#DC | Chapter 16
Sa kailaliman ng gabi ay dinalaw ako ng pagka-uhaw, madilim na ang paligid at ramdam ko na rin ang malalim na paghinga ni Zurich senyales na mahimbing na ang tulog niya.
Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap niya at maingat na umalis ng kama, siniguro ko ring hindi ako makakalikha ng kahit anong ingay saka ako nangapa sa dilim. Nang mahawakan ang door knob ay binuksan ko ito, wala namang ingay itong nilikha.
Nang makalabas ako'y iniwan ko nalang na nakaawang ang pinto, sa hallway ay dim na ang ilaw kaya hindi na ako nahirapang hanapin ang hagdan pababa. Kung may ref lang sana sa kwarto ni Zurich ay hindi na ako mag-aabala pang bumaba ng ganitong malalim na ang gabi.
Nang silipin ko ang oras sa malaki nilang orasan ay napagtanto kong alas-onse na pala, nang tuluyan ng makababa ay pumunta na ako sa kusina, hindi naman ako naligaw dahil mabilis lang matandaan ang mga dinaanan namin kanina.
Nag-bukas ako ng ref at naglabas ng pitsel, nagsalin ako sa baso at uminom habang iginagala ang paningin sa paligid. Nasabi nga pala kanina ni Zurich na automatic ang bahay na ito, kapag umaga ay kusang namamatay ang lahat ng ilaw, sa gabi naman ay dim lang ang mga ito.
Malaki at malawak, pero nakakatakot pala. Kung ano-ano kasi ang naiimagine ko rito, may nakita pa akong painting kanina na ewan ko kung ano pero mukhang tinapay. Monay ata? Pero kapag binabalikan ko ng tingin ay tila iyon nagiging malapad na mukha ng panot na babae.
Nang matapos sa pag-inom ay hinugasan ko na rin ang basong ginamit ko, akma na akong lalabas ng kusina ng may biglang sumulpot sa harapan ko. Muntik na akong mapasigaw kung hindi niya lang ako naunahan.
“Oh my god! Oh my god! Oh my god!” paulit-ulit na sigaw nito habang nakatapat sa akin ang cellphone niya na bukas ang flash, tingin ko ay ginamit niya iyon bilang flashlight. Nang makilala ang boses nito ay napagtanto kong si Zafara pala ito, may nakalagay pang kung anong cream sa mukha niya habang ang buhok ay nakapuyod.
Nang kumalma siya ay matagal kaming nagkatitigan, siya ay sapo ang kaniyang dibdib gamit ang isa niya pang kamay.
Pilit akong ngumiti at saglit na tinapunan ng tingin ang cellphone niyang nakatutok parin sa'kin, ang sakit sa mata nung flash.
“Oh..” aniya at ibinaba iyon, pagk'wan ay tumikhim siya at tinaasan ako ng isang kilay. “What are you doing here? Why are you still gising?”
Napahimas ako sa braso ko, “Uminom lang. Aakyat na 'ko.” sabi ko't akma na siyang lalampasan ng pigilan niya ako sa kamay.
“No. No. No!” sabi nito at hinila ako hanggang sa marating niya ang ref, “Stay here. K-kakausapin kita, duh.” muling pag-irap nito at panay ang paglingon sa'kin habang nagbubukas ng ref. “Don't go anywhere or else I will tulak you in our rooftop.” pananakot pa nito.
Nangunot nalang ang noo ko at hinintay siya sa susunod niyang sasabihin.
“Well, if you can't notice. I don't like you..” uminom ito ng isinalin na orange juice sa baso. “..for my brother. Because, sinungaling ka.” anito na sinadya pang tumigil sa pag-inom para lang umirap sa hangin, “You said you two are just friends!”
“Sorry.” hinging tawad ko, muli itong umirap. Mabuti at hindi siya naduduling sa kaiirap niya.
“And one more thing, it's you right? Kaya na-accident ang kuya ko?” pumamewang ito at mas lalong tinarayan ang pagmumukha, tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
Napadiretso ako ng tayo, “Hindi ko naman sinasadya 'yon, saka isa pa, may pagtatalo kami ng mga oras na 'yon at hindi ko lang na-kontrol ang galit ko.”
Pagak itong natawa, “How could you. He's too kind na nga for you eh!” aniya, halatang walang alam sa mga bagay sa pagitan namin ni Zurich. “Hindi kayo bagay!”
Muli akong napangiti ng pilit, “Wala ka namang alam sa nangyari sa'min..”
Umasim ang mukha nito at naniningkit ang mga matang tiningnan ako, “So you're saying? Na huwag ko kayong pakielaman? Duh, that's my brother! Ang gusto ko ay kung saan siya sasaya. And looking at you right now? I don't think you can make him happy.”
Sumeryoso ako, “Edi sabihin mo sa kaniya 'yan.” yun lang bago ko siya tinalikuran, hindi ko rin napigilang hindi mapairap dahil napaka-pakielemera niya.
Pag nalaman ng mga fans niya na nangingielam siya sa love life ng kapatid niya, ano kayang mangyayari? Sana i-bash siya, tss.
“O-oye, how could you leave me here!” rinig kong tili niya mula sa kusina, hindi rin nagtagal at narinig ko ang yabag ng mga paa nito hanggang sa marating niya ang likuran ko. “Oh my god, you are so yucky! Napaka.. Napaka-epal mo!” aniya at pilit akong sinasabayan sa bawat hakbang ko sa hagdan.
Hindi ko siya kinausap at mas binilisan nalang ang paglalakad.
“Oh gosh, I swear, I will never like you for my brother!” pasigaw na bulong niya, umirap nalang ako. Edi huwag niya, pake ko?
...
Saglit nalang akong nakatulog, alas-quatro rin ng madaling araw ng magising ako. Siguro ay namamahay ang katawan ko kaya kaunti lang ang tulog ko, kaya ang ginawa ko nalang ay tumagilid sa paghiga at titigan si Zurich na masarap ang tulog.
Napaka-amo talaga ng mukha niya, ang lalantik pa ng pilik-mata. Tapos yung ilong pointed pa, ang pula rin ng labi. Mga bagay na napapansin ko sa tuwing tila nagpapaawa ang isang 'to.
Sa kalagitnaan ng pagtitig ko rito ay biglang dumilat ang mga mata nito, sumalubong sa'kin ang kulay abo nitong mga mata kasunod ang isang malaking ngiti.
“Morning, Wife.” paos ang boses na aniya. Ilang beses akong kumurap bago ngumiti.
“Good morning..” bati ko pabalik, heto na naman ang pamilyar na dagundong sa dibdib ko, mas lalo iyong lumakas ng bumangon siya at itinuon ang isang kamay sa higaan para mas lapitan ako at halikan sa noo.
Nang tuluyan na siyang maupo ay bumaba ang comforter nitong nakatakip sa malapad niyang dibdib kanina, nang maupo ako ay hindi ko maalis ang titig ko sa maganda nitong likod, parang ang sarap nitong himasin at pisilin..
Mas gumanda pa iyon sa paningin ko ng mag-inat siya, nabanat tuloy ang mga muscles niya sa likod. Hindi ko na napigilan pa ang sarili at namalayan nalang na nakadampi na pala ang dalawa kong daliri sa likod niya.
“Hm?” usal ni Zurich, ang akala niya'y kinukuhit ko siya.
Nag-iinit ang mga pisnging idiniin ko pa ang dalawa kong daliri, “K-kain na tayo..” segway ko.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky