Prologue

11.9K 146 5
                                    

#DC | Prologue


Nakapatong ang mga paa ko sa lamesitang nasa gitna ng malaking Salas habang naka-ismid na pinapanood ang isang recorded interview.

Kuha ito kaninang umaga pa at ipinakita lang ulit ngayon, “Tsk.” ismid ko habang nakamata sa isang lalaki na akala mo ka'y bait talaga.

Plastik.

Nakasuot ito ng all-white Americana, black tie at maganda ang pagkaka-ayos ng buhok, kabaong nalang at puwede ng ilibing. Tunay nga na gwapo ito, napaka-amo rin ng mukha at hindi mo mapag-iisipang gagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay kapag wala na ang mga matang nakatingin.

Hindi na ako nagulat ng biglang mamatay ang LCD screen na nakakabit sa pader, sunod ay naramdaman ko ang mabigat na presensya nito na papalapit sa puwesto ko.

“You didn't answer any of my calls and texts,” mariing aniya.

Umirap ako, “Ano naman ngayon?” matabang na sagot ko. Ang mga palad nito ay humimas sa magkabila kong balikat, mainit at mariin.

“You know that I hate it.”

Pinalis ko ang mga kamay niya at padabog na tumayo, “Wala akong pakielam kung ayaw mo no'n,” matalas ang mga matang nilingon ko siya. “Lahat ng ayaw mo gagawin ko! Dapat alam mo na 'yan unang araw palang na pinilit mo akong pumirma sa kontrata at magpakasal sa'yo!”

Tumiim ang pagkakatitig niya sa'kin pero hindi naman siya nagsalita.

Ngumisi ako, “Ito ang gusto mo di'ba? Ang maging iyo ako? Eto na, nailayo mo na ako sa pamilya ko. Naikulong mo na 'ko sa kulungang ito! Ngayon, magdusa ka!” pang-uuyam ko.

Napatungo siya, “I'm sorry.”

“Tsk. Kahit ilang beses ka pang mag-sorry, hindi mo na maibabalik ang lahat. Wala na ang pamilya ko, at dahil 'yun sa'yo.” mapait kong sabi bago siya talikuran at iwan.

Two years ago ng dukutin niya 'ko mula sa pamilya ko, isa sa mga tauhan niya ay hindi sinasadyang masunog ang bahay namin at nilamon nga ng sunog na iyon ang pamilya ko. Nang araw ring iyon ay pinatay niya ang tauhan niyang sumunog sa bahay namin, siya mismo ang gumilit sa leeg ng lalaki pagtapos ay lumuhod sa harapan ko para hingin ang kapatawaran ko.

Matapos ang isang buwan na hindi ko man lang nakita maski sa kahuli-hulihang hantungan ang pamilya ko'y pinilit niya akong magpakasal sa kaniya, pumirma sa kontrata.

Gulong-gulo ang isip ko, hindi ko alam ang gagawin. Ginamitan niya ako ng droga noon para mapilit na pumirma sa kontrata, nagising nalang ako kinaumagahan dito sa malaking bahay niya.

Ibinigay niya sa'kin ang lahat, kahit anong gustuhin ko ay ibinibigay niya.

Dumiretso ako sa kusina at naglabas ng dalawang bote ng alak, nilunod ko ang sarili ko sa alcohol at hinayaan ang sariling maigupo ng kalasingan.




***


Nagising akong bago na ang damit at presko ang pakiramdam, nasa malaking higaan na rin ako at ramdam ko sa balat ko ang malamig na buga ng aircon.

Medyo masakit ang ulo ko pero baliwala na iyon dahil halos gabi-gabi naman ay umiinom ako at ganito lagi ang umaga ko.

Bumaba ako ng higaan at tinungo ang pinto, pababa palang ako sa hagdanan ay naaamoy ko na ang mabangong halimuyak ng pagkain.

Pumunta ako sa kusina at natagpuan siyang nakatalikod sa gawi ko habang nagluluto, may ilan ng lutong pagkain sa mesa at may fried rice na rin.

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon