Chapter 3

4.8K 110 2
                                    

#DC | Chapter 3


Wala siyang imik sa likod ko habang nilalakad namin ang daan patungo sa uukupahin naming kuwarto.

Kakalapag lang ng sinakyan naming private plane kanina at dito nga agad kami dumiretso, alam niya kasing kanina pa ako nanggigigil.

“Sir, we're here.” ani ng staff na naghatid sa'min sa pinakang taas nitong building.

Wala akong narinig na sagot mula kay Zurich pero hula ko'y tango lang ang ginawa nito bago kumilos ang mga tauhan niya para ipasok sa loob ng kuwarto ang mga maletang dala namin.

“Is it fine to you? Or you want this whole building?” tukoy niya sa buong lugar, lumipat siya sa gilid ko.

Gusot ang mukhang nilampasan ko lang siya at hindi kinausap, hinanap ko agad ang kuwarto at padapang ibinagsak ang sarili sa malaki't malambot na kama.

“Gwyn, I'm sorry about what happened earlier.” sunod niya sa'kin sa kuwarto.

Walang lingon-lingong itinuro ko ang direksyon ng pinto, “Labas.” utos ko.

Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin hanggang sa tunog ng pagsara ng pinto, tumihaya ako habang inaalis ang suot na flat shoes gamit lang din ang mga paa ko.

Bumaluktot ako at binalot ang sarili ng makapal na comforter, iidlip lang ako at paggising ko mamaya ay magpa-plano na ako ng mga gagawin ko dito.

“Hey..”

Naalimpungatan ako ng makaramdam ng marahang pagtapik sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, unang tumambad sa paningin ko si Zurich. Tipid itong nakangiti habang nakatitig sa'kin.

Agad ko siyang kinunutan ng noo at inirapan, bumangon ako at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

“Let's eat?” aniya, hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagyapos sa'kin mula sa likuran.

Tila ako na-bato at hindi agad siya na-suway, nang bumalik ako sa katinuan ay galit kong binaklas ang mga kamay niya bago siya harapin at sampalin.

“Huwag mo sabi akong niyayapos!” paalala ko sa kaniya, sinabi ko na iyon sa kanya mula pa noong isang taon.

Ngumiti lang siya.

“Tsk.” inis kong inalis ang comforter na nakabalot sa'kin at padabog na bumaba ng kama. “Bwisit.” mahinang usal ko pa at isinalampak ang pinto ng makalabas ako.

Hinanap ko ang kusina, nang makita ang loob noon ay napag-alaman kong naka-ayos na ang lahat. Nagsipilyo muna ako pagtapos ay naupo sa hapag, sakto namang pagpasok ni Zurich at naupo sa katapat kong upuan.

Wala kaming imikan at ingay na nanggagaling lang sa bawat galaw ko ang maririnig sa loob.

Hanggang sa matapos kami sa pagkain ay hindi siya nagsasalita, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit mas lalo akong nainis. Kadalasan kasi ay nagsasalita iyan kahit patungkol sa mga walang kwentang bagay maka-usap lang ako.

“Ipagtimpla mo 'ko ng gatas.” utos ko sa kaniya bago lumabas ng kusina, gusto ko lang na magsalita siya.

Pero tango lang ang isinagot nito habang nililigpit ang lamesa.

Tumiim ang bagang ko, naupo ako sa sofa kaharap ang TV. Binuksan ko iyon at nanoood, pilit kong ipinipirmi ang buong atensyon sa telebisyon.

Nasa kailaliman na ako ng panonood ng dumating si Zurich bitbit ang isang baso ng gatas, sumimangot ako. Mukhang tinapos niya pa ang hugasin bago ako ipagtimpla ng gatas.

“Ayoko na niyan.” sambit ko ng hindi siya nililingon. “Orange juice na ang gusto ko.”

Saglit siyang natigilan bago muling kinuha ang baso ng gatas, bumalik siya sa kusina. Ako naman ay maliit na napangisi.

Nang bumalik siya ay orange juice na nga ang dala niya, may kaputlaan ito.

“Ayoko niyan, gusto ko yung orange na orange ang kulay.” dikit ang mga kilay na sabi ko.

Natigilan na naman siya, nagtagpo ang mga mata namin at kita ko roon na malapit na siyang mapikon.

Good.

“Samahan mo na rin ng sandwich.” habol ko ng maglakad siya  papasok sa kusina.

Natatawa na ako, sinupil ko lang iyon ng mabilis itong bumalik dala ang isang tray. Naroon ang orange juice na ngayon ay matingkad na ang kulay, sa tabi noon ay nakalagay ang mga tinapay na may kasamang garapon ng nutella.

Inilapag niya 'yon sa lamesitang nasa harapan ko. Napatango ako.

“Pakuha na rin ng unan at kumot sa kwarto, magmo-movie marathon ako dito.” ani ko habang inaabot ang baso ng juice, saktong pag-inom ko roon ay ang pag-alis niya papasok sa kwarto.

Reynang-reyna ang dating ko.

Napahagalpak ako ng tawa habang nanonood ng Mr. Bean, pero ang totoo ay 'yung mga pinaggagawa ko ang  tinatawanan ko.

Nang bumalik si Zurich ay siya na rin ang nag-ayos ng unan at kumot sa sofa na kinalalagyan ko.

“Ayan, paki-palamanan na rin nung mga tinapay.” nguso ko sa lamesita ng matapos siya sa huli kong pinagawa.

Tumayo ito sa may bandang gilid ko, nakapameywang at nagpakawala ng maikling tawa.

Ayan na, pikon na siya.

Nakataas ang isang kilay na tiningala ko siya, “Ok, ako na.” malamig na sambit ko at ibinaba ang baso, akma ko palang na hahawakan ang isa sa tinapay ng hamigin niya ako at ibalik sa pagkakaupo sa sofa.

Walang salita na naupo siya sa lapag at sinimulan ng palamanan ang mga tinapay, nakatalikod siya sa gawi ko. Hindi ko na napigilan ang hindi matawa, kaya tinakpan ko ang bibig ko at walang ingay na tumawa.

Susunod rin pala eh, may pa-tawa-tawa pa.

Tumikhim ako. “Pakilipat nga ng channel.” kunwari'y bored na utos ko, hinablot niya ang remote at basta nalang nilipat ang channel. “Ayoko d'yan, lipat mo pa.” paulit-ulit na sabi ko at siya naman ay todo lipat, hanggang sa makuntento ako ay doon lang siya natigil.

Patagilid akong nahiga at ipinatong ang mga paa sa arm rest ng sofa, imbis na manood sa TV ay ang ginagawa niya ang pinanood ko.

Nang maalalang isa nga lang pala ang kwarto rito ay binuksan ko ang usapang 'yon, “Bakit isa lang ang kwarto?”

Saglit niya akong nilingon, “I don't know.” sagot niya.

Napairap ako, ari bang hindi niya alam 'yun? Siya ang kumuha ng lugar na ito tapos hindi niya alam na isa lang ang kwarto?

“Tsk. Kung hindi ka matutulog dito sa labas mamaya, ako ang matutulog dito. Ayaw kitang katabi––” naputol ang sasabihin ko ng mabilis ako nitong harapin, sinakop niya ang labi ko gamit ang kanya.

Ang isa nitong kamay ay nakatuon sa sahig habang ang isa pa'y nakahawak sa pisngi ko. Nakamulat ang abuhin niyang mga mata, tila ako sinusunog sa paraan ng pagtingin niya sa'kin.

“Loving you is a foolish idea, Gwyn. But yeah, I love being a fool.”


| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon