Chapter 24

3.2K 79 0
                                    

#DC | Chapter 24


Nakauwi na kami. Hapon na ng makabalik kami sa bahay at ramdam na ramdam ko ang pagod, ang sakit ng binti ko dahil sa paglalakad.

“Are you alright?” tumabi sa'kin si Zurich ng maupo ako sa sofa, ang mukha nito ay hindi kakikitaan ng kahit anong pagod, mukhang wala lang sa kanya ang paulit-ulit na pag-akyat sa bundok. Oh baka hindi niya lang ipinapakita na tulad ko ay pagod din siya.

Tipid akong ngumiti, “Ang sakit ng binti ko.”  sagot ko at akma palang na sasandal sa back rest ng sofa nang pumantay ito sa tuhod ko at simulan ng hilutin ang binti ko.

“Just rest.” aniya pa, dahan-dahan kong inilapat ang likod ko sa sofa habang 'di maalis ang mga mata ko sa kaniya. Seryoso siyang minamasahe ang binti ko pababa sa paa ko, wala sa sariling napangiti ako. Sa ginagawa niyang tulad ng ganito ay mas binibigyan niya lang ako ng dahilan para makonsensya kung sakali mang iwan ko siya.

Habang pinapanood siya ay may naisip ako, paano kung ang lahat ng ginagawa niyang ito ay gawin niya sa ibang babae? Hindi na sa akin? Ano ang mararamdaman ko?

“Zurich..” mahinang usal ko. Nasalubong ko ang abo nitong mga mata ng mag-angat siya sa'kin ng paningin. “Paano kapag iniwan kita––”

“That won't happen.” mabilis na pagputol niya sa sinasabi ko, ngumiti ako at inabot ang buhok niya para suklayin gamit ang daliri ko.

“Kung sakali nga lang––”

“You have plans on leaving me?” bigla ay naging blangko ang mga mata niya, natigil din siya sa ginagawang paghihilot sa paa ko.

Inilapit ko ang katawan ko sa kaniya at mabilis siyang hinalikan sa labi, “Patapusin mo muna ako.” sambit ko ng humiwalay ako, tumango siya. “Kung sakaling iwan kita, magpakalayo-layo ako 'yung tipong hindi mo na 'ko makikita.. Magmamahal ka pa ng iba?”  pakiramdam ko ay nangapal ang mukha ko sa sarili kong tanong.

Tumiim ang titig niya sa'kin, “There's no way I can't find you.”

Napabuga ako ng hangin dahil sa naging sagot niya, “Ewan ko sa'yo.” pagsuko ko at bumalik na sa pagkakasandal ko sa upuan, siya naman ay tumayo na at namulsa.

“I was never inlove with someone else until I found you, so I made up my mind, it's better to lose myself than you.” simangot niya bago ako talikuran. “Get up and change your clothes.”

Tumaas nalang ang dalawa kong kilay bago sumunod sa kanya, nakuntento na rin ako sa sagot niya.





...




Kinabukasan ay sumama ako kay Zurich sa trabaho niya, wala naman siyang naging reklamo dahil mukhang mas natuwa pa nga siya. Naisip ko kasing mag-isa lang naman ako sa bahay at mabuburyo lang sa kakapanood ng TV kaya mas maganda kung sumama nalang ako sa kaniya, isa pa'y gusto kong makita kung anong itsura ng office niya.

Suot ko ang black turtle neck na binili niya noon online at white pants na pinarisan ko lang ng itim at mataas na sapatos, mukha akong gagala lang sa mall.

Namangha ako ng tumigil ang saksakyan niya sa harap ng isang mataas na building, kumikinang ito sa paningin ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa salamin nito. Naagaw lang ang pansin ko ng lumitaw sa gilid ko si Zurich, nakasuot ito ng black tie and suit.

“Careful.” aniya ng alalayan niya ako sa paglabas ng sasakyan, may lumapit sa'ming lalaki at doon ay iniabot ni Zurich ang susi niya bago ako higitin sa baiwang palapit sa glass door ng building.

“Ayos lang naman ang suot ko 'diba?” bulong ko kay Zurich, binati kami ng guard ngunit hindi ito pinansin ni Zurich kaya tipid ko nalang itong nginitian.

“You're beautiful.” sagot niya, pinagsalikop ko nalang ang mga kamay ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob.

Kung anong init sa labas ay siya namang lamig dito sa loob, marami ang bumati kay Zurich pero maski isa sa mga ito ay hindi niya sinagot o tinapunan man lang ng tingin. Hindi rin nakalampas sa paningin ko ang mapanuring tingin ng mga empleyado niya sa'kin, tila nagtataka ang mga ito sa kung sino ako.

“Hala, hindi kaya 'yan yung nasa twitter ni sir noon?”

“Parang.. Sexy din eh.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong iyon, may iba pang bulungan pero iyon lang ang pinaka nangibabaw.

“Don't mind them.” usal ni Zurich at mas hinila pa ako padikit sa kaniya, tumango nalang ako. Nang makapasok sa elevator ay naramdaman ko ang pagdiin ng kamay ni Zurich sa baiwang ko, tila kinakapa ang kurba ng katawan ko.

“Ano bang ginagawa mo d'yan.” sita ko sa kaniya, medyo nakikiliti rin kasi ako.

“Nothing.” sagot niya bago namulsa. “You deleted that post, why?” nakataas ang isang kilay na tanong niya, nag-init ang pisngi ko ng malaman ang tinutukoy niya.

Kung ganoon ay nakita niya rin pala 'yon.

“A-ano bang sinasabi mo d'yan..” iwas ang tingin na sabi ko. Mahinang pagtawa nalang niya ang narinig ko hanggang sa marating namin ang top floor. Mukhang hindi naman iyon big deal sa kaniya.

“Good morning, sir.” bungad sa'min ng isang lalaki, “..and ma'am.”  dagdag niya at bahagyang tumungo.

Tipid akong ngumiti ng makilala ito, si Daniel ang secretary ni Zurich.

“My schedule?” tanong ni Zurich habang iginigiya ako papasok sa isa pang glass door.

“You have two meetings, sir. Mamayang 9AM po ang una, while the other one is after lunch pa.” sagot nito, tumango lang si Zurich bago ito naiwan roon.

Nang makapasok sa loob ng glass door ay mas humanga ako, sobrang aliwalas dito at tanaw na tanaw pa ang buong city sa makapal na salamin na nagsisilbing haligi ng opisina niya.

Umawang ang bibig ko ng mapadpad ang paningin ko sa ilang paintings na nakasabit sa pader malapit sa pinasukan naming pinto, tapat lang rin ito ng office desk niya.

“M-Mga gawa ko ito ah..” mahinang usal ko at dahan-dahan itong nilapitan. Ito ang mga gawa ko na binibili niya sa exhibit noon, kaya pala hindi ko makita sa bahay ay dahil narito pala sa office niya.

“Yeah.” rinig kong sagot niya, nang lingunin ko ito ay naabutan kong papaupo na siya sa swivel chair niya.

“Bakit wala sa bahay?” takang tanong ko at pumihit paharap sa kaniya.

“I want to remember you every minute, so I decided to place your works here since you're already in the house.”

Natikom ko ang bibig ko habang mataman na nakatitig sa kaniya, nang balingan niya ako'y malaki siyang ngumiti bago ako senyasan na lapitan siya.

“Come here. I'll entertain you before my meeting starts.”



| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon