CHAPTER 29

383 96 9
                                    

Naging kami ni gyean ng one month. Ngayon magmonthsary na kami. Ang daming nagyayari na masaya. Lagi kamimg nagdadate. Tuwing sunday.

Ang sweet niya sa akin nung nakilala ko siya. Hindi pala siya sobrang yaman sakto lang. Wala na siyang nanay, nag ibang bansa na at yung tatay niya naman ay nasa ibang bansa na rin. May kanya kanyang buhay na. Habang sila ay naiwan lang dito sa Pilipinas.

Nagtutulungan daw sila kung sino ang na nangangailangan tapos si Asher daw tumutulong sa kanila kasi siya ang pinaka mayaman.

Merong time na nakabagsak ako ng tatlong exam dahil nag date kami ni gyean pero masaya naman pero wag niyo akong gagayahin. Pinagalitan pa ako ni kuya kung bakit daw ako bagsak. Kasi naman over 60. Five or Eight lang kasi ako kaya ayun galit na galit hindi naman na uulitin.

Nasa school ako ngayon. Hinihintay si Gyean. Mamaya may magyayare daw pero surprise.

Ano kaya yun nakaka excite. Ang saya ko kapag kasama ko siya napaka saya ko as in. Alam na rin pala ni tita na kami na ni gyean pero kay kuya hindi niya alam kasi alam ni tita na magagalit si kuya. Kasi pumasok daw agad ako sa relationship. Kasi ayaw niya na daw mangyayare ang nangyare dati.

Hinihintay ko matapos ang klase. Absent si Gyean kaya wala siya sa tabi ko ngayon. Medyo malungkot ako kasi kung kailan monthsary namin wala siya sa tabi ko kahit nga wala ng surprise basta kasama ko lang siya.

Kahit wag na siya gumastos para sa akin. Basta mahal ko siya walang makakasira non kung walang maninira. Tiwala lang sa isat isa.

"Masaya ka?" Tanong ni Janob at Kheneth. Tumango naman ako. Nakangiti pa ako ngayon.

"Eto oh tissue" abot ni janob. Kumunot ang noo ko

"Para saan?" Tanong ko.

"Para sa tears of joy" alinlangan na sabi ni janob. May tiwala naman ako sa kanila. Alam ko na hindi nila ako linoloko

"Sana maging masaya ka" sabi ni kheneth, hinawakan niya pa ang balikat ko.

"Goodluck" sabi din ni Janob at sabay hinawakan din ang balikat ko. Anong problema? Bakit ganun sila umasta?

Eto na ang pinaka hinihintay ko. Uwian na kasi.  Itong sila Janob medyo masaya na malungkot ganun. Ano kaya gagawin ko sa tissue? Tumawag si gyean sa akin kaya mabilis ko itong sinagot.

"Ready kana?" Masayang sabi niya.

"Oo heheh" sabi ko habang nakangiti sa kawalan.

"Punta kana. Handa na lahat kasama ang section D" aniya. Binaba niya na agad ang tawag. Pagkabababa niya ay dali-dali akong tumakbo. First monthsary at parang ngayon ko lang din 'to mararamdaman.

Pumunta na ako ng rooftop pero walang naka ayos. Bakit ganito? Akala ko ba naghanda siya? Ano 'to? Naglakad lang ako at sinundan ko ang piraso ng mga papel.

Hanggang sa nakarating ako sa dulo. Nakita ko si Gyean na nakatalikod. Pagkaharap niya ay napa nganga ako dahil may papel na nakatakip sa mukha niya.

Totoo ba tong nakikita ko?

"I-ikaw?" Nauutal kong sabi agad namang tinanggal ni Gyean iyon. Paano niya nakuha yung mukha na iyon? Nakakahilo naman. Siya bayun?

"Ako nga" ngising sambit niya. Totoo nga! Pero bakig nagbago ang mukha niya? Nagparetoke siya.

"Now you know. That's all I planned" sabi niya. Nakatulala lang ako sa kanya. Totoo ba talaga toh?

Unti unti naglabo ang paningin ko dahil ako ay naluluha na. Siya ba talaga? Ang bagal magproceso ng utak ko dahil hindi ako makapaniwala.

I'm The Queen In This SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon