Chapter 37

3.4K 74 6
                                    

#DC | Chapter 37

One year later.

Isang taon na ang lumipas matapos kong makunan at mawalan ng kaibigan, dalawang buwan rin kasi matapos no'n ng pumanaw si Gael. Hindi na kinaya ng katawan niya ang mga gamot na iniinom at itinuturok sa kaniya, bukod kasi sa hindi siya makapag-salita ay imbalido na siya kaya sa isip niya ay nawawalan na siya ng gana na mabuhay. Sobra akong nalungkot, pakiramdam ko ngayon ay walang-wala na talaga ako.

Ang baby ko, ang anak ko na hindi man lang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundo, wala na.

“Where have you been?”

Pagbukas na pagbukas ko ng front door ng bahay ay siya agad ang bumungad sa akin, nakasuot pa ito ng suit at sobrang gulo ng buhok.

Pagak akong natawa, “Anong pakielam mo?” puno ng sarkasmong sagot ko sa kaniya, pagk'wan ay nilampasan ko siya at gegewang-gewang na naglakad papunta sa salas. “Huwag kang nangingielam sa mga ginagawa ko, ha.” ngingisi-ngisi ko pang dugtong at pabagsak na naupo sa sofa, ipinikit ko ang mga mata ko.

Inaantok na ako.

“You're drunk. At least change your clothes..” rinig kong sabi niya, naramdaman ko ang presensiya niya sa gilid ko at ang pagdampi ng palad niya sa balat ko.

Agad akong pumiksi, “Ano ba!” tiningnan ko siya ng masama, “Huwag kang humahawak o lumalapit sa'kin at nabubuwisit lang ako!” sigaw ko pa at tinabig ang kamay niya, pinilit kong tumayo. “Doon ka sa kung saan ka magaling, huwag mo akong binubulabog.” muli ko siyang nilampasan para pumunta sa hagdan.

Narinig ko ang buntong-hininga nito, “Don't be stubborn, Gwyn. Kailan ka ba magtitino?” aniya sa pagod na tono.

Agad ko siyang nilingon, “Matino naman ako ah.” natatawang sagot ko, tuluyan ko na siyang hinarap. “Ikaw ba, matino?” balik tanong ko sa namimigat na mga talukap ng mata ko, pinag-krus ko ang dalawa kong hintuturo. “Hindi. Kasi baliw ka.” singhal ko at naiiling na tumawa, “May baliw akong kasama sa bahay. May sayad siya at may sakit sa pag-iisip~” pagkanta ko na wala sa tono at pinagpatuloy na ang pag-akyat sa hagdan. “~Gwapo pero sira ang ulo, matikas pero gago.. Lalala~”

Nang tuluyan na akong makaakyat sa pangalawang palapag ng bahay ay dinungaw ko siya, nakatayo siya roon at walang emosyon ang mukhang pinapanood ako.

“Ikaw,” dinuro ko siya mula dito sa taas, “Alam mo bang naiinggit ako sa ibang tao na hindi ka nakilala? Para sa 'kin kasi malas ka, ikaw ang malas ng buhay ko..” hagikgik ko at nag-heartbreak sign pa. Parang bale na tatawa-tawa ko siyang iniwan doon at pumunta nalang sa kwarto ko.

Kung puwede nga lang na makipagpalit ako ng asawa ay ginawa ko na. Kahit pangit at bungi ang kapalit, tatanggapin ko na!

Isang taon ko na siyang sinisisi sa pagkawala ng anak namin, kahit sa kaibuturan ko ay alam ko sa sarili ko na ako rin ay may kasalanan. Gusto ko lang may masisi, dahil kung ang sarili ko lang din ang sisisihin ko ay wala lang mangyayari. Ipipilit lang din ng isip ko na si Zurich ang may kasanalan, kung hindi niya ako ginalit noon at pinabayaan ay sana buhay ang anak ko ngayon.

Sana masaya na ako ngayon, sana hindi ganito ang araw-araw ko. At sana, hindi ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam na para akong timba na walang laman.

Natulog ako na gano'n ang ayos, paggising ko ay agad na sumakit ang ulo ko. Iba na rin ang suot kong damit at sa ibabaw ng bedside table ko ay may gamot at tubig, painkillers iyon.

No choice na ininom ko nalang iyon at nagpahinga ng mga ilang minuto bago tumayo at walang ganang lumabas ng kwarto. Bumaba ako at humihikab na pumasok sa kusina.

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon