Chapter 26

3.2K 69 5
                                    

#DC | Chapter 26


Hindi matutuloy ang kasal namin ngayong taon dahil sa biglaang kasal ng kakambal ni Zurich, ang sabi ay masama raw iyon. Sukob daw kaya sa susunod na taon nalang gaganapin ang kasal namin, ayos lang sa akin dahil parang mas nabigyan pa nga ako ng oras para alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko at kung ano ang gusto kong gawin sa relasyon namin.

Ngayon ay katatapos lang ng kasal ng kakambal ni Zurich, pumunta ako pero saglit lang. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko kaya nauna na akong umuwi, sa text lang ako nagpaalam bago umuwi dito sa bahay since busy siya sa pagkausap sa ibang tao kanina.

Nang maupo ako sa sofa ay mariin kong naipikit ang mata ko ng muli na namang umikot ang paningin ko, nahihilo ako. Hindi ko gusto ang ideyang pumapasok sa isip ko, ayoko pang paniwalaan ang sa tingin kong dahilan kung bakit ako nagkakaganito kahit pa lumalabas na sa akin ang lahat ng sintomas.

Kaninang umaga rin kasi ay nagsuka ako, madalas na rin akong naghahanap ng mga weird na pagkain na hindi ko naman gusto noon. Ayokong magpa-check-up sa doctor dahil natatakot ako sa magiging resulta, ayoko pa muna hangga't hindi pa maayos ang lahat.

Nang sa tingin ko ay ayos na ang pakiramdam ko'y tumayo ako at nagtungo sa kusina, naghagilap ako ng makakain sa refrigerator. Ang gusto ko ay malamig, pero ayoko ng ice cream.

“Wife?”

Napaangat ako ng tingin sa pintuan ng kusina ng marinig ang boses ni Zurich, mukhang kapapasok lang nito sa bahay. Isinara ko nalang muli ang ref ng wala akong magustuhang kainin, pagtapos ay sumilip ako sa bukana ng kusina at hinanap si Zurich. Nakita ko itong papaakyat na sa hagdan.

“Nandito ako.” pagtawag ko sa pansin niya, nang makita ako ay sa direksyon ko na ito pumunta.

“I looked for you after the wedding, but you already left.” aniya at mabilis akong hinalikan sa labi, matamis akong ngumiti.

“Mukha kasing busy ka kaya hindi na kita inabala.”  sagot ko.

“You can bother me anytime.” anas niya at sinimulan na akong halik-halikan sa leeg at balikat.

Tumikhim ako at pasimple siyang inilayo sa'kin. “Amoy pawis ka, maligo ka ulit.” pagsisinungaling ko, nangunot naman ang noo niya at mabilis na inamoy ang sarili. Ang totoo'y mabango pa nga ito, pero wala lang talaga ako sa mood para makipagtalik sa kaniya.

“I'm not.” sagot niya.

Sumimangot ako, “Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?”

Nangingiting kinagat niya ang labi at mabilis na umiling, “I'll go upstairs to take a bath.”

Tumango ako at sinenyasan siyang gawin na ang gagawin niya, pero nang may maisip ay agad ko rin siyang pinigil.

“Wait, mabango ka pala.” ngiti ko, muling nangunot ang noo nito pero this time ay nakangiti na ito.

“I know––”

“Ibili mo 'ko ng halo-halo ng chowking please..” mabilis na pagputol ko sa sasabihin niya, umawang naman ang bibig nito. “Please, asawa ko..” dagdag ko pa at mahigpit siyang niyakap, tiningala ko siya at mabining nginitian.

“Sure.” mabilis niyang sagot at muli akong hinalikan sa labi, pinakawalan ko siya at iginiya sa pinto.

“Damihan mo ah.” ngiti ko pa, tumango siya at tinalikuran na ako, kung saan bumalandra sa paningin ko ang bilugan at matambok nitong pang-upo. Hindi ko alam pero may nag-udyok sa akin na paluin iyon, hanggang sa nagkusa na nga lang na gumalaw ang kamay ko at tinapik ang magandang tanawin na iyon.

"What the heck?” rinig kong hiyaw nito at napatigil, mabilis niya rin akong nilingon kung saan kita ko sa mukha niya ang pagkamangha. “What was that for?”

Napakamot ako sa ulo at pilit ang ngiting pinapanood siyang himasin ang puwitan niyang pinalo ko kanina.

“Ah, ano.. Ang cute kasi..” sagot ko at pilit na tumawa, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Binigyan niya ako ng malisyosong tingin kaya agad ko siyang binulyawan, “Lumayas ka na nga! Parang pagpalo lang sa puwit mo eh, arte-arte.” irap ko at mabilis siyang pinagsarhan ng pinto.

Sa loob ay tatawa-tawa kong dinama ang palad na ginamit ko sa pagpalo sa pang-upo niya, ang lambot naman no'n.

Napatayo lang ako ng tuwid ng marinig ang pagkatok nito sa pintuang sinasandalan ko ngayon, “I'm sorry, wife. Don't be upset, you can slap my butt anytime.” aniya mula sa labas.

Hindi na ako sumagot at mas lalo nalang tumawa, tawang walang boses. Pero at least pumayag na siyang palu-paluin ko ang tumbong niya, tingin ko kasi ay kaaadikan ko na ang pagpalo roon.





...



Lumipas pa ang ilang araw at tingin ko'y nahahalata na ni Zurich ang mga pagbabago sa'kin, paano nga ba namang hindi? Siya lagi ang napagdidiskitahan ko, pati mga gamit niya ay nadadamay. Tulad kanina, bigla akong tinamaan ng topak at naisipan kong ihulog sa terrace ang laptop niya, na-realize ko lang ang nagawa ko ng makita iyong durog na sa ibaba. Wala naman akong narinig na kahit ano sa kaniya, bagkus ay iniabot pa nito sa'kin ang Ipad niya para ihagis ko na rin sa terrace.

“Sorry, asawa ko. Ang pangit kasi ng kulay ng laptop mo.” naluluha kong usal sa harapan niya. Tumango-tango lang siya habang napapasuklay sa buhok.

Tuluyan na akong napaiyak sanhi para agad niya akong daluhan at yakapin, “What's wrong? Gusto mo na bang pasabugin nalang itong bahay natin?” mahinang aniya, hindi naman galit o ano ang tono niya pero tingin ko'y galit na siya.

“L-lalayas nalang ako. Galit ka eh..” humiwalay ako sa kaniya at isinubsob ang mukha ko sa mga palad ko.

“Shh. I'm not mad.” pagpapatahan niya sa'kin pagtapos ay nilingap ang paligid, nang makita ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table ay agad niya iyong kinuha at inilahad sa harapan ko. “Look, it's my phone. Come on, throw it.” ngiti niya sa'kin.

Suminghot ako at kinuha iyon sa kamay niya, noon ko pa gusto itong durugin pero hindi ko magawa dahil lagi niyang gamit. “Ok lang?” mahina kong tanong.

Tikom ang labi na tumango siya kaya naman agad ko ng ibinato sa pader ang cellphone niya, hiwa-hiwalay ang mga ito pagbagsak sa sahig. Dahan-dahan kong nilingon si Zurich at natagpuan ko itong muling nakangiti sa akin.

“Great..” sambit niya at dalawang beses na mahinang pumalakpak. “I'll buy you some halo-halo as a reward for breaking all my gadgets.” malaki ang ngiting anito bago madaling lumabas ng kwarto bitbit ang wallet at susi ng kotse niya.

Nakasimangot na naupo ako sa gilid ng kama, dapat pala ay sinabi ko sa kaniya na alisin ang sago at gulaman sa bibilhin niyang halo-halo. Hindi ko kasi gusto ang lasa ng mga iyon, pero hindi bale at sa kaniya ko nalang ipapatanggal.



| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon