Chapter eighteen
May baby sa bathtub. Nandito siya ngayon sa sala kahit magulo tong rest house. Tinitigan lang namin ang baby. Ang gulo panga ng mga boys eh. Parang ngayon lang naka kita ng baby. Nagsilapitan sila sa mukha ng baby. Nung lumapit si asher biglang umiyak.
"Hala umiyak yari ka" asar ni janob sa kanya. Naiinis naman agad ang asher pero nawala din ka agad ang inis niya. Bumuntong hininga na lang muna siya.
"Huy patahanin mo yan" sabi nung nasa likod.
Kinuha niya ang bata. Mas lalo pang umiyak yung bata.
"Oy anong ginawa mo" sigaw nila.
"Bakit mo pinaiyak lalo." Sigaw ulit nung mga nasa likod.
"Napangitan siguro kay Asher. " Asar nila habang tumatawa.
Pogi naman siya eh. Sweet pa sa kapatid.
Pinatahan nila yung bata pero hindi nila magawa. Ako na nonood lang sa mga reaksyon nila. Nakakatawa kasi panoorin.
Bigla silang tumingin sa akin.
"Oy anong tingin yan?" Sabi ko.
"Diba babae ka, you should know about the babies" Sabi ni chase.
"Oo nga" sabat nila.
"H-huh? Ako?" Turo ko pa sa sarili ko. Tumango tango sila.
"Puta-hanin mo yan" turo ni Charles kay baby.
"Hoy hindi putahanin. Pa-ta-hanin. Hayss mag aral ka nga ng maayos na tagalog. Ang tagal tagal mona sa Pilipinas ganyan ka parin." Sabi ni gwen. Tahimik lang si chase na nakinig.
"Hindi ako marunong" pagtanggi ko. Medyo marunong naman ako pero hindi totally. Minsan lang ako makahawak ng baby.
Dati nga pinagbantay ako. Tas yung baby nasa papag tas ako nagduduyan. Tas pagka swing ko bigla siyang nahulog sa papag. Nagulat nga ako nun tas umiyak siya. Tas di ko siya agad binuhat kasi nga natatakot ako, kinabahan na rin. Kasi sure ako na papagalitan ako nun. Tas dumating na si tita ayun na nga na sermonan ako. Buti nalang bumisita lang kame nun.
"Mag tanong na lang tayo" sabi ni kheneth
"Kanino naman?" Tanong nilang lahat.
"Sa kumpare ko."
"Sino nga" tanong ulit nila.
"Si pareng Google." Masyang sabi ni kheneth. "Matalino si kumapare."
Agad akong napasapo sa ulo ko. Pwede naman kasi sabihin na Google nalang.
Nag search agad sila pagkasabi nun. Kulang kulang na kasi kami ngayon. Yung iba yata naka uwi na kaya hindi nila alam na may baby.
Kanino kaya tong baby.
"Hoy attention" sigaw ko kasi nga ang gulo nila.
"Ano?!!" Sigaw nila habang nakatingin sa computer.
Binabantayan ko kasi yung bata.
"Sino ba nandito kahapon?" Tanong ko.
Kasi baka isa sa amin ang may ari ng bata na ito. Kung sino ang andito sa party na toh, ibig sabihin siya ang may dala ng bata kasi nga andito siya. Siya ang naglagay ng baby sa cr. Habang nag paparty.
BINABASA MO ANG
I'm The Queen In This Section
Teen FictionElzazyn Hermogenes or Sabrina Andrea Velasquez. Yung wala ka tiwala sa lahat ng kasama mo pero mababago ka nila at mapupunta kapa sa room na puro lalaki na ina-kala mo masama pero mabait naman pala sila. Dahil ayaw mo sa mga lalaki. Iisa kang babae...