Chapter twenty two
Recess na namin ngayon hindi ko na mahabol si adi eh. Nakalabas agad ng room
"Ano ba sasabihin mo?" Tanong ko habang hinahabol siya. Ang laki kasi ng hakbang.
"Wala" sigaw niya sa akin.
"Kanina meron tas ngayon wala." Sigaw ko din sa kanya.
"Kanina yun, hindi ngayon" aniya.
Hinayaan ko nalang siya. Pumila ako sa Cafeteria. At ang haba ng pila.
Nakita ko pa si camille papunta sa akin. Nag wave siya sa akin at nag wave din ako.
Kasama niya si sam.
"Oyy!" Sigaw ni camille.
"Bakit ang layo naman ng pila mo?"
"Ganyan talaga pag low ang rank ng section. Priority nila ay ang mga number one" sabi ni sam.
"Hindi mo ba alam yun?" Tanong ko.
"Hindi ko alam yun kasi nung dun pa ako sa d hindi ako madalas na gugutom. Di rin ako bili ng bili kasi may baon ako onti." Mahabang sambit ni camille.
"Una na muna kami. Nagmamadali kasi kami eh. May quiz mamaya eh" sabi ni sam at hinila na si camille.
"Sana all" sabi ko.
Naiwan akong nakapila. Yung mga classmate ko wala sila dito.
Bago ako maka order ubos na ang mga pagkain.
Gutom na ako.
Bakit nga ba ako nasa cafeteria ako kung may baon naman ako.
Bumalik ako ng room
"Oh wala kang nakuha noh" asar nila sa akin. Palibhasa may chicken.
Lumipad ka sanang manok ka!
Kala niyo siguro wala kong baon. Meron kaya. Girl scout to noh.
Pagkatusok ni kheneth sa manok niya biglang napunta sa sahig.
Yan na nga nangyare na ang gusto ko.
Tinawanan ko siya.
"Lumipad na manok mo" pangiinis ko sa kanya.
"Wala akong pake! May manok pa ako. Kala mo huh" sabi niya at kinuha ang manok niya pa at nagsimulang inggitin ako
Mga hangal.
"Tara" sigaw ni janob.
Nag simula silang mang inggit ng kinakain.
Nagugutom na ako. Biglang kumulo ang tyan ko. Hinawakan ko nalng iyon. Pumunta ako sa bag ko. Kaya lang hindi ko naman nagalaw ang bag ko kanina, kasi nagkapalit.
Hala! Ano?
Yung pagkain ko sa bag ko. Yung pinabaon ko. Nandun yun sa bag nung babae.
Yung Tupperware ni tita!
Baka pagalitan ako, yung anak niya nawala ko. Hala! Kailangan ko hanapin yun.
Lumapit ako sa baby
"Baby penge ah" sabi ko habang tinutungga ang inuminng baby. Yung tubig lang. Nauuhaw na talaga ako eh..
May mga sumigaw pa nga, pero hindi ko yun pinansin.
Bahala kayo diyan.
Tumakbo na ako papunta doon sa may linakaran nung babae kanina.
BINABASA MO ANG
I'm The Queen In This Section
Teen FictionElzazyn Hermogenes or Sabrina Andrea Velasquez. Yung wala ka tiwala sa lahat ng kasama mo pero mababago ka nila at mapupunta kapa sa room na puro lalaki na ina-kala mo masama pero mabait naman pala sila. Dahil ayaw mo sa mga lalaki. Iisa kang babae...