#DC | Chapter 15
Pagpasok sa loob ay tili ang sumalubong sa'min, sunod noon ay ang paglapit ng isang ginang na nakilala kong mama pala ni Zurich. Napalunok ako ng mabitawan ako nito para yakapin ang mama niya.
“Welcome back, anak!” ani pa ng ginang at pilit na inaabot ang buhok ng anak para guluhin.
“Mamsi, please. I'm with my wife.” anang ni Zurich at nilingon ako, doon lang ako napansin ng mama niya. Pilit akong napangiti ng maningkit ang mga mata nito, pag'kwan ay dahan-dahan akong nilapitan. Parang sasampalin niya ako..
“I knew it was you!” sigaw niya kasunod ang isang mahigpit na yakap, natulala ako. “Sabi ko na eh, sa ospital palang alam ko nang hindi ka lang basta kaibigan ng anak ko. Ikaw ang asawa niya!” malaki ang ngiti niya ng humiwalay sa'kin, pinakatitigan niya ang buo kong anyo. “Napakaganda. Mana talaga sa ama ang anak ko, napakagaling pumili!”
“Tsk!” mula sa kung saan ay sumulpot ang isang matangkad na babae, si Zafara. May hawak itong isang baso ng gatas at matalas ang matang nakatingin sa'kin, inirapan niya 'ko bago lumapit kay Zurich.
“Gwyneth, right?” pag-agaw ng pansin ko ng ginang.
“Opo, ma'am..” tango ko.
Giniya niya ako papunta sa kung saan, “'Ma' nalang or 'Mommy', h'wag na masyadong pormal kasi part ka na ng pamilya namin.” ngiti niya, dining area pala ang pinasukan namin.
Sa lamesa ay nakahain ang napakaraming pagkain, dinaig pa ang fiestahan sa'min dati sa dami ng nakikita kong handa sa mahaba nilang lamesa.
“Mom, make her feel at home.” boses ni Zurich mula sa hindi kalayuan sa likuran namin.
“Of course! Tawagin niyo na ang Ama niyo at pababain niyo na dito, pati si Garrett!” anito sa mga anak bago ako igiya paupo sa isang upuan, tumabi siya sa akin kung saan katabi niya sa isang gilid ang sentro ng lamesa.
“Thank you po..” nahihiyang pasasalamat ko dito. Tiningnan niya lang ako na tila isa akong diyamante.
“Pasensiya na kung ganito ako, ito kasi ang unang beses na nagpakilala siya sa amin ng babae. I mean, ikaw lang ang ipinakilala niya sa'min na babae sa tala ng buhay niya, workaholic kasi masyado ang batang iyon hindi tulad ng mga kapatid niya.” aniya at malungkot na ngumiti, “Tahimik rin siya mula pagkabata, magsasalita nalang tipid pa. Akala ko nga ay hindi na siya mag-aasawa at magt-trabaho nalang, muntik na namin siyang ipasok sa isang arrange marriage kung hindi niya lang sinabi na may asawa na nga siya.”
Bahagya akong napatungo at napakagat sa labi ko.
“Ang problema eh ayaw naman niyang ipakilala sa'min, buti ngayon at napagdesisyunan na niya.” aniya, naulinagan namin ang ingay na nanggagaling sa mga taong papasok dito sa dining area. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Zurich, may isang halos kasing tangkad niya lang din na lalaki ang nakaakbay sa kanya, hula ko ay ito ang papa niya.
May kaparehong kulay din niya ng mata, napakurap ako ng bumaling sa'kin ang tingin nito at matamis akong ngitian.
“That's my wife.” rinig kong sabi ni Zurich. “Wife, my dad.” pakilala niya sa'kin sa papa niya na kumaway pa.
“Tsk!” si Zafara na naupo sa upuang katapat ng sa mama nila.
“Maupo na kayo.” aniya sa mag-aama. Naupo sa dulo ng lamesa katabi ng ginang ang padre de pamilya, sa tabi ko naman ay si Zurich na pinisil pa ang palad ko na nasa ilalim ng lamesa. Segundo lang at pumasok ang isa pang lalaki, tingin ko'y ito na si Garrett, naupo ito sa upuan katabi ni Zafara. Bale katapat ko siya, saglit lang din akong tinapunan ng tingin nito.
Mukhang masungit.
“So sad, Hestian is not here. Ugh, kung sino pa ang panganay, siya pa ang gone. Oh my god.” anito.
“Busy ang kuya niyo, hayaan niyo na.” sagot ng mama nila.
Umirap ito sa hangin, “Busy to what, he's not nagta-trabago. Nangf-flirt lang siya ng mga low class bitch.”
“Zafara.” suway rito ng ginang, agad namang nanahimik ang huli.
Nang silipin ko ang papa nila'y tahimik lang itong natatawa dahil sa nasaksihang usapan ng mag-ina, nilingon ko ang katabi ko.
“She's pertaining to our older brother, don't mind them and just start eating.” sabi niya at sinimulan ng lagyan ng pagkain ang plato sa harapan ko.
...
“Wala ba kayong planong magpakasal sa simbahan?” tanong ni Mama, err ipinagpilitan niyang iyon ang itawag ko sa kanya kanina ng natapos kami sa pagkain. Nandito kami ngayon sa nalawak nilang Salas, kaharap namin ang papa at mama niya samantalang ang dalawa niyang kapatid ay hindi ko na nakita matapos lumabas sa kusina.
Nilingon ako ni Zurich, tila naman nabasa ko sa mga mata niya ang katanungan na 'gusto mo ba?' kaya tipid nalang akong ngumiti. Sinabi kasi ni Zurich na kasal lang kami sa papel kaya kinuwestiyon iyon ngayon ng mama niya.
“We'll plan for that.” sagot ni Zurich.
Napapalakpak ang ginang, “Mabuti! Ako ang magsu-suggest ng simbahang paggaganapan!”
“Ma, hayaan mo sila.” singit ng asawa nito, sinamaan niya ito ng tingin kaya mabilis itong nagbawi ng sinabi. “Hayaan mo silang pumayag sa gusto mo.” matamis kami nitong nginitian.
“Mom, Dad, I said we will plan for that. Ang gusto ng asawa ko ang masusunod.” sagot naman ni Zurich.
Halos pagpawisan ako ng malapot ng mabaling sa'kin ang mga atensyon nila. Napakamot ako sa pinsgi ko, “A-ahm, tingin ko maganda ang isu-suggest ni M-mama..”
Muling napapalakpak ang ginang, “See? Gusto niya rin ang ideya ko.”
“Alright.” tumayo si Zurich, “That's all for today, Mom. My wife is tired, kailangan niya ng pahinga.” inalalayan niya akong makatayo, siguro rin ay napansin na niya na hindi pa ako kumportable lalo na sa pinag-uusapang kasal sa simbahan.
Sa pangatlong palapag ng bahay niya ako dinala, ang sabi niya'y kwarto niya iyon noong bata pa siya at dito pa siya tumitira, halata naman dahil sa dami ng litrato niya dito. At lahat iyon ay pulos siya mga nakasimangot, wala pa ata akong nakikitang litrato niya noong bata pa siya ng nakangiti.
“I will take a quick bath,” paalam niya ng makapasok kami sa loob ng kwarto niya, tumango ako at naupo sa gilid ng kama, may kulay itim itong sapin. “Wanna join?” tanong niya habang naghuhubad ng damit.
Sinamaan ko siya ng tingin, “Bastos mo.”
“I'm just asking.” tawa niya bago ako lapitan, itinuon niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko bago sakupin ang labi ko gamit ang kanya, mula sa padampi-dampi hanggang sa mariin ngunit mabagal na halik ang ginawa niya.
Gumanti ako ng halik at ipinulupot sa leeg niya ang mga braso ko, mabilis niya rin namang inilayo sa'kin ang labi niya at malaki akong nginitian.
Nag-init ang magkabilang pisngi ko ng ma-realize na tila nagugustuhan ko na ang pahalik-halik niya.
Mahina ko siyang itinulak sa balikat, “Maligo ka na nga!”
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky