#DC | Chapter 25
Nang pumatak ang alas-nueve ay naiwan akong mag-isa sa loob ng office ni Zurich, nakaupo ako sa swivel chair niya at pinagmamasdan ang kapaligiran.
Sa table niya ay maraming papeles na hindi ko maintindihan kung para saan, sa unahan naman ng table niya ay may parihaba rin na glass kung saan nakaukit ang pangalan niya, may iba't-iba ring ballpen dito at lapis na nakatayo sa isang lalagyan, at picture frame na nakasimangot na mukha ko ang nakalagay. Malamang na kuha iyon matagal na.
Dark blue ang kulay ng sofa set niya, maging ng mamahaling kurtina na nakatali ang magkabilang gilid. Ang malaking carpet naman ay itim ang kulay, sakop nito ang buong pwesto ng sofa set. May LCD screen TV rin, DVD player at speaker sa ilalim nito.
Nang makitang may pasilyo pa malapit rito ay agad akong tumayo at tinahak ang daan papunta roon, dark blue na ang kulay ng dingding rito. Hanggang sa kusina ang bumungad sa paningin ko, hindi kasing laki ng kusina namin sa bahay pero masasabi kong ayos na rin ito. May mga equipment tulad ng coffee maker, mayroon ding mini oven at refrigerator.
Malamang na dito siya kumakain tuwing lunch, maganda naman at welcoming ang paligid. Pero kapag naiimagine ko na kumakain siya mag-isa ay medyo nalulungkot ako, alam ko kasi ang pakiramdam dahil kumakain din ako ng mag-isa.
Saktong pagbalik ko sa table ay siyang pagkatok ng kung sino sa pinto, dahan-dahan akong naupo sa swivel chair ni Zurich habang nakamata sa pinto.
“Sir, I'm coming in.”
Napadiretso ako ng upo ng bumukas ang pinto, tumikhim pa ako. Pumasok ang isang babae na nakasuot ng eyeglass, maikli ang buhok nito at hindi ganoon katangkaran. Nang makita ako'y alanganin pa nitong isinara ang pinto.
“Uhm, sorry po sa abala..” hinging tawad nito, hindi niya ata alam na wala dito ang boss niya. Mabini nalang akong ngumiti at sinenyasan siyang magpatuloy. “Ah.. Dadalhin ko lang po ito..” nahihiya niyang itinaas ang dala niyang folder bago marahang naglakad palapit.
“Ilagay mo nalang dito, then ako na ang magsasabi sa boss mo. What's your name?” pormal na tanong ko, ang mabini kong ngiti ay hindi parin naaalis sa labi ko.
Tila ito nataranta, “A-ako po si Celine. Celine Paloma, Cel nalang po.” mabilis niyang sagot, ipinatong niya ang dalang folder sa lamesa ni Zurich at bahagyang tumungo.
“Sige. Thank you, Cel.” matamis ko itong nginitian.
Sunod-sunod itong tumango, “S-salamat din po.”
Buong akala ko ay aalis na ito, kaya kahit puno ng pagtataka ay hinintay ko nalang kung may ibibilin pa ito. Para kasing may sasabihin pa ito, o baka may gustong itanong.
“Ehrm.. Miss, kung hindi niyo po mamasamain.. Pwede ko po bang malaman kung kaano-ano kayo ni Sir?” namumulang tanong niya, “P-pero pwede niyo rin pong huwag ng sagutin,” napakamot siya sa ulo at nag-iwas ng tingin. “Kayo palang po kasi ang naging kauna-unahan niyang guess na babae rito sa office niya, and curious lang po ako... pati mga ka-officemate ko..” dagdag niya at saglit na tinapunan ang direksyon ng pinto. Hula ko ay may iba pa siyang kasamahan na nasa labas lang ng pinto.
Tumango-tango ako, nasa mukha ko ang pag-intindi sa dahilan niya. “I'm Gwyneth Gucor-Napier, wife niya.” malaki ang ngiting pakilala ko, kahit hindi pa kami kasal sa simbahan ay kasal parin naman kami sa papel.
Umawang ang bibig nito bago nagtatalon na lumapit sa desk, “Ay, sabi ko na eh! Kayo po yung nasa twitter ni Sir noon, 'di po ba? Wait, may screenshot po ako.” agad nitong binuksan ang cellphone na hinugot niya sa bulsa ng blazer na suot niya, pagk'wan ay nagpupumindot doon bago may larawan na iniharap sa akin.
Nang makilala ang larawang ipinakita niya ay agad akong tumayo.
“Kyah! Ang ganda at ang sexy niyo, ma'am. Crush ko si Sir, sorry po agad, pero kasi ma'am mas maganda kayo sa'min kaya keri na. My god, huwag niyo po akong if-fire.” aligagang anito, tila sinisilihan ang puwit. “P'wede magpa-picture ma'am? Iinggitin ko lang 'yung mga ka-officemate ko.”
Pilit akong natawa ng tila ito naging wild na hinanda ang camera ng cellphone niya, akma palang siyang lalapit sa akin ng muling magbukas ang pintuan.
Pumasok mula roon ang isang bruskong lalaki, nakasuot ito ng black jacket at rugged pants, saglit nitong iginala ang paningin sa paligid bago kunot noong naupo sa upuang nasa harap nitong table. Kaharap ko.
“Where's the great Eian? Where's my bro.” tanong nito at sinuklay ang buhok gamit ang mahahabang daliri, sa sinabi niya'y nasabi kong hindi si Zurich ito, kundi ang isa niya pang kakambal na si Cai.
Sa akin bumaling ang abo nitong mga mata, “Ah, nasa meeting pa siya..” mahinang sagot ko, saglit ko ring tinapunan ng tingin si Cel na patagong kinukuhanan ng litrato si Cai bago tahimik na umalis. “After an hour pa bago matapos ang meeting niya.” dagdag ko at ngumiti.
“Argh, too long. I'll just leave this here––wait, what's your name? Lalaki ang secretary ng kapatid ko so, what's your role here?” nagusot ang bridge ng ilong nito, maging ang kamay nitong may hawak na maliit na envelope ay naiwan sa ere.
Pilit akong ngumiti, “Ah, ako si Gwyneth.” sagot ko, tumaas ang isang kilay nito na tila hinihintay ang susunod ko pang sasabihin. “Asawa niya..”
Nakita ko ang bahagyang gulat sa mukha nito, “Oh.. Really.. I didn't know. Sorry.” usal niya at mabilis rin na ngumiti. “Anyway, I'll leave this here. It's a wedding invitation, I'm getting married so I hope you two can come. Tell him that he's my best man, also tell him to contact me when he get this.” mabilis na dagdag nito at tumayo na.
Tumayo rin ako at nakipagbeso rito, awkward akong nakangiti hanggang sa tuluyan na itong makaalis. Dinampot ko ang maliit na envelope na inilapag nito at saglit na tiningnan iyon, pagk'wan ay iniipit ko nalang iyon sa lagayan ng mga lapis at ballpen upang hindi liparin.
Naghintay pa ako ng isang oras, kumportable akong nakahiga sa sofa at nanonood ng TV ng sa wakas ay bumalik na si Zurich. Napaupo ako ng makita ang namumula nitong mukha, gusot na gusot iyon at mukhang hindi mabibiro.
Agad nitong nilingap ang paligid at nang makita nga ako ay mabilis ako nitong nilapitan.
“Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ko kahit alam ko namang bad trip siya.
Bumuga siya ng hangin bago pabagsak na naupo sa tabi ko, kinalas niya ang suot na neck tie. “Just a lil' bit upset..” sagot niya.
Nangiti ako, “Hmm.. At bakit naman?” mahinang bulong ko sa tainga niya, lumingkis rin ako sa braso niya.
Naniningkit ang mga matang nilingon ako nito, pagk'wan ay walang salitang sinakop ang labi ko, napapikit nalang ako bago tinugon ang halik niya.
“I feel better now.” usal niya ng humiwalay sa'kin.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky