Chapter 14

3.6K 62 0
                                    

#DC | Chapter 14


Na-cancel ang balak naming pagpunta sa bahay ng mga magulang ni Zurich, paano ba naman ay hindi ako makalad ng ayos, sobrang sakit ng ari ko.

“Come on, wife. Shoot me..” malungkot na sabi ni Zurich at inilapag sa harapan ko ang isang baril, kinuha niya iyon mula sa cabinet niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, “Siraulo ka ba? Alisin mo nga 'yan sa harapan ko!” singhal ko at mariing napapikit ng makaramdam ng kaunting kirot sa ibaba ko dahil sa ginawa kong pagsigaw.

“But––”

“Isa.” pagputol ko sa kanya, mabilis niyang binawi ang baril at inilagay sa kung saan.

“I'm really, really sorry. I didn't mean to hurt you this much..” kagat labing aniya at pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan, damit niya lang ang suot ko na umaabot hanggang sa kalahati ng legs ko.

Nag-iwas ako ng tingin. Ang cute niya..

“Bukas o sa makalawa wala na 'to.” kalmadong usal ko, narinig ko ang pagsampa nito sa kama.

“Tell me what to do to lessen the pain..” aniya at pumwesto sa gilid ko. “Do you want me to lick you there?”

Umawang ang bibig ko at nag-iinit ang mukhang tiningnan siya, seryoso siya sa sinabi niya.

“T-tumigil ka nga! Ikuha mo nalang ako ng yelo.” asik ko at mahina siyang tinulak sa balikat, sobrang lapit niya kasi. “Atsaka bakit hindi ka na naman pumasok sa trabaho?”

“My tongue is better than ice.” pag-ignora niya sa tanong ko. Sinimangutan ko siya. “Ok, I'll go downstairs.” dagdag niya bago madaling bumaba sa kama, nagtatakbo ito palabas ng kwarto.

Napahilamos ako at napagdesisyunan ng dahan-dahang umalis sa kama, pupunta ako sa banyo. Nakakainis, kung tutuusin ay kasalanan ko rin ito dahil pumayag ako na may mangyari sa'min kagabi.

Kung bakit naman kasi hindi ko siya matanggihan!

Iika-ika akong naglakad papunta sa banyo, saktong pagdating ko roon ay siyang pasok ni Zurich bitbit ang isang maliit na planggana. Nang makita ako ay sa direksyon ko na ito pumunta.

“Here. You're going to put it in your..” gamit ang mata ay tinukoy niya ang pagkababae ko.

Umirap ako, “Obvious.” usal ko at inagaw sa kanya ang planggana na naglalaman ng maraming ice cube.

“Can I help you?”

Sinamaan ko siya ng tingin bago saraduhan ng pinto. Ipinatong ko sa sink ang planggana bago kumuha ng maliit na towel, ibinalot ko ang ilang ice cubes gamit iyon saka idinampi sa ari ko. Tumagal din ako ng kalahating oras sa loob bago napagdesisyunang lumabas na.

Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto ay nakita ko na agad si Zurich na nakaupo sa paanan ng kama, wala itong ginawa kundi ang tahimik lang akong panoorin sa paglalakad hanggang sa makabalik ako sa higaan.

“How's it?” tanong niya.

Nagkibit-balikat ako, “Masakit parin.” sagot ko, masakit parin pero hindi na katulad nung kanina.

“Ok. Just rest, I will cook then bring our food here.” aniya bago tumayo, tango lang ang naging sagot ko.




...




Apat na araw ang lumipas at ngayon nga ay papunta na kami sa bahay ng mga magulang ni Zurich, hindi ko maisawang hindi kabahan at mag-isip ng kung ano-ano. Iniisip ko kung magugustuhan ba nila ako o hindi, o baka gusto lang nila ako makita para personal na bigyan ng sampal at sabunot.

Alam ko naman kasing naging masama akong asawa kay Zurich, ako rin ang pumipigil sa kanya na ipakilala ako sa publiko at pati na rin sa pamilya niya. Pero anong magagawa ko? Isinusuka ko siya dati dahil sa nangyari sa pamilya ko.

“Relax.” pinisil niya ang kamay kong nakapatong sa tuhod ko, naramdaman ko ang mainit niyang palad na sumakop sa nanlalamig kong mga kamay.

Tipid akong ngumiti at tumango, “Baka hindi nila ako magustuhan?” lalo na yung kakambal niyang babae, huli naming pagkikita ay tila ba gusto na niya 'kong pukpukin ng suot niyang takong noon, dahil malamang na alam niyang ako ang may kagagawan noon kay Zurich.

At malamang na alam na rin niyang ako ang asawa ng kapatid niya.

Sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa unahan, ang isang kamay niya'y nakahawak sa manibela habang ang isa pa'y nanatili sa ibabaw ng mga palad ko.

“Whether they'll like you or not, that doesn't change the fact that we are married. Wala silang magagawa.” malamig na sabi niya, napatingin nalang ako sa labas ng bintana. Tama, kasal kami sa papel.

Tumagal ang biyahe namin ng halos isang oras at kalahati, hindi man lang ako dinalaw ng antok o inip dahil sa pag-iisip ng mga possibleng mangyari. Sumagi din sa isip ko na kung magugustuhan man nila ako ay baka pilit lang, baka mapilitan lang sila para sa anak nila.

Paano ba naman ay hindi ako mayaman, wala na rin akong trabaho, ang pera ko pa'y nanggagaling lang din kay Zurich na anak nila. Sino ba naman ang gugustuhing maging manugang ang katulad ko? Wala na rin akong pinagkaiba sa mga tambay noon sa kanto namin, baka isipin nalang nila na ginayuma ko ang anak nila at pera lang ang habol ko rito.


Sa isang tila rancho kami pumunta, malawak ang paligid kung saan matatanaw ang isang trabador at napakaraming hayop. May kabayo, kambing, baka at kalabaw, sa kalayuan rin ay tanaw ko ang tila palayan, may mga kubo rin na siguro ay pahingahan ng mga taong nagta-trabaho rito.

“Anong lugar 'to?” baling ko kay Zurich, unti-unti ay namamangha ako sa bawat nadadaanan namin.

“Our ranch.” maikling sagot niya, saktong pagliko niya ay natanaw ko ang isang malaki at kulay pulang gate na nakaharang sa daan, ito na ang dulo ng daan na tinahak niya.

Dalawang busina ang ginawa niya bago may sumilip na gwardiya mula sa loob ng gate, segundo lang at dali-dali nitong binuksan ang malaking gate katulong ang isa pang gwardiya.

Dumagundong ang dibdib ko dahil sa dumagdag na kaba ng makita ang loob nito, tila na ito palasyo! May fountain sa gitna at malaking bahay na may kulay rosas na pintura, ang taas nito kaya sa tingin ko ay apat o tatlong palapag ito. Malawak din ang paligid na nagsisilbing paradahan ng mga sasakyan, doon ay nakahimpil ang mga naggagandahan at alam kong mga branded na sasakyan.

Kung iisipin ay magiging alikabok lang ako sa pamilyang ito. Puwedeng-puwede nila akong itumba rito ng walang kahit na sinong makaka-alam.

“Let's go.”

Nagulat ako ng mamalayang nasa labas ng pinto ko na pala si Zurich, ang kamay nito ay nakalahad para alalayan ako. Hindi ko na napansing tumigil na pala ang sasakyan at nakalabas na siya, busy kasi ako sa isiping hindi ako nababagay rito.

Nanginginig ang mga kamay na tinanggap ko ang kamay niya, inalalayan niya ako palabas ng sasakyan at hinapit sa baiwang ng maglakad na kami papasok sa malaking bahay.



| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon