#DC | Chapter 18
Balak niya talagang buntisin ako!
Isang linggo na ang lumipas at wala na nga sa katawan ko ang tracker na inilagay niya noon ngunit sinisiguro naman niyang mabubuntis niya nga ako.
Oh my god.
Ngayon ay umaga at nasa trabaho siya, paggising ko kanina ay maraming pagkain ang nakahain sa lamesa na akala mo sampung pamilya ang kakain, may iniwan pa siyang note na nakadikit sa refrigerator na nagsasabing: 'Eatwell. I know your tired last night :)'
Paano ako hindi mapapagod at manghihina eh halos hindi na niya ako patulugin!
Nakita ko rin ang maraming shopping bags sa sala at ng buksan ko ang mga iyon ay nakita kong mga branded at mamahaling damit ang mga laman no'n, tingin ko din ay hindi na kasya sa aparador ko ang mga ito.
Nakuyom ko ang kamao ko, kung bakit naman kasi ang tagal niyang trabahuhin ang pagpapawalang bisa ng marriage contract namin, edi sana hindi ko na kailangan pang gawin ito!
“Argh!” napasabunot ako sa sarili, iniisip ko palang na mabubuntis niya ako'y halos isumpa ko na ang sarili. Hindi puwedeng mabuntis ako!
Mabibigat ang mga paang humakbang ako paakyat sa hagdan, mabilis akong nagpunta sa kwarto niya kung saan naging kwarto ko na rin at humigit ng isang bag. Lalayas na ako!
Magpapakalayo-layo ako, pupunta ako sa lugar kung saan hindi niya ako matutunton! Tama, 'yun nga ang gagawin ko.
Napapahagikgik pa ako habang mabilis na nagsisilid ng mga gamit at damit sa bag, travel bag ito at sakto naman ang laki kaya marami-rami rin ang naisilid ko.
Nang matapos ay pumuslit ako sa walk-in closet niya, alam kong mayroon siyang maliit na vault dito eh. Kukuha ako doon ng pera at iisipin ko nalang na bayad niya iyon sa paggamit sa katawan ko. Sa saglit na paghahanap ay natagpuan ko nga ito sa baba ng mga office suit niya, malaki ang ngiting hinimas ko ang malamig na haligi nito.
“Sabi na eh..” mahinang usal ko at pinantayan ito, may code pang kailangan. Saglit akong napaisip, pag'kwan ay nakataas ang isang kilay na sinubukan kong iikot ang bilog niyon sa bawat numero ng kaarawan ko.
Sa huling number ay pigil ang hiningang itinapat ko iyon, halos lumuwa naman ang mga mata ko ng tumunog ito, senyales na nagbukas ang vault at tama ang code na ginamit ko. “Grabe..” hindi makapaniwalang usal ko.
Malaki ang ngiting tiningnan ko ang loob nito, may mga folder at ilang papel pero ang tanging naka-agaw sa pansin ko ay ang patong-patong at naka-bundle pa na pera rito. Lilibuhin!
Malaki ang ngiting kumuha ako ng apat na bundle roon at agad rin iyong isinara, binalikan ko ang bag ko at doon isinilid ang mga pera. Nang mai-zipper ang bag ay isinakbat ko iyon at mabilis na lumabas ng kwarto.
This is it, goodbye Zurich na!
“Yes!” napapasuntok sa hangin na ani ko pa, wala na akong pakielam kung kasal pa ako sa kanya sa papel, ang mahalaga ay makatakas ako.
Binuksan ko ang front door at sumilip sa labas, may dalawang guard na nagbabantay sa gate. Muli akong pumasok at humugot muna ng malalim na paghinga bago tuluyang lumabas.
Naglalakad palang ako papunta sa gate ay naagaw ko na agad ang atensyon ng dalawa, ang isa ay biglang tumawag sa radyo na hawak habang ang isa pa'y naglakad pasalubong sa akin.
“Ma'am, saan po ang punta niyo?” magalang at may ngiting tanong nito.
“Pupunta lang ako sa bahay ng kaibigan ko, may ibibigay lang.” kalmadong sagot ko at isinenyas pa ang dala kong bag.
“Maari po bang malaman ang address? Ang bilin ho kasi ni sir ay huwag kayong palalabasin, kung magpupumilit man po kayo ay dapat kasama kami.” sabi nito na halos mapamura ako.
Matamis akong ngumiti, “Sa Star Village lang yun, then Opra street.” sagot ko na gawa-gawa ko lang, napatango ito pero kita ko sa mukha niya na pilit niyang iniisip kung may ganoong lugar ba malapit rito.
“Ahm, sasamahan ko nalang ho kayo.” sambit niya at akmang kukunin sa'kin ang bag na dala ko na agad ko namang naiiwas. “Ako na ho ang magdadala, mukhang mabigat po.” aniya pa.
Umiling ako, “Ako na, ayos lang din na sumama ka.” pilit ang ngiting pagtanggi ko, tatakbuhan ko nalang siya.
Napakamot ito sa sintido ngunit wala na ring nagawa ng lampasan ko siya, para na itong aso ngayon na nakabuntot sa'kin. Sa paglabas ko sa gate ay pakiramdam ko umahon ako mula sa impyerno, ang sarap ng hangin. Nang tingnan ko ang oras sa relong suot ko'y nakita kong alas-nueve palang ng umaga, dalawang oras palang mula ng umalis si Zurich at mamayang alas-sinco pa ang uwi no'n. Paniguradong hindi niya ako maaabutan!
Tanaw ko na ang guard house kung saan gate narin palabas dito ng makita ang bago palang na papasok na sasakyan, itim na jaguar. Napatigil ako at malakas na napamura sa isipan ng mapagtantong kay Zurich iyon.
Kaasar! Bakit ang aga niya? Ni hindi pa nga ata nag-iinit ang inuupuan niya sa opisina niya'y umalis na siya. Bwisit!
Mabilis ang patakbo nito papasok ngunit bumagal din ng siguro ay makita ako, tinted kasi ang salamin ng sasakyan nito kaya hindi ko makita ang nasa loob.
“Oh, heto na pala si sir.” komento ng gwardiya sa likod ko na halos mapatalon pa sa tuwa. Hanggang sa tuluyan na ngang tumigil ang sasakyan ni Zurich sa mismong harapan ko, pagk'wan ay lumabas siya. Nakasuot ito ng itim na polo na nakarolyo pa ang sleeves hanggang sa magkabila niyang siko, ang buhok niya rin ay maayos na tila bagong suklay.
“What's this?” tukoy niya sa ginagawa ko at sinenyasan ang gwardiya na bumalik na sa bahay.
Umamo ang mukha ko. “Hindi ako marunong magmaneho ng sasakyan kaya heto... naglalakad ako..” sabi ko sa pinaka nakakaawa kong boses.
Pinilig niya ang ulo niya, “I mean, where are you going?” sunod na tanong niya at nilipat ang paningin sa bag na nasa likuran ko, sumeryoso ang mukha nito. Mukhang may hinala na siya sa gagawin ko.
Maamo akong ngumiti, “Mga dating damit at gamit ko ito, ido-donate ko since may mga bago na akong damit na tingin ko ay ikaw ang bumili, yung mga nasa Salas kanina? Hindi na kasi kasya sa wardrobe ko..” palusot ko pa na ang tinutukoy ko ay 'yung mga shoping bags na hanggang ngayon ay nasa Salas pa. Hindi ko maaaring sabihin sa kanya na pupunta ako sa bahay ng kaibigan, dahil alam naman niyang wala akong kaibigan! Kung may pag-iisipan man siyang pupuntahan ko ay malamang na bahay ni Gael ang unang papasok sa isip niya.
Sumilay ang ngiti sa labi nito, “Oh. Yeah, I ordered those online.” aniya at hindi na ako nakapagreklamo pa ng kunin niya sa'kin ang bag. “I'll take you in the donation center.” malaki ang ngiting anito at binuksan ang pinto sa backseat para ipasok ang bag, nakagat ko ang labi ko.
“Tinamad na akong umalis.” matabang na sabi ko, nang lingunin ako nito'y mabilis kong ibinalik ang maamo kong mukha.
“Why?” tanong niya na nakahawak parin sa pinto ng backseat at hinihintay ang sagot ko.
Lumapit ako sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi, “Kasi nakita kita. Mas gugustuhin ko nalang na makasama ka kaysa pumunta sa kung saan.”
Namula ang tungki ng matangos nitong ilong, pagk'wan ay nangingiti siyang nag-iwas ng tingin at tuluyan ng isinara ang pinto ng backseat.
“Let's go home then.” usal niya at binuksan ang pintuan ng passenger seat para sa'kin.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky