CHAPTER 31

389 97 0
                                    

I saw kuya standing in front of his car

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I saw kuya standing in front of his car.

"Hello kuya!" masayang sabi ko hindi siya ngumiti sa akin kaya bumusangot ang mukha ko.

"Get in" galit na utos ni kuya. He looked tired.
Pumasok na din siya sa driver sit then he started the engine.

"Malapit na ang birthday party mo mag-eighteen kana. Invite mo lahat ng friends mo at classmate mo. Invite mo na rin si rinz" sabi niya habang nagmamaneho. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Paano ko ba kakausapin yung mga classmate ko. Eh galit ako sa kanila. Ah alam ko na kay camille ko nalang iutos na ibigay yung invitation.

Makipag bati na nga lang ako. Hindi naman sila may kasalanan, na damay lang sila. Tsaka kami lang ni panget ang nagbreak hindi sila.

"Kinausap ako ng teacher mo. Nag cut ka daw?" sabi ni kuya na ikinagulat ko.

Naku po yari ako neto. Nanahimik lang ako sa upuan at hindi kumibo.

"I knew it, saan ka galing" tanong agad ni kuya nung nag stop na kami dahil sa traffic.

"Yan ba ang natutunan mo sa school ang cutting huh?!" Galit na sabi sa akin ni kuya.

"Hin-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na si kuya.

"Sumasagot kana?!" Sigaw niya ulit sa akin kay nakayuko nalang ako.

Bakit ba ganon sasabihin ng mga teacher
"Oh yan ba ang tinuturo sa bahay niyo, na maging tamad sa klase."

While in the house
"'Yan ba ang tinuturo ng school niyo ang magcutting classes at sumagot sa magulang. Tas minsan pag tinanong bakit hindi ka sumasagot."

Anong totoo?nagbibintangan lang kayo eh. Naguguluhan ako sa kanila. Anong totoo?Hay nahawa na tuloy ako kay camie.

Nakarating kami sa bahay. Tahimik lang akong bumaba ng sasakyan dahil hindi ako tatantanan nito.

"You're grounded starting tommorow," sabi niya bago lumayo sa akin kaya napahinto ako. Ano?!

Nakita ko si tita sa pinto. Nakatingin lang siya sa amin nakita ko nagbless si kuya kay tita bago ito pumasok sign of respect.

Tumingin lang ako kay tita at nagbless lang din ako. Hinatid ako ni tita sa kwarto ko.

"Wag ka malungkot. Nasabi niya lang 'yon dahil galit siya at pagod hayaan mo nalang," sabi ni tita. Wala si mama at papa nasa ibang pamilya na habang ako andito lang kanila tita. Hindi ba nila ako kukunin?

Birthday ko na ngayon. Bati na kami ng mga kaklase ko bukod Gy-panget. Invited din si gyean pero sa tingin ko ay hindi siya pupunta.

I'm wearing a purple ball gown may mga diamonds sa baba 'yung sandals ko violet na may mga dahon sa takong. Ang ganda nga eh as in sobra pero naninibago ako hindi naman ako pala takong eh.

I'm The Queen In This SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon