alam. Napabuntong hingi na lamang ako at kumapit maigi upang hindi mahulog sa kinauupuan.
Yung inuupuan ko parang isang pwet lang ang sikip Yung lalaki pa na katabi ko nagtatakip ng mukha tumingin ako sa mukha niya at tinignan ng 'huh look'. Biglang nagiwas ng tingin yung lalaki.
May nararamdaman akong kakaiba. May instinct ako. Biglang may nararamdaman ako sa bulsa na gumagalaw.
Hinayaan ko muna at pinakiramdaman ang katabi ko na lalaki. Tinignan ko muna siya ng masama.
Naramdamnan ko nanaman gumagalaw yung sa bandang palda parang may humihipo pero daliri lang. Kaya nakikiliti ako.
Tumingin muna ako sa kanya bago hinawakan ang bulsa ko at kinuha ang wallet ko sa bulsa ng palda ko at tumingin sa kaniya pagkatapos. Natakot siya. Parang nanginig.
Nakakatakot ba ako?
Hindi rin ako nangangagat. Hindi rin ako killer.
Anong meron sa akin?
Bigla siya pumara at bumaba parang nagmamadali.
Tignignan ko lahat ng nakasakay sa jeep na sinasakyan ko.
Yung isang babae sa harap ko naka tingin sa akin. Biglang umirap.
'Halu kanda ka ghorl'
Alam mo yung feeling na tumingin ka lang biglang nang irap na wala ka naman ginagawa.
Anong ginawa ko sayo girl.
Hinayaan ko nalng muna iyon. Dahil malapit na ako bumaba ng jeep.
____
Nasa school na ako. Pagpasok ko ng room biglang may lalaki na dumaan sa harap ko.
Kakaiba ang kanyang tingin. Napapansin ko iyon dahil hindi ako manhid. Kakaiba talaga. Parang may ibig itong sabihin ngunit hindi nya masabi. Parang ganun ang sinasabi ng mata niya. Bahala na. Masyadong malagkit ang tingin niya.
Dumating ang aming guro. Na huhuli ko siya na nakatingin lang sa akin. Nakaramdam ako ng kilabot sa pangyayaring iyon.
Hinayaan ko na lamang ang tingin niya sa akin.
Ano bang meron at ganun sila maka tingin sa akin.
Parang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanila.
Ano po ba ang mayroon sa akin na wala kayo. Joke lang.
_____
Dumating ang lunch namin. Sumusunod siya sa akin kung saan ako pupunta. Kakaiba ang kanyang kilos.
Nakakataas balahibo ang kanyang ginagawa.
Ano bang gusto mo.
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa likod. Nagkunwari siya na tumitingin sa relo. Kunwaring tinitignan ang oras.
Hinayaan ko lamang iyon ngunit sumusunod parin siya sa akin. Kaya kung saan saan na langako pumunta.
Ngunit sumusunod parin siya sa akin. Nag hanap ako ng maraming tao at nagtago roon upang hindi niya ako mahanap.
Nagtago na ako sa maraming tao. Hindi ko na siya nakikita.
Nagtagumpay ako.
Bumalik ako sa aking silid upang kuhain ang aking baon.
Pagkabalik ko ng aking silid.
Nasa room na siya.
Paano nangyare iyon.
Napaka bilis niya naman.
Kakaiba parin ang kanyang tingin. Nawalan na ako ng gana kumain. Mamaya ko na lamg ito kainin.
Mabuti naman at may candy ako sa bag at pwede ko ito kainin.
Natapos ang 30 mins na tahimik ako. Dumating ang aking guro.
Nakatingin parin siya sa akin. Bigla ako napa tingin sa president nila na si gyean.
Naalala ko ang aming project. Salamat dahil hindi na alala ng aking guro ang project namin.
____
Dumating ang oras na hinihintay ko. Ang uwian. Ngunit bigla humarang ang lalaki sa harapan ko.
Ang lalaking kakaiba ang tingin sa akin.
"May sasabihin ako sayo" sabi niya. Halatang nahihiya siya.
Bigla naman napatingin ang mga kaklase ko. Mga tsimoso.
Ano ang kanyang sasabihin. Important o hinde. Makikinig o hinde.
"Ano iyon" sabi ko.
BINABASA MO ANG
I'm The Queen In This Section
Teen FictionElzazyn Hermogenes or Sabrina Andrea Velasquez. Yung wala ka tiwala sa lahat ng kasama mo pero mababago ka nila at mapupunta kapa sa room na puro lalaki na ina-kala mo masama pero mabait naman pala sila. Dahil ayaw mo sa mga lalaki. Iisa kang babae...