CHAPTER 21

459 99 8
                                    

Chapter twenty one

Gumising ako ng maaga medyo excited.
Tumingin ako sa salamin.

"Ang panget ko talaga" sabi ko habang nakatitig sa mukha ko na may pimples na dalawang piraso.

"Anak, umalis ka sa mukha ko."

"Elzazyn!" Sigaw ni tita habang kumakatok sa pinto ko.

Hala! Agad akong nag ayos ng kaunti dahil hindi pa ako ayos dahil tinitignan ko ang anak ko.(pimples)

Sumilip ako sa binta. Si clowee nakatingin sa bintana ko. Nag peace at nakangiti siya sa akin. Bumaba ako para puntahan siya.

Pagkadating ko sa kanya.

"Sabi ko sayo dapat nagpakita ako kahapon, kasi pupunta ako dito. Yan tuloy di ako pinapasok" nagtatampo niyang sabi.

"Bakit ka andito?" Tanong ko.

"Eh kasi wala ako doon. Ano ba common sense naman"

"Pumasok kana" sabi ko. Hinawakan niya ang braso ko at nag simula na mag lakad papasok sa bahay.

"Gaga hindi diyan. Papasok na sa school" sabi ko

"Pinapapasok moko kanina tas ngayon ayaw mo" aniya. Napasapo nalang ako sa ulo ko.

"Papasok kasi sa school. Hindi dito"

"Ako lang" tanong niya

"Oo" sabi ko habang tumatango.

"Sabay na tayo."

"Maghintay ka diyan sa labas." Turo malapit sa akin.

"Eh nagugutom ako. Pwede ba maki kain"

Ay pagkain ang gusto.

"Bahala ka diyan" sabi ko na lang. Iniwan ko siya doon.

"Pinapasok kita sa bahay namin tas ako di mo ako winelcome" sabi niya. Kaya humarap ako sa kanya ng kaunti.

"Tseh!" Singhal ko.

"Sasama ako sayo sa ayaw at gusto mo!"
Sigaw niya.

Pumasok na ako sabay. Tinotoo niya nga na makikikain siya.

"Hello po, pwede po makikain" nahihiyang sambit niya kay kuya. Hindi siya nito pinansin. Naglakad lang si kuya.

Ang yaman yaman neto di kumain sa bahay.

"Suplado naman" singhal niya pagkatalikod ni kuya.

Pumunta lang ako sa kwarto ko para kuhain ang maling bag na nakuha ko. Isasauli ko yun sa lost and found.

Kung sino ang makita na kapareha ko ng bag it's mean siya na yun. Kami lang siguro ang magkaparehas. Binilisan ko mag ayos ng gamit. Baka kung ano na ginagawa ni clowee sa baba at baka ubusin ang pagkain sa kusina.

Ang sungit niya kahapon. Di ko yun makalimutan. No comment kami ni anne sa ginawa niya.

Pagkadating ko sa kusina kumakain na nga siya. Kumain na din ako. Wala sila tita umalis na agad. May inasikasopa daw kasi na mahalaga.

Nagingay si clowee sa baso niya. Pagkatapos niyang uminom.

"Elza paano pala yan. Yung rank niyo low. Matagal ka makakapag lunch o recess." Aniya

"Baka hindi naman." Sabi ko.

"Pahirapan ang pagpila sa cafeteria. Mas lalo na pagmababa ang rank ng section niyo."sambit niya habang sumusubo ng hotdog.

I'm The Queen In This SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon