#DC | Chapter 27
“Ano 'to?” kunot-noong tanong ko habang hawak ang isang bagay, kasama kasi ito sa binili niya.
Malawak itong ngumiti, “Pregnancy test kit.”
“Zurich, alam ko. Pero bakit ka bumili nito?” inis na tanong ko.
“It's for you.” seryosong sagot niya. “I want you to use that, now. In the bathroom.”
Asar kong hinagis sa kaniya ang PT, “Ayoko. Kung gusto mo, ikaw na ang gumamit n'yan.” irap ko sa kaniya at kumportableng naupo sa sofa, “At ayoko na ng halo-halo, ang gusto ko ay rambutan. Yung tuklapin ha.” dagdag ko pa at minasahe ang sintido ko.
Pumantay siya sa harapan ko, “Please.”
Hindi ko siya pinansin at pumikit nalang, kung gagamitin ko iyon ay malalaman niyang buntis ako. Oo, buntis ako. Hindi ako nagpa-check-up o gumamit ng PT, nag-research lang ako at napagtanto kong nasa akin na ang lahat ng sintomas kaya alam ko sa sarili ko na buntis ako.
“Please, wife. I just have this feeling that I impregnated you.”
Nagmulat ako at sinalubong ang abuhin niyang mga mata, pagk'wan ay huminga ako ng malalim. Hindi ko rin naman ito maitatago sa kaniya ng matagal since nandito ako sa poder niya.
Tumayo ako at kinuha ang PT na binili niya, ang CR sa may kusina na ang ginamit ko. Ilang minuto rin ang itinagal ko sa banyo dahil pinagmasdan ko pa ang naging resulta nito, tama nga ang hinala ko. At sa pangyayaring ito ay isa lang ang kauuwian ng magiging desisyon ko, at iyon ay ang manatili sa tabi ni Zurich. Hindi ko na magagawang iwan siya dahil magkaka-anak na kami, magiging isang ganap na kaming pamilya.
Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa harapan ko ang taimtim na naghihintay na si Zurich, nang mag-angat ito ng paningin sa'kin ay nababasa ko sa mata niya ang kaba at the same time ay sabik. Sabik na makita ang resulta, mukhang malaki ang kumpyansa niyang buntis nga ako.
“The result?” mahinang tanong niya.
Tumaas lang ang dalawang kilay ko bago ihagis sa kaniya ang PT, dali-dali niya naman itong sinalo. Nauna na akong lumabas sa kaniya sa kusina, bumalik ako sa salas at naupo sa sofa, saktong paglapat ng likod ko sa sandalan ng sofa ay ang pagsigaw niya mula sa kusina.
“I'm a goddamn father!”
Naiiling nalang ako habang naririnig ang sari-sari niyang pagsigaw, pero nangingiti rin dahil sa naging reaksyon niya.
“I'm a father now!” manghang-mangha itong lumabas ng kusina at mabilis akong nilapitan, tila naman ako isang babasaging bagay na hindi niya malaman kung hahawakan niya ba o ano. Sa huli ay nagtatalon nalang ito sa harapan ko. “I'm so damn happy!” sigaw niya pa at hinalik-halikan ang PT, nangiwi nalang ako dahil sa isiping inihian ko iyon at heto nga't hinahalik-halikan niya pa.
“Tumigil ka na nga, ang ingay mo.” reklamo ko, natigil naman siya at nakangiting tinabihan ako.
“Tell me, what else do you want?” puno ng galak na sabi niya.
“Bukod sa tuklapin na rambutan, ang gusto ko ay manahimik ka.” simangot na sagot ko, tikom ang bibig na mabilis siyang tumango bago tumayo. Mukhang bibili na ito ng rambutan.
Sumenyas lang ito na lalabas siya, tango lang ang isinagot ko at bored na pinalipat-lipat ang channel ng TV.
Kung ganoon ay siyam na buwan kong dadalhin sa sinapupunan ko ang baby na ito, maghihirap ako habang si Zurich ay magiging pasarap lang sa buhay. Madali lang sa kaniya ang pera kaya paano kung lumaki na itong tiyan ko at magmukha akong manang? Baka mang-babae lang siya?
Argh. Hindi iyon mangyayari, dahil kung maghihirap man ako ay sisiguraduhin kong mararanasan niya rin iyon. Ipaparanas ko rin sa kaniya ang hirap!
Nang makabalik siya ay natuwa ako dahil sa isang sako ng rambutan na dala niya, agad akong naglaway ng makita iyon.
“Ikaw ang taga-balat, ako ang taga-kain.” instruction ko sa kaniya.
“Yes, mommy.” sagot niya at masunuring naupo sa ibaba ng sofa na inuupuan ko, kumportable siyang nagsimula na sa pagbabalat ng rambutan.
Nangingiwi nalang ako sa itinawag niya sa'kin. Mommy my ass.
“Dumapa ka dito, gusto kitang paluin.” turo ko sa kandungan ko.
“Oh how I love to get a slap in my ass.” sabik na anito at sumunod sa utos ko, nasa gitna ako ng sofa at siya naman ay pahalang na nakadapa sa binti ko. Ramdam ko ang matigas nitong tiyan sa legs ko, nangingiting sinimulan ko ng mahinang palu-paluin ang pang-upo niya habang kinakain ang bawat iniaabot niya sa'kin. Purong buto nalang ang lumalabas sa bibig ko habang nanonood ng TV.
Kung may makakakita man sa posisyon naming ito ay tiyak na mawe-weirduhan ang sinomang iyon, pero dahil kaming dalawa lang ang tao rito'y wala kaming dapat ika-bahala.
“I'm thinking if it is a boy or girl? And what is he or she look like?” usal niya, hindi ko nakikita ang mukha niya pero alam kong nakangiti siya. Siguro nga ay sobrang saya niya ng malaman niyang magiging tatay na siya, maging ako naman ay masaya na may isang buhay na ako na dinadala, pero at the same time ay nababahala rin ako sa mga bagay-bagay, sa mga isipin ko.
Nagkibit-balikat ako, “Baka alien ang anak mo.” sagot ko nalang, bahagyang umarko ang katawan niya ng pisilin ko ang puwit niya.
“You're turning me on..” mahinang bulong niya at bahagya akong nilingon.
Pinaningkitan ko siya, “No.” iling ko.
Lumawak ang ngiti nito pagtapos ay naupo, mabilis niyang hinubad ang suot na t-shirt at dahan-dahan akong inihiga sa sofa, pagk'wan ay kinubabawan niya ako. Ang dalawa niyang braso ay nakatukod sa magkabilang gilid ko bilang suporta, para hindi ako maipit.
“Or maybe yes.” anas niya at sinimulan na akong halikan sa leeg, napabuga nalang ako ng hangin. Kumapit ako sa braso niya at dinama ang init ng katawan niya.
“Peste ka..” paungol na sambit ko sa tainga niya, narinig ko ang pagngisi nito sa leeg ko kasabay ng pagtanggal niya sa damit at bra ko.
Ang isa niyang kamay ay bumaba sa shorts na suot ko, inalis niya iyon kasabay ng panty ko at mariin akong hinalikan sa labi, bumaba din siya agad sa parte kong iyon kung saan ramdam ko ang mainit niyang hininga sa bukana ko.
“Ohh.. Zurich..” mahigpit akong napakapit sa sandalan ng sofa ng simulan na niya iyong dilaan, ang dalawang kamay niya ay nakayapos sa magkabila kong binti at tila gigil na gigil akong kinain sa parte kong iyon.
Bahagya siyang umangat para silipin ako at mapungay ang mga matang ngitian, “Call me Daddy.”
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky