Andito ako sa bahay walang ginagawa. Nakatengga na medyo nabubulok. Inamag na rin ang messenger ko. Walang ka chat eh. Patay na siguro ka chat ko.charot!
Napatingin ako sa labas dahil may nagdoor bell.
"Elza! Buksan mo ang gate" sabi ni tita. Sumunod naman agad ako syempre hindi makapal ang mukha ko.
Naglakad ako papuntang gate. Binuksan ko agad yun. Nagulat ako dahil may kasama si mama na lalaki. Sino naman toh. Wait familiar rin toh.
Sa bahay nila gyean. Oo nga! Tatay ni gyean toh. Anong nangyayare bakit ganto?
Si papa asawa niya ngayon ang nanay ni gyean. Habang si mama asawa ang tatay ni gyean.
Napakaliit naman yata ng mundo. Saan sila nagkakilala.
"Ah anak si Felicity" sabi ni mama. Napatulala lang ako sa kanila. Kamukha ni gyean ang papa niya.
GRADUATION na namin ngayon oh diba ang bilis. Nung ilang araw lang. Js pa lang tas ngayon graduation na. Grabe lang ang daming nangyayare sa room namin.
Katulad ng may jowa ni si camille. Hulaan niyo kung sino. Siyempre marupok ang bestfriend ko kaya si rinz. Sana SS na yun. Stay strong. HAHAHAHA.
Para may lovelife naman ang kuya ko.
Paano kaya mangyayare mamaya. Iiwan ko ba si mama. Si kuya angeluz ang susundo sa akin.
Kasama ni mama si tito Felicity. Andun din daw kasi ang anak niya.
Wala akong honor pero may diploma. Okay na ang diploma kaysa sa wala. Wala nga lang conduct award. Kasi na guidance na ako.
NATAPOS NA ANG GRADUATION. Paalam ko ba? yan ang bumabagabag sa isip ko kanina.
Hindi na lang siguro.Mga 1pm kasi ang graduation namin. Matatapos ng 5. Marami kasing graduating eh.
"Ma, cr lang ako ah" paalam ko. Kahit hindi naman talaga ako naccr.
"Sige kita na lang tayo sa parking" sabi ni mama.
"Sige po." Naglakad na ako papalayo. Sorry po hindi ako nagpa alam. Naglakad na ako papalayo.
Nakarating ako sa bakanteng lupa dito sa school namin may gate dito malapit eh. Tagong gate.
Wala masyadong tao dito.
Nakita ko ang mga naka black mask. Medyo nagdidilim na.
"Oy steel andito na!" Rinig kong sigaw ng mga nakamask.
"Light wait lang naman" sabi pa nung isa.
May lumapit na lalaki sa akin.
"Mam dito po" turo niya sa sasakyan na pang artista ang itsura. Sumunod naman agad ako. Asan kaya si kuya?
Pagkapasok na pagkapasok ko. Ang ganda ng loob. Mukhang pang artista.
Inikot ang paningin ko. May lalaking naka shades. Yayamanin! Charot si kuya angeluz yun.
"Congrats Kapatid!" Sigaw ni kuya nung nakatingin ako sa kanya. Tas tumawa siya ng malakas.
"Baliw kana?" Tanong ko. Umiling lang siya.
Tumingin na lang ako sa driver. Bakit ba lahat sila naka black? Nakita ko si thunder sa front seat.
Biglang siyang tumawa ng malakas.
"I deserve this" sabi niya. Kaya tinitignan ko ang kabuohan niya. Wait ano yan. May bukol siya tatlo. Paano nangyare yun. Nung magka away sila ni gyean daplis lang tas ngayon grabe na.
"Ano nangyare sayo?" Tanong ko.
"Wala lang toh. Okay lang na masaktan ako kasi nasaktan kita dati." Medyo awkward niyang tawa. Hindi naman kasi nakakatawa. At walang nakakatawa
NAKARATING kami sa maluwag na lupa at may eroplano doon. Agad kaming bumaba. Para pumunta sa pwesto ng eroplano. Medyo malaki siya.
"Wait may hihinatayin pa tayo" sabi ni kuya sa akin.
"Sino?" Tanong ko agad. Nakahanda na kasi ang eroplano tas yung hinihintay namin wala pa.
May dumating na sasakyan. Sino yun.
"Yan na" Sabi niya habang nakatingin sa paparating na sasakyan
"Sino yan?"tanong ko
"Yung makakatuluyan mo" mabilisan niyang sabi
"Ano si gyean?" Tanong ko?
"Oo, wait paano mo siya nakilala. Ang alam ko lang ay parehas kayong graduating" medyo naguhuluhan niyang sabi.
"Eto kuya ah. Classmate ko yan at alam ko kung sino ipapakasal sa akin" paliwanag ko.
"Sige sino?"
"Si gyean"
"Ay ok nga sige una kana dun. Wait sino nagsabi sayo niyan" tumingin siya kay thunder. Binigyan ni kuya ng masamang tingin si thunder. Nag peace lang si thunder.
"Hehehe" medyo tawa ko papuntang eroplano.
SUMAKAY NA KAMI SA EROPLANO. Napakatahimik namin.
"Ehem.. ehem" ubo ni kuya kahit wala naman siyang ubo.
"May tb ka" nakataas kong tanong nakita ko ba si gyean na medyo natawa.
"Wala akong TV" natatawang sabi ng kuya kong may poknat. Charot lang.
Namuoo na naman ng katahimikan ang eroplano.
"Ay eto pala sasabihin ko. Ipapasa ang korona kay sabina mamaya at ikakasal na kayo" sabi ni kuya. Alam ko naman na yun. Baka si gyean hindi.
"Ano? Sino si Sabina?"tanong agad ni gyean. Halatang nabigla siya.
"Si elzazyn yun pre" hinawakan pa ni kuya ang balikat ni gyean.
"Bakit sabina?" Nakakunot na tanong ni gyean.
"Kasi ang pangalan niya dito sa Pilipinas ay Elzazyn Hermogenes. Hindi niya totoong pangalan yan. Parang screen name. Tas yung birth certificate niya ay mali. Ang tama ay Sabrina Andrea Velasquez. Kaya ayun basta yun" paliwanag ni kuya.
"Ang hirap mag explain basta yun" dagdag pa ni kuya. Hinid na kumibo si gyean para kasi siyang nagiisip
"Tawagin mo nang sabrina si elzazyn. Wait ready naba kayo?" Masayang sabi ni kuya.
Parang di pa.
"Hindi ko alam" nag aalinlangan kong sabi. Nagkibit balikat na lang si gyean.
"Ikakasal na ang kapatid ko! Kaya lang, ako hindi pa" malungkot na sabi ni kuya. Hindi na lang ako kumibo.
"Ay gyean kamusta na pala kayo ni pareng faris? Balita ko napatay mo daw yung jowa fiance pala" sabi ni kuya. Kaya lang nagbago ang atmosphere.
"We are okay now, so stop telling the past" he said. Nanahimik na lang si kuya.
Naging awkward ang ilang oras namin.
NAKARATING na kami dito sa London. Dumating kami sa palasyo na malaki. Kung saan ako dati pumunta.
Madaming tao sa paligid. Pero sa iba kami dumaan. Agad nila akong dinala sa malaking kwarto at doon ako inayusan. Si gyean naman ay sa kabilang kwarto.
BINIGAY na ang korona sa akin. Maraming tao ang nakatingin sa amin. May mga sinabi sila na diko maintindihan.
KUMAKAIN NA KAMI NGAYON. Iniisip ko sila mama. Ano na kayang nangyare doon.
IKAKASAL NA nga kami ni gyean. Oo kasal agad. Kaonting kainan lang tas kasal na daw agad. Muntikan ko pa nga mabuga ang inumin ko. Kala ko kasi ilang araw pa.
NATAPOS ANG KASAL NA SIMPLE. Iniisip ko sila mama ano nakaya ginagawa nun. Baka hinahanap na ako. Tska gabi na doon.
"Oh ano kinakahiya mo pa ako?" tanong niyan habang naglalakad kami. Nakataas pa nga ang kilay niya
"Hmm hindi ko alam"kibit balikat ko.
"Talaga lang ah" nakangiting sabi niya.
_____
:>
![](https://img.wattpad.com/cover/211122635-288-k982649.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm The Queen In This Section
Teen FictionElzazyn Hermogenes or Sabrina Andrea Velasquez. Yung wala ka tiwala sa lahat ng kasama mo pero mababago ka nila at mapupunta kapa sa room na puro lalaki na ina-kala mo masama pero mabait naman pala sila. Dahil ayaw mo sa mga lalaki. Iisa kang babae...