#DC | Chapter 21
Manghang-mangha ako ng marating namin ang sinasabi ni Zurich na pinaka magandang spot nitong bundok na pinuntahan namin, sobrang ganda at tanaw ko pa ang ilang puno sa ibaba.
Napalingon ako sa lalaking nasa likuran ko ng marinig ang pagbaba nito sa mga gamit na dala niya, nang magsimula na siyang mag-unat ay nag-iwas na ako ng tingin. Baka kasi kung ano na naman ang isipin niya.
“Nice view, right? So peaceful.” komento niya, narinig ko ang yabag ng mga paa niya na papalapit sa direksyon ko.
Hindi ako sumagot kahit sang-ayon ako. Sobrang tahimik ng paligid at tunog ng paghampas ng hangin sa puno lang ang maririnig, may ilan ring huni ng mga ibon pero nangibabaw talaga ang tunog ng mga dahon sa puno sa tuwing humahampas ang hangin dito.
“This is what I want..” anas niya at ipinalibot ang matitigas na braso sa baiwang ko, naramdaman ko ang dibdib nito sa likuran ko. “You, Me, and a quiet place.” dagdag pa niya at ipinatong ang baba sa kaliwang balikat ko.
Pilit akong napangiti, paano naman ang gusto ko? Tulad niya ay gusto ko rin ng katahimikan, sa buhay, sa isip, sa lahat ng bagay. Pero paano ako matatahimik kung sa tuwing makikita ko siya ay pagkawala ng pamilya ko ang maaalala ko? Hindi madaling mabuhay sa ganitong sitwasyon, oo at naibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ko, pero hindi mababago no'n ang katotohanang siya ang dahilan kung bakit nawala sa'kin ang pamilya ko.
Binaklas ko ang kamay niyang nasa baiwang ko at nakangiting hinarap siya, “Bakit ako?” tanong ko, muntik ng maging mapait ang pagkakalabas noon sa bibig ko.
“Hm?” titig na titig sa mga mata kong usal niya. Kumurap ako, habang tumatagal na nakatitig ako sa malalim at abuhin niyang mga mata ay tila hindi ko na kakayanin pa ang magsinungaling.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya habang siya'y nakatungo sa akin, “I mean, bakit ako pa ang pinag-alayan mo ng pagmamahal mo?” peke ang tawang ani ko, muli ay kasinungalingan. Ang gusto kong itanong ay kung bakit buhay ko pa ang kailangan niyang sirain, maraming babae d'yan na nagkakandarapa sa kanya kaya bakit hindi ang mga 'yon? Bakit ako pa na masaya na sa buhay ko noon?
“Because, I didn't know.” sagot niya at hinawakan ang mga palad kong nasa pisngi niya, hinalikan niya ang mga 'yon. “I didn't know why I'm feeling this way whenever I'm looking at you, whenever I am with you. I smile, I laugh, I cry, I feel insecure, I feel upset and jealous, all of that.. the reason behind those are only you.”
Nakangiti niyang ipinikit ang mga mata kaya nagkaroon ako ng tiyansang pakatitigan ang buo niyang mukha. Napaka kalmado nito.
“Nakagawa ako ng kasalanan sa'yo, a crime that I didn't mean to happen. That's why I'm willing to bury myself in your anger, I don't care if your smiles are all fake, I don't care you telling lies to me, I won't mind having your fake love.” sa mga sinabi niya ay unti-unting nanigas ang katawan ko, sinubukan kong bawiin ang mga palad ko ngunit mahigpit niya iyong kapit. “Because, I'm glad that you still bother to do the effort.”
Nakagat ko ang labi ko at napatungo nalang, sabi na at alam niyang peke lang ang mga ipinapakita ko sa kanya. Napaka-martyr niya talaga, grabe. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak, hindi ko matukoy ang eksaktong nararamdaman ko ngayon.
“Wait me here, wife. I'll just go get some wood to burn for later.” kalmado at normal na sabi niya ng humiwalay sa'kin, hindi na niya hinintay ang sagot ko at agad ng umalis.
Nakuyom ko ang mga palad ko, wala akong pakielam sa kung ano ang nararamdaman niya. Nagpapa-awa lang siya para hindi ko siya iwan!
Huli ko pang tiningnan ang direksyong tinahak niya bago mabibigat ang hakbang na nilapitan ang gamit ko, inangat ko iyon at akma ng isasakbat ng biglang pumasok sa isip ko ang mukha niyang nakapikit kanina.
Napasabunot ako sa sarili habang tinitingnan ang daang pinanggalingan namin kanina. Pagkakataon ko na ito para takasan siya!
Heto at parang sinadya na niyang gawin ito para takasan ko siya kaya bakit nagkakaganito ako ngayon? Gulong-gulo ang isip ko, gusto ko ng magsimulang maglakad palayo rito at magtago ngunit hindi naman gumagalaw ang katawan ko.
Sa huli ay binitawan ko nalang ang bag ko, dabog akong naupo at sumubsob sa mga braso kong nakapatong sa tuhod ko. Nakakaasar. Buo na ang plano ko, gagawin ko nalang at malaya na ako!
Napangisi ako. 'Di bale at marami pa naman akong pagkakataon, masasayang muna ako ng panahon sa kaniya para sulit ang mga ginastos niya sa akin, pagtapos noon ay iiwan ko na siya. Wala ng pagdadalawang isip iyon.
...
Hawak ko ang camera at panay ang pagkuha ko ng pictures sa paligid habang hinihintay ang pagbalik ni Zurich, masyado naman ata siyang natagalan sa kakahuyan?
Muli kong sinilip ang daang tinahak niya kanina, halos mapatalon naman ako sa tuwa ng makita siyang pabalik na bitbit ang isang bungkos ng mga pinutol na kahoy. Hindi rin ako napansin nito na malapit lang sa dinaanan niya. Nailing nalang ako, bago siya lapitan ay kinunan ko muna siya ng litrato.
“Bakit ang tagal mo, asawa ko?” nakalabing tanong ko, napagdesisyunan ko kaninang ituloy nalang ang ginagawa ko. Nang lingunin ako nito ay saglit pa siyang natigilan. Pilit akong ngumit at itinaas ang camera na hawak ko para muli siyang kunan.
“Sorry..” tangi niya lang na naisaboses kasunod ang isang ngiti.
Nang tuluyan na siyang malapitan ay chineck ko ang mga nakuha niyang kahoy, nang lumipat ang mga mata ko sa kanya ay nahuli ko siyang titig na titig parin sa'kin. Tila hindi makapaniwala sa nakikita.
“Anong mukha 'yan?” maasim ang mukhang tanong ko, ilang beses siyang kumurap bago inayos ang pagkakabitbit niya sa mga kahoy.
“Nothing..” iling niya, huli ko pa siyang tiningnan bago nawe-weirduhang tinalikuran. Naglakad ako pabalik sa mga gamit namin at naupo, siya naman ay inayos ang mga nakuhang kahoy sa isang gilid.
Bawat galaw niya ay kinukunan ko ng litrato mula dito sa puwesto ko, sa tuwing titingin naman siya sa direksyon ko ay iniiwas ko ang camera at kunwaring vine-videohan ang paligid.
Nang lumapit siya sa puwesto ko ay hinigit ko ang dulo ng damit niya para paupuin siya sa tabi ko, pagk'wan ay kinuha ko ang inihanda kong towel kanina. Walang salitang pinunasan ko ang pawisan niyang noo pababa sa katawan niya gamit ang isa kong kamay.
“Hubarin mo 'yang damit mo, basa na ng pawis oh.” kalmadong sabi ko, ang mga mata ko ay ibinalik ko sa camera na hawak ko.
Hindi naman siya nagreklamo at parang batang sumunod nalang, sinupil ko ang ngiting gustong gumuhit sa labi ko at idinampi ang puting towel sa dibdib niya, pababa sa pawisan niyang abs, nagtagal ako roon.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky