Chapter 5

4.1K 73 4
                                    

#DC | Chapter 5


Nang makabalik ako mula sa banyo ay naabutan kong may malay na si Zurich, kausap ito ng Ina niya habang siya'y malamig ang ekspresyon sa mukha.

Pumasok ako at sa'kin naman agad nabaling ang atensyon nila, ngumiti sa'kin ang nanay niya.

“Heto na pala ang kaibigan mo,” anito at sinenyasan akong lumapit.

Tipid akong ngumiti bago dahan-dahang naglakad, pilit kong itinatago ang pag-ika dahil sa masakit na sugat ko sa paa. Hindi naman gano'n kalalim, pero masakit parin kapag natutuon.

Lumipat ang mga mata ko kay Zurich na kasalukuyan rin palang nakatingin sa'kin, bahagya pa itong napaupo at tila na-sabik ng makita akong pumasok.

“Mamsi, I'm fine. You can go back to the Philippines now..” baling niya sa ina.

Sumimangot ang maganda nitong mukha, “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung bakit ka nagkaganyan.”

Bumuga ng hangin si Zurich, “It's my own fault. I accidentally slip off.” sagot nito, napa-iwas ako ng tingin.

“Tsk.” rinig kong ani Zafara, kasalukuyan pala itong naka-mata sa'kin.

Bigla ay nilamig ang mga kamay ko ng makitang malamig itong nakatingin sa'kin. Tingin ko ay alam na niyang ako ang may kagagawan kung bakit na-ospital ang kapatid niya, at hindi rin siya bobo para hindi maisip na ako ang tinutukoy na asawa ni Zurich sa mga interview niya.

“Mamsi, I think we really have to go now. You know naman na I'm allergic to liars, and I also think na magt-talk pa si kuya at ang friend niya.” singit ni Zafara na sadyang diniinan ang salitang 'friend'.

Parang batang ngumuso ang ina nila habang higit-higit na ito ng anak na babae palabas ng kwarto.

Bago magsara ang pinto ay nakita ko pa ang masamang tingin ni Zafara sa'kin, inirapan rin ako nito.

“Are you ok?” bigla ay tanong ni Zurich.

Walang kangiti-ngiting nilingon ko siya. “Gan'yan ang mangyayari sa'yo kapag hindi mo pa 'ko hiniwalayan..” imbis ay sagot ko.

Bahagya siyang ngumiti, “I won't mind.” kibit-balikat niya.

Mariin nalang akong napapikit kasabay ng pagkuyom ng mga palad ko.





...



Tatlong araw ang lumipas, nakalabas na siya ng hospital pero may benda parin ang ulo. Na-cancel din ang mga meetings niya at na-move sa ibang araw, nag-stay siya sa bagong unit na kinuha niya para sa'ming dalawa. This time ay dalawa na ang kwarto.

Inilapag ko ang mga paperbags na naglalaman ng mga mamahaling bagay na pinamili ko, naabutan ko siyang nanonood at nakaupo sa sofa.

Nag-shopping kasi ako, hindi ko na kailangang magsabi sa kanya dahil may tracker naman siyang inilagay sa katawan ko kaya alam niya kung nasaang lupalop ako, at iyon ang pilit kong hinanap noon hanggang sa mapagod nalang ako.

Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako makatakas sa kanya, kaya naisip ko na kung hindi ko siya matatakasan, edi pahihirapan ko nalang siya.

Lumapit ako sa pwesto niya para ilapag sa lamesitang nasa harap niya ang card na ginamit ko, kinuha ko 'yon sa pitaka niya kanina.

“Naubos ko 'yung laman.” simpleng sambit ko. Tiningnan niya lang 'yon na parang wala lang, hindi big deal sa kaniya na naubos ko ang laman niyong isang milyon. “Mga mamahaling jewelries at damit ang binili ko eh, mga branded.” dagdag ko pa at naupo sa sofang inuupuan niya, kalahating dipa lang ang layo ko sa kanya.

“Did you enjoy it?”

“Ayos lang, may kotse nga akong gustong bilhin kanina, ang kaso hindi ako marunong mag-drive.” ani ko.

“I'll teach you.”

“Huwag na.” iling ko habang nakaismid. “Actually, gutom na ko.” parinig ko.

Malamig ang mga matang nilingon ko siya, bahaw akong ngumiti.

“I'll cook, wait me here.” aniya at tumayo, mabilis siyang pumasok sa kusina.

Pagod na sumandal ako sa sandalan sa sofa, walang buhay na nanood ako ng TV.

Hanggang kailan kaya ako magiging ganito?

Buhay ako pero pakiramdam ko wala lang din saysay..

Ipinikit ko ang mga mata ko, naging ganito lang naman ako simula ng makilala siya. Dalawang taon ang nakakalipas ng makilala ko siya sa isang exhibit, isa ako sa kalahok doon at siya naman ay buyer ng mga paintings. Ewan ko kung anong pumasok sa isip niya at binili niya ang gawa ko ng pagkamahal-mahal, nakipag-kilala pa siya sa'kin hanggang sa hindi na niya 'ko tigilan.

Halos araw-araw ay nakikita ko na siya, tuwing may exhibit ay siya ang bumibili ng mga gawa ko. Inaaya niya rin akong lumabas na madalas kong tinatanggihan.

Ang ala-alang pagdukot sa'kin ng mga tauhan niya ang nag-flash sa utak ko, ang malaking sunog na lumamon sa bahay namin, ang apoy na pumatay sa pamilya ko.

Naluluhang mas mariin akong pumikit.

“Hey, gwyn..”

Napamulat ako ng marinig ang boses niya, nasa harapan ko na siya at tipid na nakangiti.

Huminga ako ng malalim bago siya hawiin, “Nawalan na ako ng gana, ikaw nalang ang kumain o kung ayaw mo, itapon mo nalang.” tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko, iniwan siyang nakatitig lang sa'kin.


...


Lumipas pa ang mga araw, hanggang sa araw na makabalik na kami ng bansa. Ramdam kong may nagbago na rin sa kanya, hindi tulad noon ay parang tulad ko naging mas malungkot siya.

Sa tuwing titingin siya sa'kin ay malamlam ang mga mata niya, madalang nalang siyang kausapin ako.

Tingin ko ay napagod na rin siya.

“I'm not coming home tonight.” paalam niya habang inaayos ang neck tie, hindi man lang ako binalingan nito.

Hindi ko siya sinagot at tumayo nalang para pumasok sa kusina, natagpuan ko ang bakanteng lamesa. Walang kahit anong pagkain ang nakahanda, inis na babalikan ko palang ito sa Salas ay narinig ko na ang sasakyan nitong paalis.

Sa sobrang galit ay binasag ko ang mamahaling vase na malapit sa'kin bago umakyat sa kwarto at nagkulong.

So, ganito pala ang gusto niya?

Kung tingin niya ay maghahabol ako sa kanya, pwes, mag-isip-isip siya.

Hindi niya ako madadaan sa ganito.

Pagod na siya?

Hah, hindi lang iyon ang gusto kong maramdaman niya.

Ang gusto ko'y magsisi siya, at iyon ang sunod kong ipaparamdam sa kanya.

Mabilis akong naligo at nagbihis, alam kong malalaman niya kapag umalis ako.

Alam niya kung saan ako naroroon..

Pero hindi niya alam kung ano-ano ang mga gagawin ko.


| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon