#DC | Chapter 10
Gusto kong koronahan ang sarili, napakagaling kong mang-snob ngayong umaga.
Kahit bangag na bangag ako dahil walang tulog ay nagagawa ko paring magtaray, sinungitan ko ang babae ni Zurich kanina ng mag suhestiyon ito patungkol sa channel na panonooran sa TV.
Ang gusto niya ay manood ng movie, pero ako ay nagpumilit sa balita. Kahit nakakaburyo ang ibinabalita ay wala akong pakielam, basta hindi ko iyon ililipat.
“Ang sungit naman ng pinsan mo.”
Nagpantig ang tainga ko ng marinig siyang sabihin iyon kay Zurich, nakalabi pa ito na tila nagpapa-cute. Nakuyom ko ang remote na hawak ko.
Saka pinsan? Ah, ako nga pala sa sarili ko ang nagpakilala noon sa kanya.
Hindi ko narinig ang sagot ni Zurich, o kung sumenyas man siya ay hindi ko kita. Napupuno nang inis akong tumayo, pinatay ko ang TV at inihagis sa kung saan ang remote.
“Gwyn!” suway sa'kin ni Zurich, pero as if namang pakikinggan ko siya.
Nagmartsa ako palabas, dumiretso ako sa likod ng bahay kung saan naroon ang pool. Minsanan lang akong pumunta rito dahil hindi naman ako marunong lumangoy.
Naupo ako sa gilid no'n at iniladlad ang mga paa sa malamig na tubig, pinanood ko ang sariling repleksyon sa tubig. Magulo ang buhok, busangot na busangot ang mukha, tapos ang suot na damit ay kahapon pa.
Iginala ko ang paningin sa kahabaan ng pool bago naisip na lumusong, nang tuluyan na akong balutin ng tubig ay doon ko lang napagtantong hanggang bibig ko lang pala ito. Hindi ako malulunod.
Dahil hindi naman ako marunong lumanggoy ay naglakad nalang ako papunta sa kalagitnaan ng tubig, mabagal pero nagawa ko. Tatalon-talon din ako habang nanginginig ang mga labi dahil sa lamig.
Napatili lang ako ng may biglang bumulusok ng talon sa 'di kalayuan at maampyasan ako ng tubig sa mukha, na-out of balance ako at napaupo. Lumubog ako sa tubig, nawala sa isip ko na hanggang bibig ko lang ito at ang kailangan ko lang gawin ay tumayo ng tuwid para hindi malunod, nagpapasag ako habang unti-unting tumatakas sa bibig ko ang hangin.
Sa kakapasag ko ay may naramdaman akong matitigas na braso na biglang pumulupot sa baiwang ko, tila ako nakahanap ng pag-asa at agad na dumikit doon at mahigpit na naiyakap ang mga braso ko.
Nang luminaw ang pandinig ko ay narinig ko ang malulutong na tawa ni Zurich, ang braso nito ay mahigpit na nakaalalay sa'kin habang ako'y parang unggoy na nakalambitin sa kanya.
Ang mga binti ko ay nakayapos sa baiwang nito, habang ang mga braso ko ay tag-isang naka-pulupot sa leeg at ulo niya.
Habol ang hiningang tiningnan ko siya ng masama, nang makahuma ay malakas ko siyang hinampas sa balikat.
“Bwisit ka!” singhal ko pero hindi ko naman magawang lumayo sa kanya.
Tinawanan niya lang ako bago ibaba ang sarili, mukhang balak niyang takutin pa ako.
“Gago ka, dalhin mo 'ko don!” gigil na sambit ko at sinabunutan siya, pero wala lang iyon sa kanya ng ituloy niya ang balak niya. Nakalubog na sa tubig ang buong katawan niya kaya no choice ako kundi akyatin pa siya lalo, ang binti ko ngayon ay nasa braso na niya. Awkward ang pwesto namin pero wala na akong pakielam.
“Do you want me to teach you how to swim?” tanong niya ng muling umahon, pinadausos niya ako pababa sa katawan niya.
Humawak ako sa batok niya, “Hindi na. Dalhin mo 'ko do'n.” utos ko sa kanya at inginuso ang kaninang pwesto ko.
Nagtaka ako ng bigla itong ngumiti, pati ang mata niya ay tila nakangiti sa'kin.
Saglit akong napatitig sa mukha niya, partikular sa abo niyang mga mata na kumikinang ngayon.
“I'm sorry about the last time..” pagkwan ay hinging tawad niya, ang tinutukoy niya malamang ay ang pagsira niya sa laptop ko.
Nagbaba ako ng paningin, nasa dulo na ng dila ko ang paghingi ko ng tawad pero nauumid ako. Alam kong kapag humingi ako ng tawad ay malaki ang tiyansa na maging maayos ang pagsasama namin, pero may pumipigil sa'kin na gawin 'yon.
Marami akong iniisip, at isa na roon ang bagay na hindi kami magiging masaya sa isa't-isa. Magkakasakitan lang kami.
Pinilit kong makatayo ng tuwid, saka ko inalis ang mga kamay ko sa batok niya, kumawala din ako sa pagkakahawak niya sa baiwang ko.
Bahagya akong umatras, pagkwan ay nilampasan sila. Tinahak ko ang daan palapit sa gilid ng pool, inangat ko ang sarili paalis roon. Nang tuluyan ng makatayo ay nagsalita siya.
“Do you want to be with him?” nakatalikod siya sa'kin pero ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya, ang tinutukoy niya rin ay si Gael.
Tinimbang ko sa sarili kung gusto ko nga bang makasama si Gael.
Umiling ako. Alam kong hindi niya kita ang pag-iling ko bilang sagot sa tanong niya, pero iyon ang nakuha kong tugon sa sarili ko.
Umalis ako at bumalik sa loob na tila hindi nasagot ang katanungan niya.
...
Tanghali ay ako nalang ang naiwang mag-isa sa bahay, natulog ako para makabawi ng lakas. Gabing-gabi na ng magising ako, kumukulo din ang tiyan ko dahil hindi ako nakakain ng tanghalian at hapunan.
Nang tingnan ko ang oras ay alas dose y medya na, nagsuot ako ng sapin sa paa bago lumabas ng kwarto.
Madilim na hallway ang bumungad sa'kin, iniisip ko kung nakauwi na si Zurich?
Oh baka tulad lang din nitong nakaraan ay sa ibang bahay siya magpapalipas ng gabi. Baka sa bahay ni Sun, yung babae niya.
Nilakad ko ang madilim na pasilyo, hanggang sa marating ko ang tabi ng hagdan kung saan naka-pwesto ang switch ng ilaw. Binuksan ko 'yon at agad namang bumaha ang liwanag sa paligid.
Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa kusina, akma ko palang na bubuksan pati ang switch ng ilaw sa kusina ng may humawak sa palad ko.
Napatili ako ng bigla ako nitong hilahin, dumikit ako sa katawan niya at awtomatiko namang pumulupot sa katawan ko ang mga braso nito.
Nakilala ko ang pinaghalong amoy ng alak at mamahaling pabango ni Zurich ng manalimuot sa ilong ko ang amoy ng katawan nito.
Sinilip ko ang suot nito, yung suot niya kanina ng umalis siya ay iyon parin hanggang ngayon. White armani short at kulay sky blue na t-shirt.
“Wife..” mahinang anas nito sa tainga ko. Kinabahan ako.
Itutulak ko palang siya palayo sa'kin ng mabilis niya 'kong naigiya papasok sa kusina, iniangat niya ako iniupo sa lamesa.
“I want you..” anito at sinimulan akong halikan sa balikat, pinilit kong iiwas ang sarili.
Ganito siya kapag nalalasing, nawawala sa sarili. Kung hindi mananakit ay maglalabas naman ng init ng katawan.
“Zurich, tumigil ka!” sigaw ko ng marahas nitong sirain ang damit ko, pinaghahampas ko ang balikat niya. Isinisipa ko rin ang mga paa ko ngunit inilagay niya lang ang sarili niya sa pagitan niyon.
Naiiyak na pilit kong itinutulak palayo sa'kin ang mukha niya, pero wala lang din akong nagawa lalo na ng hulihin nito ang dalawa kong kamay. Inihiga niya ako sa lamesa at ipininid ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ko.
Tuluyan na akong napaiyak. “H-hayop..”
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky