#DC | Chapter 38
“Alam mo friendship, dalawa lang naman ang patutunguhan ng relasyon niyo ng mister mo eh.” ani Gigi matapos humigop sa milktea na inilibre ko sa kaniya, narito kasi kaming apat sa Milkteatea kung saan ako ang nag-aya sa kanila. Kung hindi ko pa nga sinabing ililibre ko sila ay hindi pa ako sisiputin ng mga ito.
Walang imik kong hinintay ang sunod niyang sasabihin, kagabi ng sabihin ni Zurich iyon ay tinalikuran ko lang siya at gulong-gulo ang isipan na pumasok nalang sa kwarto ko. At ito, naisip ko nga na humingi ng advice sa tatlong chaka na ito.
“Una, maghihiwalay kayo. Kung pagtutuunan mo ng pansin ang mga bagay na nawala sa iyo ay malamang na hiwalayan nga ang kahahantungan niyo. Kung patuloy kang babalik sa past niyo, hindi uusad ang relasyon niyo.” sabi niya ng walang kakurap-kurap. Kagabi ng maisip ko na humingi ng advice sa kanila ay 50/50 pa ako, ngayon ko lang napatunayan na may bisa rin pala sila sa mga ganitong bagay.
“Yung pangalawa?” tanong ko.
Saglit muna siyang humigop sa inumin niya bago ako sinagot, “Edi ano pa? Mananatili kayong mag-asawa. Kung kakalimutan mo ang lahat ng nagawa niyang mali at magsisimula ulit kayo ng bago, mas mabuti 'yon. Saka isipin mo, saan ka nalang pupulutin kung sakali man na maghiwalay kayo? Mabuti nga at iyan lang ang problema niyo, eh kaming mahihirap? Kaming mga walang pinag-aralan at ganito ang trabaho? Kung hindi pa kami gigiling ng malupit ay hindi pa kami kikita, wala pa kaming maipangka-kain.” irap niya.
Lumabi ako, “Eh bakit naman kasi gan'yang trabaho pa ang pinasok niyo?”
“Ito kasi ang mas madali at mas malaki ang kita na alam namin.” singit ni Heidi.
Tumango si Desi, “Kung magiging katulong lang kami ay sayang lang ang pawis namin sa kakarampot na kita, kinsenas pa ang sweldo. Eh sa trabaho namin ngayon, gabi-gabi. Basta may transakyon, may sweldo.”
“Balik tayo sa problema mo, mahal mo ba ang mister mo?” tanong ni Gigi.
Doon ako natigilan, tinimbang ko sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya.
“Mahal niya 'yon s'yempre. Kasi kung hindi, ano pa ang ginagawa natin dito? Bakit pa tayo hihingian ng opinyon kung hindi niya mahal ang mister niya? Edi sana mabilis na 'OO, MAGHIWALAY NA TAYO' agad ang isinagot niya.” sambit ni Desi.
“Tama. Siguro natatabunan lang ng galit yung tunay na nararamdaman mo para sa kaniya.” pagsang-ayon ni Heidi.
Sa mga sinabi nila ay para na rin may nagsaboses ng tunay kong nararamdaman, siguro nga ay natatakpan lang ng galit ang pagmamahal ko para sa kaniya. Sa isipin kasi na makikipaghiwalay na siya ay nakakaramdam ako ng matinding sakit.
“Pag-uwi mo makipag-ayos ka na. Patikimin mo ng masarap na sex para magbago din ang isip.” hagikgik ni Gigi.
Namumula ang mukhang hinampas ko siya sa braso, “Bastos ka..” mahinang suway ko sa kaniya, pero ang tatlo ay tinawanan lang ako.
Nang mapagdesisyunan ko ng umuwi ay paulit-ulit kong inisip ang mga sinabi nila sa akin, siguro nga ay dapat ko ng kalimutan ang lahat, dapat ay iwan ko nalang ang mga masasakit na pangyayari sa nakaraan.
Wala namang masama kung muli kong bibigyan ng pagkakataon ang relasyon namin. Pero bago ang lahat ay kailangan ko ng pampalakas ng loob, iinom muna ako bago siya harapin.
...
Isa? Dalawa? Tatlo? Ewan ko kung nakakailang bote na ako ng alak kahihintay sa pagdating ni Zurich, nang tingnan ko naman ang orasan kanina ay nakita kong alas-sais na ng hapon.
Awtomatikong gumapang sa katawan ko ang pinagsamang init at kagalakan ng marinig ang tunog ng sasakyan niya, kahit pa umiikot ang paningin ko ay sinikap ko parin ang makatayo para salubungin siya.
Makikipag-ayos na ako. Kahit pa siya ang may mali, ako na ang magso-sorry para magka-ayos kami.
Malapit na ako sa pintuan ng kusa na iyong bumukas, pumasok mula roon ang isang gwapo at mabangong lalaki. Sa tuwa ko ay napatid pa ako sa carpet, muntik na akong sumubsob sa sahig kung hindi lang ako naagapan ng gwapong nasa harap ko.
Nasalo niya ako!
“Hmm.. Ang bango..” hagikgik ko at isinubsob ang sarili sa matigas niyang dibdib. “Libre ka ba today.. Hmmm?” panggagaya ko sa linyahan nila Gigi.
“You're drunk.” pagtukoy niya sa halata na.
“Yesh em drunk!” tiningala ko siya at pinilit na abutin ang mukha niya, ang kaso ay mas matangkad siya kaya siya na rin ang nagbaba sa sarili niyang mukha. “En becaushe em drunk, gwapo ka sha paningin ko.. Hehehe..”
Sa dumodoble kong paningin ay nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya, “Don't you hate me?” tanong niya at kinarga ako.
Mahina akong tumawa, “Mash hate ko sharili ko eh.. Ikaw konti lang.. Hihihi..” hagikgik ko at iminuwestra sa kaniya ang daliri ko kung saan ko sinukat ang pagkamuhi ko sa kaniya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, ang sarap sa tainga ng boses niya, at ang hininga niya? Sobrang bango, amoy mint.
Namalayan ko nalang na nasa kwarto na ako ng paupo niya akong ilapag sa ibabaw ng kama, pagk'wan ay pumamewang siya sa harapan ko.
“Ok, drunk woman. Bakit ka naglasing? Is it a sign of celebrating?” tanong niya sa natatawang boses.
Ngingisi-ngising tiningala ko siya, “Lika bubulong ko,” sinenyasan ko siyang lumapit na agad niya rin namang sinunod, itinuon niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko at inilapit ang mukha sa akin.
“Tell me.” maaligasgas ang boses na anas niya.
Sa kukurap-kurap kong mata ay tiningnan ko ng diretso ang abo niyang mga mata, saka ko itinaas ang dalawang palad ko para hulihin ang mukha niya.
“I'm shorry..” ungot ko bago tinawid ang pagitan ng mga labi namin. Mabagal ko siyang hinalikan, dinama ko ang mainit niyang labi.
“Are you sure?” malamlam ang mga matang tanong niya ng humiwalay ako. Ngiti lang ang isinagot ko at unti-unti ng kinalas ang pagkakabutones ng polo niya. “Gwyn.”
Nang matanggal ko na ang lahat ng butones ng polo niya ay marahan ko iyong inalis sa kaniya, “Call me 'wife'..” sambit ko gamit ang mapang-akit na boses.
Segundo lang at nasa ilalim na niya ako, madiin niya akong ipininid sa kama at mainit na hinalikan. Sa labi, pababa sa leeg ko. Madali niya lang din na naalis sa katawan ko ang lahat ng saplot ko.
Ang sarap sa pakiramdam ng pagdikit ng labi niya sa mainit kong balat, nag-iiwan pa iyon ng nakakabaliw na tunog.
Sa sobrang kumportable ko ay hindi ko na namalayan na naigupo na pala ako ng antok.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky