#DC | Chapter 2
Kinabukasan ay siya ang nag-impake ng lahat, mula sa mga gamit niya hanggang sa gamit ko. Ako, heto at bored na pinaglalaruan ang remote habang nakaupo sa sofa at nanonood ng Twilight.
Ginusto niya akong isama eh, edi ayan at maghirap siya sa pag-iimpake ng isang buong aparador. Ang sabi ko kasi ay lahat ng damit ko sa aparador ang iimpake niya, wala naman siyang tutol at sumunod nalang.
“Let's go.” pawis-pawisan ang noong aniya pagkababa ng hagdan, sa likuran niya ay naroon ang apat na maleta. Isa sa kanya at tatlo sa'kin, take note na maliit pa 'yung maleta niya.
Binitawan ko ang remote at napipilitang tumayo, nauna akong lumabas at iniwan siya kasama ang nakabukas pang telebisyon.
Nang makita ang itim na sasakyan niya–– na malamang na gagamitin namin sa biyahe ay pumasok na ako. Sa backseat ako pumasok, nahiga ako doon at tiniklop ang mga paa, nang mahagip ng mga mata ko ang isang cellphone na nakapatong sa dashboard ay bahagya akong umangat para abutin iyon.
Nang makuha ito ay umayos ako ng higa, walang password pero mukha ko parin ang wallpaper, bago na rin ito at mamahalin ang tatak.
Una kong binuksan ay ang message inbox nito, binasa ko lahat mula sa unahan hanggang dulo. Maraming unknown messages na hindi niya nire-replyan at ilan lang ang message na may reply niya. Simpleng 'k' pa ang nakalagay, psh.
Narinig ko ang pagbukas ng compartment ng kotse niya, mukhang ipinapasok na niya ang mga maleta sa sasakyan. Pumikit ako at pinakiramdaman siya, bumukas ang pinto ng driver's seat.
Awtomatikong bumukas ang talukap ng mga mata ko at napatingin sa direksyon niya. Nakatingin rin siya sa'kin at gusot na gusot ang pawisang mukha.
Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan, “Pakilakasan ng aircon.” utos ko rito ng tuluyan na siyang makapasok.
“I'm not your personal driver, gwyn.” parinig niya, nang silipin ko siya ay nilalakasan na nga niya ang aircon. Patungkol naman sa sinasabi nito ay gusto niyang maupo ako sa passenger seat.
Lolo niya!
Hindi ko na siya pinansin at nilibang nalang ulit ang sarili sa cellphone niya, nagulat pa ako ng makitang may laro na rin ito–– Temple Run.
Sa huli ay iyon nalang ang nilaro ko, mahaba rin ang biyahe kaya ng mainip ako sa paglalaro ay natulog ako. Hindi ko na alam kung saan ko nabitawan ang cellphone niya, basta nakatulog ako.
Nagising akong kumukulo ang tiyan, tulo rin ang laway ko sa pisngi dahil nakatulog pala akong bahagyang nakabukas ang bibig.
Pupungas-pungas na tumingin ako sa labas, umaandar parin ang sasakyan. Sunod kong binalingan si Zurich habang pinupunasan ang laway sa pisngi, miya't-miya rin pala akong tinitingnan nito sa salamin.
Sinuklay ko ang mahabang buhok ko gamit ang mga daliri ko, “Malayo pa ba?” banas na tanong ko, nagugutom na kasi 'ko.
“Yeah.” maikling sagot niya, nang makakita ng isang fast food chain ay nagkusa na itong dumaan sa drive thru. Bahagya lang nitong ibinaba ang salamin, sapat lang para makausap ang nasa labas.
Mula sa kinauupuan ko ay medyo nakidungaw ako, babae ang nag-a-assist at mukhang kinikilig pa nga ang isang 'to.
Naiiling na bumalik ako sa pagkakasandal sa upuan.
“What do you want?” lingon niya sa'kin pagkuwan.
“Ice cream and burger.” simpleng sagot ko at pinanood siyang kunot-noong nakipag-usap sa babae mula sa rearview mirror.
Sa mga interview niya ay madalas lang siyang ngumiti, lagi kasi ay seryoso ang mukha niya at ang focus lang talaga ay sagutin ang mga katanungan ng reporter.
Si Zurich ay isang sikat na businessman, siya ang pumapangalawa sa pagma-manage ng negosyo nila–– sumunod lang sa nakatatanda nitong kapatid na never ko pang nakita. Actually, maski isa sa pamilya niya ay wala pa akong nakikita sa personal, pulos sa mga litrato lang at ilang short clip sa social media.
Ang alam ko'y may kakambal siya, isa pang lalaki at babae. Yung babae ay sikat na artista/model, isa nga ako sa follower no'n eh. Maganda pero mukhang masungit. Yung lalaki naman, ewan ko. Parang nag-o-online lang para mag-post ng ilang pictures kasama ang iba't-ibang babae.
“Done staring?”
Napakurap ako ng ilang beses ng maanalisang kanina pa pala ako nakatitig sa mukha niya, kaya para hindi mapahiya ay lumapit ako sa kanya para kunin ang mga pinamili niya.
Walang kahit anong salita na kumain ako habang siya naman ay nagpatuloy na sa pagmamaneho, hindi rin nakatakas sa paningin ko ang bahagya niyang paghilot sa balikat. Tingin ko ay nangangalay na siya kakamaneho.
“Tsk.” ismid ko at iwas ang tinging nagpatuloy sa pagkain.
Kung bakit naman kasi hindi siya kumuha ng driver?
Buong biyahe ay bored na bored ako, hanggang sa itigil na nga niya ang sasakyan. Aligaga akong napatingin sa labas at natagpuang airport pala ang hinintuan namin.
Oo nga pala at Thailand ang pupuntahan namin..
“Wear this.” aniya at inabot sa'kin ang isang hoodie, naghalungkat pa ito sa maliit na compartment ng sasakyan bago natagpuan ang isang sunglass na agad niya ring inabot sa'kin.
Naguguluhang tiningnan ko siya.
“Media.” maikling sagot niya na agad ko namang na-gets. Mukhang may nag-tip sa mga reporter na lalabas siya ng bansa.
Mabilis kong sinuot ang hoodie at ibinaba ang hood no'n hanggang sa kalahati ng mukha ko, isinunod ko na rin ang salamin. Sa labas ay nagsimula ng maglapitan ang ilang kalalakihan na magdadala ng mga gamit namin, at ilan ring body guards.
Nang makitang naka-ayos na ako ay tipid siyang ngumiti, nagsuot na rin siya ng sunglass bago naunang lumabas.
Umikot siya papunta sa pinto sa gilid ko at binuksan ito, inalalayan niya akong makalabas. Ang isa niyang braso ay pumulupot sa baiwang ko habang papasok kami sa loob ng airport, nanlaki lang ang mga mata ko ng makita ang napakaraming reporter.
Kanya-kanyang flash ng mga camera at tutok ng mga dalang cellphone, bawat nadadaanan rin namin ay may mga katanungan.
At isa na nga roon ang katanungang, “Mr. Eian Napier, is the girl beside you your mysterious wife?”
Nang sumikip ang daan ay mas lalong humigpit ang pagkakaakap sa baiwang ko ng mga braso ni Zurich, nag-aalala din ang ekspresyon ng mukha nito habang sinisilip ang mukha ko.
Naiinis ako sa mga reporter na 'to.
Atsaka bakit ganito? Hindi naman artista si Zurich para pagkaguluhan nila ng gan'to.
Ah, baka dahil may itsura ito at isa sa pinakang topic ng netizen sa social media.
“Are you ok?” bigla ay tanong niya, medyo lumuwag na rin dahil tumulong na sa pagtataboy ang mga guards nitong airport.
Sinamaan ko siya ng tingin, “Halos mapisa ako, anong ayos do'n?”
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
Genel KurguWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky