Chapter eight
Elzazyn PoV
Ang hirap bumangon parang buhat ko ang mundo. Nakakahilo pa. Tumingin lang muna ako sa orasan.
Natulog na lang ulit ako. 1 minutes lang. Hirap kasi bumangon ehh.
Biglang may kumatok sa pinto ko.
"Hmmm..."
"Elzazyn gising na. Anong oras na ohh. Papasok kaba? Sabihin mo lang kung hindi!" Sigaw ni tita sa labas ng kwarto ko.
Di talaga ako makabangon nakakahilo.
Pumunta ako sa pinto. Bubuksan ko na sana pero biglang nabuksan.
Biglang bumungad ang mukha ni tita.
Bigla kumunot ang noo niya
"Bakit ganyan ang itsura mo ang aga aga mukha ka sinukluban ng lupa." Sabi ni tita
Hahawakan niya na sana ang noo ko pero umiwas ako.
Nung hahawakan niya na ulit ako na hawakan niya na ang noo ko. Dahil hindi ko na kaya dahil nahihilo na ako.
"Napaka init mo ahh" sabi ni tita na may halong pag aalala.
Biglang niya akong hinila pa punta sa higaan ko. Para humiga.
"Okay lang po ako" sabi ko.
"Hinde" sabi niya.
"Papasok po ako" pagpupumilit ko.
"Hinde!" Galet na sabi ni tita.
"Okay lang po ako kaya ko po pumasok." Sabi ko at pinakita na walang sakit at ngumiti ng pilit.
"Sabi mo ehh,bahala ka" sabi niya at iniwan na ako sa kwarto.
Hindi na ako naligo. Nagpunas na lang ako at naghilamos ng mukha.
Lumabas na ako ng kwarto.
Pagkadating ko sa kusina.Bigla naman sila na napatingin sa akin. Multo ba ako at parang ngayon lang ako nakita.
Kumuha lang ako ng isang tinapay at hotdog pinalaman ko ito.
Nag simula na maglakad. Ang bigat ng ulo ko. Parang diko na kaya.
BINABASA MO ANG
I'm The Queen In This Section
Fiksi RemajaElzazyn Hermogenes or Sabrina Andrea Velasquez. Yung wala ka tiwala sa lahat ng kasama mo pero mababago ka nila at mapupunta kapa sa room na puro lalaki na ina-kala mo masama pero mabait naman pala sila. Dahil ayaw mo sa mga lalaki. Iisa kang babae...