Isang linggo na ang nakalipas bumabagabag pa rin sa akin yung picture na iyon wala naman siya pero hindi ko makalimutan.
Ginawa kong busy ang sarili ko para hindi ko siya maisio at maalala.
Monday na ngayon siguro ay papasok na iyon. Makakatabi ko pa siya nakita ko pa yung post niya sa london yung naka post ay Big Ben at Tower Bridge pero wala siya dun. Pinicturan lang.
Pero may caption na "je t'aime..." At "te quiero..."
Ano ba yun?
Bahala na nga nakaupo ako ngayon sa upuan ko at nakatitig sa upuan ni gyean. Bahala na siya. Kakalimutan na kita wala na tayong past. Memories lang yon pero hindi ko siya isasali sa memories ko.
Naka palumbaba lang ako sa upuan ko at nag hihintay kung papasok siya para alam ko kung wala akong katabi.
May naramdaman akong tao. Tinignan ko kung sino ay nagulat ako dahil si gyean. Iniyos ko ang upo dahil uupo na siya sa tabi ko. Umupo na siya sa tabi ko naamoy ko pa yung pabango niya na mabago at napaka tahimik uli namin.
Narinig ko siyang tumawa kaya napatingin ako. Umiwas na lang ako dahil nakatitig siya sa akin habang tumatawa. Ang cut- este panget mo.
Bumuntong hininga na lang ako.
"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya.
"Huh?" He raised his brows.
"Anong huh? Tinatawanan mo nga ko." Masunhit kong sagot.
"I'm not laughing at you. I laugh because of them, not you." Turo niya sa likod ko kaya tumingin agad ako doon.
Holy shet ang daming sticky note sa likod ko kaya pala siya tumatawa.
"See?" sabi niya kinuha ko lahat ng sticky note sa likod ko.
Nabasa ko ang ibang nakasulat. Panget,maganda, losyang, mabaho, sabog at kung ano ano. Hinayaan ko nalang yun. Napabuntong hininga na lang ako sa kanila. Sino naman kaya ang nagdikit nito? Ang gara nila ka bonding.
Bakit ganun kung maka react siya eh parang wala lang sa kaniya yung picture or baka hindi niya alam 'yon or baka sinadya niya?
"Happy?" naka ngiting sabi niya kaya ngumiwi nalang ako. Hindi ko na siya pinansin pagkatapos non dahil dumating na ang teacher namin.
Nakinig na lang ako at ginawang busy ang sarili para makalimutan ang kahihiyan ko kanina.
Bakit ba parang hindi siya nasasaktan. Kita ko naman sa mukha niya na hindi niya ako mahal at wala siyang pake-alam sa akin.
Ilang araw ang lumipas ay maraming nangyare pero boring. Malapit na rin ang UN namin. Ten days na lang UN na kaya nag prepare na sila.
Lahat ng classmate ko nakasuporta sa akin dahil sure sila na mananalo ako.
BINABASA MO ANG
I'm The Queen In This Section
Teen FictionElzazyn Hermogenes or Sabrina Andrea Velasquez. Yung wala ka tiwala sa lahat ng kasama mo pero mababago ka nila at mapupunta kapa sa room na puro lalaki na ina-kala mo masama pero mabait naman pala sila. Dahil ayaw mo sa mga lalaki. Iisa kang babae...