CHAPTER 23

445 98 1
                                    

Chapter twenty three

Unhook

Di talaga ako makapaniwala. Si adi ang ama nung baby.

_________________

Elza ako ang ama nung baby na ina- alagaan ni trayne. Wag mo pagsabi, satin lang to ah.

_________________

Yan ang nakasulat sa papel. Linagay ko na lang sa bag ko yun. Bakit? Paano naging sa anak niya yun. Eh wala nga siya nung nag party sa rest house ni charles.

Paano niya nadala sa rest house eh wala siya doon.eh dapat nakita namin siya

Nakahiga na ako ngayon. Iniisip kung bakit niya linagay yung baby doon sa bathtub at bakit hindi niya ina lagaan, kung anak niya yon.

Anak niya yon eh. Sasabihan ko nga siya.

Nakatulog ako kakaisip kagabi dahil doon. Muntikan pa ako di makatulog ewan ko ba.

Buti nalang talaga nakatulog ako kung hindi naman puyat na ako ngayon at sabog.

Papasok na ako. Nagbaon ako ng fries eh. Favorite ko yun eh. Pero di ako nakapag baon ng kanin. Kakain nalang ako sa cafeteria.

Pagpasok ko sa room, pinuntahan ko si Adi. Kaya lang wala pa siya sa room yung baby andito na. Lagi daw ata dadalhin para daw makita namin.

Tsaka busy na din yung nanay ni trayne.
Kaya mas pipiliin nilang dito nalang, kaysa daw sa bahay na walang tao.

Pero may assistant siya. Pero nasa labas kasi daw nahihiya.

Hinintay ko si adi na pumasok ng room.

"Hoy!" Sigaw sa akin ni kheneth at janob.

"Sino hinihintay mo?" Tanong ni chase.

"Si sir" pagsisinungaling ko. Baka pagsinabi ko ang totoo. Alamin nila yun. Eh samin lang yun ni adi.

"Weh, nakikita nga kitang naiinis kay sir tas ngayon siya hinihintay mo." Sabi nila kheneth at chase.

"Oo nga!" Sabi ni janob.

"Bahala nga kayo diyan, puntahan ko na lang si camille sa room niya" sabi ni chase at nag simula ng tumayo at umalis

"Wait moko!" Sigaw ni kheneth. Nakalabas na si kheneth ng room. Ang natira nalang ay kami ni janob. Kaya medyo tahimik na

Hindi niya na ako pinansin.

Sino ba ako

Hinintay ko na lang si adi. Ang tagal naman nun.

"Oy, baka pala nakalimutan mo na magpadre pio tayo." Sabi ni janob habang nagcellphone, ako ay nakatulala lang sa pinto. Kaya napatingin ako sa kanya

"Oo diko nakakalimutan, kailan ba tayo pupunta." Tanong ko sa kanya. Nakaharap na ako sa kanya.

"Sa exam, halfday lang yun" aniya

"Sige" tumango tango ako.

"Wag na lang kaya tayo mag exam" pagbibiro niya kaya pagkasabi niya nun binigyan ko siya ng matalas na tingin.

"De joke lang" sabi niya at naka peace sa akin

"Sino sino ba kasama?" Tanong ko sa kanya.

I'm The Queen In This SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon