Papasok na ako sa school tapos na ang debut ko parang gusto ko bumalik ng london para malayo na ako rito pero mamimiss ko silang lahat. Sa susunod na lang.
Naalala ko yung mukha ng kuya ko bakit ganun ang ganda ng kutis ng kuya ko at ang pogi pa.
Pumasok na ako sa room namin . Tumahimik agad sila another atmosphere na naman.Ngumiti si kheneth at janob sa akin. Ngumiti lang din ako pabalik sa kanila inayos ko ang gamit ko.
"Dalagang Pilipina ka na" sabi ni janob habang naka ngiting wagi sa akin.
Umupo ako sa upuan ko katabi ko parin naman si Gy-panget, absent siguro wala pa kasi siya. Hindi ko alam nasaan nga ba siya? Ang tagal niya naman pumasok? Pake ko ba dun bakit ko iniisip yun?
"Ikaw ang representative natin sa UN ah" sabi ni kheneth kaya lumaki ang mata ko sa gulat totoo?
"UN?" Paguulit ko tumango sila pareho. First time ko sumali sa ganyan na yan pangarap ko yan dati kasi sumali ako sa ganyan.
Flashback...
"Sinong gusto sumali sa UN?" Tanong ni maam mariel.
"Ako po" taas kamay ng katabi ko.
"Ako po maam" masiglang sabi ko. Nakataas ako ng kamay kaya lang hindi ako pinansin mas pinansin ang nasa tabi ko na si Chelsea.
"Sige si Chelsea ang representative natin." Sabi ni maam. Nag turo na ang teacher namin kaya malungkot akong nakikinig.
"Panget ka kaya hindi ka pinansin" maarteng sabi ni Chelsea at tinarayan ako.
Naiinis ako sa kanya kasi lagi na lang siya. Pwede naman iba ah? Give chance to other kumbaga para maranasan naman ng iba. Hindi yung puro Chelsea na lang. Hindi ba sila nasasawa na paulit ulit ang mukha simula grade one siya ang representative namin.
Hinayan ko nalang siya magtaray. Panget ba talaga ako? Wala man lang nagsasabi sa akin na maganda ako kahit ni isa wala as in walang wala.
End of flashback...
Ngayong malaki na kami. Mas maganda na ata ako sa kanya ewan ko. Hambog lang ako ngayon makinis kasi ako ngayon. Eh si Chelsea hindi na nagkaroon siya ng maraming tigyawat. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaroon non pero I feel bad about her.
Ang alaga niya nga sa balat tas magkakaroon siya halos lahat kami nagulat sa transformation niya.
"Sino pala nagsali sa akin?" Tanong ko nakaka curious naman kasi kung bakit ako nasali diyan.
"Si ano..." nag aanlilangan ni kheneth na sabi. Luminga linga pa siya sa iba nakatitig ang iba sa kanya at tila inaabangan ang sagot niya.
"Basta" sabat ni janob sa amin.
"Oh sige?" Sabi ko na lang kahit na curious ako kung sino ang nagsali.
"May kapartner ka pala dun." Sabi ni kheneth Sino kaya yun?
BINABASA MO ANG
I'm The Queen In This Section
Teen FictionElzazyn Hermogenes or Sabrina Andrea Velasquez. Yung wala ka tiwala sa lahat ng kasama mo pero mababago ka nila at mapupunta kapa sa room na puro lalaki na ina-kala mo masama pero mabait naman pala sila. Dahil ayaw mo sa mga lalaki. Iisa kang babae...