CHAPTER 3

1K 123 69
                                    

Chapter three

Idinilat ko ang mata ko, napatingin ako sa aking palaigid. Napahikab pa ako at napakamot sa braso ko. Inunat ko ang braso ko dahil sumakit ang likod ko.  Anong oras na ba? Bakit sila nag-aayos ng gamit nila. Hindi pa naman uwian.

Inikot ko ang tingin ko upang tignan ang aming orasan, nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Uwian na pala talaga namin.

Bakit hindi nila ako ginising sabagay sino ba naman ako para kausapin. Napatingin ako doon sa dalawang bata na nag aayos ng gamit nila.

"Pssttt.." tawag ko sa kanila ngunit hindi nila ako binigyan ng pansin.

Hindi yata ako marinig mga hearing aid.

"Oyy...pssttt" nako hindi parin ako pinapansin. Ano ba ulit name nila nakalimutan ko.

Putek na utak yan bagal magprocess ng utak ko. Inisip ko ito nang inisip bago sila umalis sa aking harapan.

Ayun na alala kona kheneth at hindi ko na alam. Ano nga ba pangalan nung isa? Sige okay na yon ang mahalaga ay alam ko ang isang pangalan.

"Kheneth" tawag ko sakanya at napatingin siya. Buti naman tumingin na ang bata. Masyadong hearing aid ehh. Matapos iyon ay biglang pumasok sa utak ko ang pangalan niya siya si Janob.

Lumapit silang dalawa sa upuan ko habang ako naman ay naka upo lang halatang bagong gising.

"Buti naman na alala mo ang pangalan ko heeheh." Sabi niya habang naka ngiti.

"Ah ehh bakit di niyo ako ginising?" Nahihiyang tanong ko.

"Sarap kaya ng tulog mo, hahaha... Tulog mantika ka kaya" sabi nilang dalawa habang natatawa ng malakas.

Putek pinagtutulungan yata ako, kung hindi lang ako transfer na bugbog ko na tong dalawang bata.

"Tulo pa nga laway mo eh" sabi pa ni janob.

Tumawa sila ng malakas habang tinuturo ako sila nga tawa nang tawa kita na ngala-ngala. Tumayo ako ng tahimik ngunit tuloy-tuloy pa rin ang pagtawa nilang dalawa pero ngayon ay marami na naka tingin sa amin dahil sa ingay ng tawa nilang dalawa. Nagsimula na rin magtawa ang nasa paligid ko ng inikot ko ang paningin ko ang iba pa ay nakangisi.

Tinignan ko sila isa-isa ngunit tumatawa pa rin sila. Kaya nagtaka na ako wala naman gaano nakarinig sa usapan pero bakit hanggang kabila ay tumatawa na rin.

"Ate may tagos ka" sabi nung lalaki. Mukha naman siyang mabait pero baka sa umpisa lang mabait yan tapos lalabas na ang tunay na ugali.

Bigla ako namula hindi ako maka galaw sa kina katayuan ko bakit ganun nakakahiya.Halos tumibok ng mabilis ang puso ko pakiramdam ko ay totoo ang sinasabi niya. Dali-dali akong umikot at hinila ang palda ko at tama may pula pero hindi ko alam kung saan iyon galing.

Anlaki pa ng pagkakapula niyo at tila naging Japan. Halos sumigaw ako sa aking isipan nakakainis sila. Hindi ko alam kung paano ako makakauwi lalo na konti nalang ang pera ko lalo na ganito pa ang tagos na ito. Wala akong pamasahe pang tricycle, paano ko rin ito mabubuta bago lang ako dito.  Bakit kasi patulog tulog ako.

Nakakahiya pa kasi puro lalaki ang naka kita ng ganito, wala pang babae na makakaintindi sa akin. Meron naman sigurong mabait dito na may kapatid na babae at maiintindihan ako pero parang sa ginagawa nila ay walang tutulong sa akin.

Kainin na ako upuan ngayon na, now na!

Nakakahiya talaga hindi ko iyon inaasan ngayon. Nakatingin parin sila sakin habang tumatawa. Napasuklay na lang ako ng buhok ko pero parang malagkit na basa na ewan at hindi ko maintidhan. Mabilis ko itong inilapit sa bibig ko at nagulat ako.

I'm The Queen In This SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon