#DC | Chapter 29
Hindi ko sinabi kay Zurich na aalis ako, alam kong magagalit siya kapag umalis ako ng walang paalam sa kaniya dahil naging mahigpit siya sa'kin mula noong malaman niya na buntis ako. At kapag nalaman niya ngang umalis ako ng walang pasabi at hindi siya kasama ay malamang na bumuga na iyon ng apoy dahil sa galit.
Yung mga gwardiya naman ay pinakain ko sa kusina kaya heto at walang bantay sa gate, malaya akong nakalabas. Nag-uber ako hanggang sa supermarket at siniguro ko rin na walang kahina-hinalang tao na nakasunod sa'kin.
Kilala ko si Zurich, alam kong kahit nasa trabaho iyon ay marami iyong uutusang tao para bantayan ako. Kaya kailangan kong maging maingat sa kilos ko, tingin ko kasi ay sobrang halaga ng sasabihin ni Gael. Hindi naman kasi magiging gano'n ang reaksyon niya kung hindi.
Sa kaparehas na pwesto ko kahapon ako tumayo, nakita ko na rin doon si Gael na nakasuot ng hoodie at white cap, bale magkatalikuran kami ngayon.
“Gael?” mahinang pagtawag ko sa kaniya, nagpanggap akong namimili sa mga biscuit sa harapan ko.
“Yeah. We have limited time here, so first of all, I'm not an architect but police.” aniya na halos magpalingon sa'kin sa kaniya, “There's a CCTV around, umakto ka lang ng normal. Second, I got into an accident because of that asshole. Binangga ako ng gago na 'yon at muntik na 'kong malumpo. Imagine that.” puno ng inis na dagdag niya. Nakagat ko naman ang pang-ibaba kong labi.
“Sorry..” hinging tawad ko dahil sa ginawa ni Zurich.
“It's not your fault. Ginawa niya iyon dahil nalaman niyang alam ko na ang mga kagaguhan niya, I'm actually wanted now. Wanted ako sa mga tao niya.” nangunot ang noo ko at hindi na napigilang lingunin siya.
“Ano?” tanong ko, nanatili siyang nakatalikod sa gawi ko.
“That man is a psycho, he's obsessed to you to the point na pinatay niya ang pamilya mo.”
Pilit akong natawa, “No. Hindi iyon sinasadya, I know––”
“That's not an accident, Gwyn. Ligo sa gasolina ang bahay niyo, how's that?” bahagya niya akong nilingon. “Planado ang lahat, pinlano niya mula noon hanggang ngayon.”
“A-ano?” natutop ko ang bibig ko, nanlalambot ang mga tuhod ko at sa tingin ko'y bibigay na ako.
“All of these, kasama sa plano niya. Ako ang humawak sa kaso ng pamilya mo dahil gusto kong mahanap ka, I want justice for your family. Binayaran ang kasong naganap sa pamilya mo at pinalabas na aksidente ang lahat, pero hindi. Ako mismo ang sumuri, sinadyang sunugin ang bahay niyo.”
Nagluha ang mga mata ko, “H-hindi..”
“I have proof, gwyn. At alam kong alam mo rin na baliw ang taong 'yon.” sa wakas ay hinarap na ako nito, puno ng kaseryosohan ang mukha niya ng dukutin niya ang cellphone sa sarili niyang bulsa. “Nandito ang mga galon ng gasolina na kinunan ko ng litrato noon, there's fingerprints in there. Nasuri ko na at natukoy, but sadly patay na ang lahat ng taong natukoy namin.” pinakita niya sa'kin ang screen ng cellphone niya at nakita ko nga roon ang ilang maliliit na galon, nakilala ko rin ang lugar na kinalalagyan ng mga iyon. Bakuran ng bahay namin. “Sinadya ring patayin ang mga taong iyon. Malamang para wala ng ebidensiyang lumabas..”
Tuluyan ng nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Napaatras ako at napa-sapo sa mukha ko.
“May kilala akong kaya siyang ilagay sa kulungan––”
“P-pero... Buntis ako..” mahinang sambit ko habang lumuluha sa mga palad ko, nanahimik siya hanggang sa maramdaman ko ang mga bisig niyang pumalibot sa'kin.
“We'll put him in jail, then pananagutan kita.” buo ang boses na usal niya sa ulo ko.
Nang sumagi sa isip ko ang mukha ni Zurich ay mas lalo akong napaiyak, alam kong masama ito sa'kin lalo pa't nagdadalang-tao ako, pero hindi ko na kasi kaya ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Nabuntis ako ng taong pumatay sa pamilya ko, kinasama ko ang lalaking siyang dahilan kung bakit ako naulila. Malaking kahangalan, para ko na ring tinalikuran ang hustisyang dapat makuha ng pamilya ko.
“T-tulungan mo 'ko, p-please..” hagulgol ko sa dibdib niya.
Hinagod niya ang likod ko at mas lalo akong ibinaon sa dibdib niya, “I'm always here to help you.”
...
Umuwi ako dala ang isang supot, bumili ako ng ilang biscuit para kahit papaano ay may magamit ako bilang alibi kung tanungin man ako ni Zurich kung saan ako nanggaling.
Sa labas palang ay pansin ko ng wala maski isang gwardiya ang nagbabantay, nakita ko rin ang sasakyan ni Zurich na nakahimpil, kinabahan ako kaya agad akong pumasok sa loob ng bahay. Hindi ako naniniwala na hanggang ngayon ay kumakain parin ang mga gwardiya, dahil halos mag-iisang oras na mula ng umalis ako.
Sa loob ay natagpuan ko si Zurich na nakaupo sa mahabang sofa, ang mga braso niya ay nakadipang nakapatong sa sandalan nito habang sa harapan niya ay nakahilera ang mga gwardiya at kapwa mga nakatungo.
“Where have you been?” sa gitna ng katahimikan ay dumagundong ang baritonong boses ni Zurich, saglit pa akong nahintakutan ngunit agad ko ring hinamig ang sarili sa isiping hindi niya naman ako masasaktan, dinadala ko ang anak niya sa sinapupunan ko.
Humigpit ang pagkakapit ko sa plastic bag na bitbit ko bago naglakad patungo sa pwesto niya, “Sa grocery store. Nakalimutan ko itong bilhin kahapon.” sagot ko, ginawa kong normal ang mga kilos at pagsasalita ko para hindi niya mahalata na may alam na ako.
Nang tuluyan na akong makapunta sa gilid niya ay natulos ako, may baril sa lamesita!
“You didn't tell me.” mariing sambit niya, sinenyasan niya rin ang mga gwardiya na umalis.
Inilapag ko sa lamesita ang dala ko't tinabihan siya sa sofa, nasusuklam man ay magaan kong hinaplos ang pisngi niya para iharap sa akin, gusto kong tingnan niya ako.
“Sorry kung pinag-alala kita.” sabi ko na halos hindi na ilabas ng bibig ko.
“Gwyn,” malamig ang boses na pagtawag niya sa'kin, ang abo niya ring mga mata ay nagdidilim. “Who's with you in that grocery store?”
Maamo akong ngumiti, “Ako lang mag-isa..”
Nagulat ako ng mabilis niyang hablutin ang kamay kong nasa pisngi niya, “Don't lie to me!” matigas na sigaw niya, ang kamay kong hawak niya ay mahigpit niya ring hawak, sa higpit no'n ay nasasaktan na ako.
Ang ngiti ko ay nauwi sa pangamba, “Z-Zurich, nasasaktan ako..” pinilit kong bawiin ang palad ko ngunit bigo ako, naging sanhi pa ata iyon para mas lalo siyang magalit.
Nagdilim ang mukha niya at mabilis na kinuha ang baril na nasa lamesita, “I'm gonna hunt him down.”
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky