CHAPTER 40

392 98 2
                                    

Naglalakad ako ng padabog. Aalis na nga muna ako sa school. Kahit anong oras lang naman daw pwede umuwi.

Bumili muna ako ng donut. Pampawala ng stress.

"Choco butternut po" sabi ko. At iniabot ang bayad ko. Ang mahal ng donut.

Naglakad na ako papalabas habang hawak ang donut ko.

May dumaang mga motor. Ang dami naman.

Naglakad na lang ako at hindi pinansin ang mga motor. Pero bakit parang ang dami namang motor. Mga naka black mask pa. Walang helmet.

May isang motor na nakasagi nang donut ko kaya nahulog yun.

Yung donut kong mahal na nagiisa nawala pa.

Parang may nagmamanman sa akin. May umistop na motor sa tapat ko.

"Hi babe!" Natatawa niyang sabi.

"Hoy hindi na tayo thunder." Seryoso kong sabi.

"Joke lang. Pinapahatid ka ng papa mo." Sabi niya.

"Ha?"

"Ang papa mo ay kasabwat ko" paliwanag niya

"Kilala mo si papa?" Naguguluhan kong tanong.

"Oo matagal na. Ito na yata ang time ko para magkwento." Sabi niya. Nakinig na lang ako sa kwento niya

"Kaya ako nakipag break sayo ay para layuan ka ng mga ka away ko. At ligtas ka. Tska yung teacher mo na si sunny. Siya ang nagbabantay sayo. Sabi din ng papa mo layuan kita kasi ang ugali ko barumbado basta panget ang buhay ko. Kasi pag nakipag relasyon ako sayo papatayin ako ng papa mo. Ang yaman pala ng papa mo noh...Mahal kita. Dati hindi ngayon. Ang mahal kona ngayon ay si sunny. Tas yung kinidnap kita. Joke ko lang yun. Tinitigan ko kung ano ang reaksyon mo. Alagad ko yung mga naka black mask. Pinapabantayan lang kita. Kasi nga naging classmate mo yung mga nakalaban ko. Akala ko din na sasaktan ka nila" paliwanag niya. Napanganga ako. Really. Pero hindi ko naman siya minahal. Onti lang.

Eto na naman. Isa pa toh. Pinapalayo na naman nila ang mga taong nakapaligid sa akin. Kinalma ko muna ang sarili ko.

"Ay nakalimutan ko ihahatid na pala kita sa papa mo" sabi niya habang kumakamot sa ulo. Pinasakay niya ako sa motor. Iniabot niya sa akin ang helmet. Sinoot ko din. Nanahimik na lang ako.

"Hindi kaba kakapit?"tanong niya. Nakaupo lng kasi ako. Hindi gumagalaw. Kinuha niya ang kamay ko at linagay sa bewang niya.

"Wala namang malisya. Baka patayin agad ako ng papa mo pag nahulog ka sa motor ko. Ay sa iba kana pala nahulog. Halata namang mahal na mahal mo siya. Mahal ka rin nun." Sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin. Alam ko naman kung sino yung tinutukoy niyam

Nagsimula na siyang umandar.

NAKARATING kami sa mga lupang walang bahay. Ewan ko kung saan toh. Hindi ako pamilyar dito. Feeling ko maliligaw ako

"Saan tayo?" Tanong ko habang nagmamaheno siya.

"Sa papa mo nga. Papa mo my ari neto. 50 hectares toh sa dulo neto ang bahay niyo." sabi niya

Hindi na ako nagsalita dahil hahaba pa ang pag uusapan namin.

Marami ding motor na nakasunod sa amin.

NAKARATING na kami sa pupuntahan namin. May bahay na saktong laki. Parang 150 square meter. Walang second floor pero mataas ang bahay.

May malaki kasing bintana. Makikita mo ang malaking chandelier.

Pumasok sa ako sa pinto. Tumingin ako sa taas. Ang taas ng ceiling. Sa labas palang halata na nang malaki.

"Anak!" Sigaw ni papa. Hinug ako ni papa kaya hinug ko din siya pabalik. Ngumiti si papa ng matamis sa akin.

"Nabalitaan ko na ang anak ko ay galing korea. Dapat ipapakuha kita sa kuya mo. Kaya lang tamad. Merry Christmas, Happy New year to my daughter" sabi niya. Ngumiti ako kay papa. Namiss ko siya. Ilang months din yung huli nming pagkikita.

"Kumain ka muna. We will talk later." Sabi niya. Hinandaan ako ng mga maid ng pagkain.

Bakit kaya ako andito. Hindi pa naman lunch. 10 palang eh. Kumain na lang muna ako ng salad. Baka tumaba ako pag kay papa na ako ah. Madaming pagkain eh. Kahit di pa oras ng kain eh

Naalala ko yung pagkain ko na dala. Yung donut.

Yung donut ko kanina may nakasagi. Tumabi sa akin si thunder.

"Maki kain lang ako. Napagod ako doon ah. Ang bigat mo. Para kang 80 kilo" sabi niya. Papaluin ko na sana siya sa likod niya pero napigilan niya ako. Ang ingay kasi.

Kumakain ako eh. Tas magiingay siya.

"Yung donut ko ibalik mo" sabi ko sa kanya. Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Kasamahan mo yung ibang naka motor diba. Kaya palitan nila yung donut ko na Choco butternut." Sabi ko sa kanya. Aba ang mahal kaya nun. Seventy nga lang pera ko eh.

"Yun lang ba, hay nako sabrina napaka baba naman ng gusto mo" sabi niya.

"Ivon! Donut daw para sa princessa" sigaw niya. Lumapit ang bata sa amin.

"Opo" sabi nung batang babae. Kasing edad ko lang ata. Hindi ko alam. Mukhang mas bata pa siya sa akin. Bakit siya nagbabanat ng buto Ang bata niya pa. Para diyan

"Ilang taon k-"naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.

"Paumanhin. Bawal po kami magkipag usap sa susunod na princessa ng United Kingdom. Paumanhin po" magalang na sabi ng bata. Yumuko pa siya. Umalis na siya sa amin.

Grabe naman ang paggalang nila sa akin. Parang mas pipiliin ko pa na maging normal kaysa sa ganito.

"Hindi ka kakausapin ng mga trabahador dito. Dahil yun ang sabi ng ama mo. Kaya kung may kakausapin ka. Wag mo na ituloy dahil iiwasan ka lang nila." Sabi niya. Lumingon ako sa kanya.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Dumating na ang gusto kong donut dala ng ibang maid. Ang daming flavor. Ang dami namang pagkain dito.

Hindi naman sa PG ako ang sarap lang kasi.

Dumating na si papa.

"Naka kain kana?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at ngumiti kay papa.

"Opo papa."

"Don't call me papa. Call me dad" sabi ni dad.

"Yes pa- Dad"

Naglakad kami papunta sa garden. Umupo na ako bakanteng upuan.

"Sabrina dahil ikaw ang aking taga pagmana ng ari arian ko. Gusto ko na ikasal ka. Para may tumulong sayo sa pag asikso ng palasyo. At ari arian ko." Sabi ni papa. Kumunot ang noo ko. Ipapa arrange merriage niya ako. Katulad ng kay gyean.

"Pa naman" sabi ko. Hindi ko naman maho yun. Naramdaman kona, ang naramdaman ni gyean.

"Hindi naman sa pinagmamadali kitang mag asawa. Gusto ko lang naman na may tumulong sayo upang hinid ka mahirapan" paliwanag ni papa. Tumayo ako

"Ayaw ko papa. Sa tagal natin di nagkita yun lang pala ang habol mo sa akin"

"Hindi nama ganun yun sabrina." Sabi ni papa.

Biglang lumabas si tita. Yung mommy ni gyean. Kaya napatingin kami.

"I'm sorry" nahihiyang sabi ng mommy ni gyean. Sinara niya na ang pinto. Lumabas na rin ako. Iniwan ko si papa

Habang naglalakad ako. Parang kilala ko. Naka mask siya. Alagad ni thunder. Pero tinanggal niya. Si gyean. Lumapit siya sa akin.

"Kala ko kinuha ka na niya sa akin eh" sabi niya habang hinug ako. Gusto ko mag hug pabalik kaya lang eh...

Oo sayo ako

"Hindi ako sayo" pagsisinungaling ko.

"You lie again"sabi niya. Na alala ko ang sinabi niya noon na. One lie one kiss. Bakit ba kasi napaka sinungaling ko.

I'm The Queen In This SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon