#DC | Chapter 33
“H-Hindi..” pagtutol ko. “Mali ang iniisip mo.” dagdag ko pa, saka lang pumasok sa isip ko ang ideyang humingi ng tulong kay Zurich.
Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya, “Then what is it?”
“N-nasa panganib ang buhay niya! Tumawag siya para iparinig sa'kin 'yan, may mga tao sa labas ng bahay niya at tingin ko gusto siyang patayin ng mga 'yon. At sinabi niya ring mga tauhan mo 'yon, pero hindi ako naniniwala.” mabilis na lintanya ko, “Alam mong ikagagalit ko kapag may nangyaring masama sa kaniya, kaibigan ko si Gael at hindi ko gugustuhing mapahamak siya. Kaya alam kong hindi mo iyon magagawa, 'di ba?”
“Yes.” tango niya at magaang ngumiti.
Niyakap ko siya at tiningala, “Tulungan mo siya, please.” maluha-luhang pakiusap ko, iniisip ko kung ano na ang nangyayari sa kaniya sa mga oras na ito. “Please, Zurich.. Asawa ko..” dagdag ko pa.
Huminga siya ng malalim at dahan-dahang tumango, “I'll do my best.”
...
“Twist his right leg, rightward.” I ordered to Aleph as he immediately followed, I am sitting behind the camera as it's focuses in their position, especially at that guy's face. Aleph is wearing a mask. “I mean, leftward. My fault.” I sarcastically said.
I lit up a cigarette and watch the guy scream because of the pain, this is my wife's first love? Ano ang nakita niya sa lalaking ito?
He actually look like a bird, tss.
“I don't like those ears, remove it.” I pulled out my phone while listening to that guy–– groaned in pain, that's what he gets for calling my wife. “Remove the left arm too. If you can, make him a bird. An eagle, I suggest.”
A call from my wife occupied my phone's screen, I went excited and jump out of the sofa. I also placed my cigar in the small table facing the sofa before heading to the door.
Sandali ko pang nilingon ang dalawa, “Just cut his tongue, don't kill him.” I reminded Aleph before walking out.
“Asawa ko, may balita na ba?” my wife's voice sounds really, really worried for that guy. I'm getting jealous.
“I have a lead now, I'll take care of this. Don't worry.” I assure her, she's carrying our child so she shouldn't feel bad.
“Salamat talaga, Asawa ko.” she sniffed. “Sobrang bait mo, mahal na talaga kita.” that made me grin.
“I love you, take care of our baby.” I leaned against the wall, “Do you want me to buy something for you? Or do you have something you want to eat?”
“Mangga lang.”
“Ok, I'll buy it for you.” I don't know what happened to her but she becomes sweet to me since yesterday, hindi siya nagsusungit like what I am used to. I wonder why?
“Thank you, I love you. Mag-iingat ka sa paghahanap, mwah!” she's a little bit weird but I like it, that makes me feel warm and needed that I've never felt before.
And yes, she asked me to find the guy. But that doesn't include if I'll bring him safe and sound.
What important here is that, the bird is alive.
...
Kasalukuyan na akong kumakain ng hinog na mangga habang nasa harapan ko si Zurich at pinapanood lang ako, hapon na ngayon at naghihintay nalang kami ng tawag mula sa mga tauhan ni Zurich ukol sa paghahanap kay Gael.
Magulo daw ang bahay ni Gael ng pasukin iyon kaninang umaga ng mga tauhan niya, good thing at buhay si Sunny na kasalukuyang nasa pangangalaga ko. Nasa kulungan siya ng aso sa labas ng bahay.
Nag-aalala ako para kay Gael, pero sa t'wing maiisip ko na kaya siyang hanapin ni Zurich ay nababawasan ang pag-aalala ko. Papatunayan ko kay Gael na hindi masamang tao si Zurich oras na matagpuan siya.
Nang tumunog ang cellphone ni Zurich ay napatigil ako sa pagngat-ngat sa mangga na hawak ko, kapwa pa kami nagkatinginan bago siya tumayo at lumayo para sagutin ang tawag.
Pinapanood ko lang siya mula dito sa salas hanggang sa bumalik siya na may tipid na ngiti sa labi, “Sino 'yon?” tanong ko.
“You're friend is safe now.” imbis ay anunsyo niya, nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatayo para salubungin siya ng yakap.
“Maraming salamat, Asawa ko.” inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinakinggan ang normal na tibok ng puso niya.
“But I have a bad news..” dagdag niya, napalayo ako sa kaniya para tingalain siya at salubungin ang titig niya. “He has so many wounds and broken bones.”
Napasinghap ako, mabilis na nagluha ang mga mata ko.
“But he's fine now. The doctor's doing well.”
Nakahinga ako ng maluwag.
“But he's features resembling a bird..”
Muli akong napasinghap, natutop ko ang bibig ko.
“But he's an Eagle bird.”
Nangunot ang noo ko.
“I mean, the doctor's doing all their best to get him back to normal.” aniya.
Muli akong nakahinga ng maluwag, pero nababagabag parin ako dahil sa nangyari sa kaniya. “Ano ba ang nangyari sa kaniya?” kalmado kong tanong.
“All I know is that, napagtripan siya ng mga gangster..” diretsong sagot niya, kalmado rin maging ang ekspresyon ng mukha niya.
Yumakap nalang ako sa kaniya.
Makalipas ang ilang linggo ay napagdesisyunan ko ng bisitahin sa private hospital si Gael, alam kong sobra siyang nalulungkot ngayon dahil sa nangyari sa kaniya. Naniniwala akong hindi niya deserve ito kaya kung sino man ang gumawa nito sa kaniya ay sana mahuli na at mabulok sa kulungan.
Patungkol nga pala doon, hiniling ko kay Zurich na ipahanap niya ang may gawa nito kay Gael, hindi ko ito mapapalampas.
May kalakihan ang kwartong inuukupa ni Gael, at sigurado akong si Zurich ang pumili nito. Sa ngayon rin ay siya ang gumagastos sa pagpapagamot ni Gael, maging ang gastos sa kwartong ito ay siya ang sumalo.
Naupo ako sa upuang katabi ng higaan niya, pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasang hindi matutop ang bibig ko dahil sa awa. Buong katawan niya ay nakabenda, tanging ang mata lang niya ang wala.
Gising siya at nakadilat pero nakatulala lang siya sa kawalan.
Nahihintakutan akong napalingon kay Zurich na siyang nakapamulsa lang na nakatayo sa likuran ko. Ang mga mata niya ay nakatutok lang sa akin.
“Grabe na ito, Zurich..” naluluhang usal ko, dinaluhan niya ako para yakapin.
“He's fine.” aniya.
Umiyak ako sa dibdib niya, wala man lang akong nagawa nung gabing iyon. Pinakinggan ko lang ang bawat pakikipagbuno niya, napaka-walang kwenta ko.
“Don't stress yourself, please.” aniya at pinahid ang luhaan kong mukha.
“Hnnggg!”
Sabay kaming napalingon kay Gael ng bigla itong maglilikot at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'min, partikular kay Zurich.
“He's traumatized, oh god.” usal ni Zurich at muling hinila ang ulo ko para ibaon sa dibdib niya.
Mukhang hindi parin alam ni Gael na si Zurich ang nagligtas sa buhay niya.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky