Chapter 34

3.2K 73 4
                                    

#DC | Chapter 34

Sa sumunod na araw ay muli akong bumisita sa hospital, pero ngayon ay hindi ko na kasama si Zurich. Nasa office kasi ito at ilang araw na rin siyang naka-leave, pinahatid niya lang ako sa isa sa mga body guard niya at sinabihan na oras-oras ay i-update siya sa mga ginagawa ko. Ang guard niya rin na naghatid sa'kin ay nasa labas lang nitong private room, doon ako nito hinihintay.

At tulad lang din kahapon, tulala lang sa kawalan si Gael. Magaan kong hinahaplos ang isa niyang kamay habang nakatingin sa mukha niya.

“Mahuhuli rin ang gumawa nito sa'yo, kaya magpagaling ka.” sambit ko at hinihintay na bumaling sa'kin ang paningin niya. “Sorry rin kung wala akong nagawa para sa'yo nung gabing 'yon..” dugtong ko at napatungo, pinipigilan ko ang mapaiyak. “Hindi ko lang talaga alam kung paano ang gagawin ko, hindi ko alam ang nangyayari sa'yo.”

Suminghot ako at muling nagtaas ng paningin sa kaniya, natuwa ako ng sa wakas ay tingnan niya na ako. Pero ang mga mata niya, may bahid ng pinaghalo-halong emosyon.

Umungol siya at tila may gustong sabihin, ngunit hindi ko naman maintindihan kahit anong pilit ko. Hanggang sa nakita ko ang pagbubutil ng luha sa mga mata niya, naluha na siya marahil ay dahil sa isiping hindi ko siya maintindihan.

Tipid nalang akong ngumiti, “Magpagaling ka.”

Days, Weeks, and Months past. Halos bahay-grocery-hospital-repeat na ang everyday routine ko. Uuwi lang ako para matulog, at aalis rin para pumunta sa grocery at mamili ng mga prutas at ilang pagkaing matipuhan ko, pagtapos noon ay sa hospital na ako kakain. Ang alis ni Zurich sa bahay ay siyang pag-alis ko rin, ang uwi ko na noon ay alas-sais na ng hapon, minsan ay alas-siete pag napahaba ang pagk-kwento ko kay Gael.

Ang kagandahan ay umi-improve na si Gael, ramdam ko na nagli-light na ang mood niya, hindi na siya tulala tulad noon at nakikita kong excited siya sa tuwing darating ako.

Malaki na rin ang tiyan ko at minsan nga ay napagkakamalan pa akong misis ni Gael ng mga stuff na bigla nalang papasok sa room niya, mga janitor, nurses, at doctors. Sa huli ay tinatawanan ko nalang sila at iniilingan.

Napag-alaman ko rin na lalaki ang anak ko, five months na rin ito at naisip kong Gael ang ipangalan rito. Pero sa tingin ko ay hindi papayag si Zurich kaya hindi ko muna sinasabi sa kaniya.

Isa pa 'yon, masyado ng bugnutin at napapadalas ang pananahimik na tila kay lalim ng iniisip. Kapag kakausapin ko naman siya at tinatalikuran niya lang ako at buong magdamag ng magkukulong sa study table niya. Iniisip ko nalang na baka may problema sa kompanya niya kaya gano'n ang mood niya.

“Bukas ulit,” paalam ko kay Gael kinahapunan, medyo nagmamadali ako dahil alas-siete na ng silipin ko ang orasan, bente minuto nalang at mag-aalas otso na, ngayon lang ginabi ng ganito.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Gael bago ito marahang tumango, hindi siya nakakapagsalita dahil putol ang dila niya, maging ang mga daliri niya sa kamay ay putol din, pinutol ng demonyong hanggang ngayon ay hindi parin matunton ng asawa ko.

“Goodnight.” matamis akong ngumiti rito bago lumabas ng silid, himas-himas ko ang tiyan ko ng magmadali akong bumaba. Nagtaxi ako dahil pinapaalis ko na rin ang body guard ni Zurich na naghahatid sa'kin dito t'wing umaga, tinutubuan lang kasi ito ng ugat kakahintay sa 'kin.

Hindi rin naman nagtagal at nakauwi na ako, patay na ang ilaw sa labas pero tanaw ko ang bukas na ilaw sa loob ng bahay sa glass window.

Kulang nalang ay liparin ko ang daan mula sa gate hanggang sa pintuan ng bahay mula ng pagbuksan ako ng gate ng gwardiya namin, binati pa ako nito ng magandang gabi ngunit hindi ko na nagawa pang siya'y sagutin dahil sa pagmamadali.

Nang buksan ko ang pintuan ay sumilip muna ako sa loob, walang tao. Hanggang sa tuluyan na akong makapasok ay sumulpot sa bukana ng kusina si Zurich. Nakapamulsa siya at gusot na gusot ang mukhang sinalubong ako ng titig.

“Hi, Asawa ko.” bati ko sa kaniya at masayang ngumiti, agad ko siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi. Hindi siya umimik. “Kumain ka na?” tanong ko nalang at sumilip sa loob ng kusina, nakita kong may mga nakahandang pagkain roon. Mukhang hindi pa..

“How 'bout you, have you?” balik tanong niya sa'kin.

Napakamot ako sa pisngi at marahang tumango, “Oo eh, sa hospital na ako kumain.” sagot ko, tulad ng mga nagdaang araw ay doon na ako kumakain.

Nakita ko ang paggalaw ng panga niya, heto na naman ang tila pagpipigil niya sa inis niya.

Nagseselos ba siya?

Alam naman niya ang kalagayan ni Gael kaya sana ay maintindihan niya ako..

“Again.” matigas na sabi niya, “Why not live in there?” puno ng sarkasmo na aniya saka ako nilampasan.

Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghila sa dulo ng damit niya, “Asawa ko, alam mo naman ang kalagayan ng kaibigan ko 'di ba? Ako lang ang maaasahan niya––”

“I know!” sigaw niya na halos magpatalon sa 'kin sa gulat. “But what do you want me to do? Just let you spend your whole day with him? Let you forget everything about me? You're with him from seven in the morning, you will go home tired and will just sleep? You didn't even ask me how's my day going and if I'm missing you!”

Tigagal akong napatitig lang sa kaniya. Tila ito ang unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses at tiningnan gamit ang matatalas niyang mga mata.

Kumibot ang mga labi ko ng alisin niya ang damit niya sa pagkakahawak ko, tuluyan na niya akong tinalikuran.

“If being pregnant won't make you stay here, then fine, do what makes you happy.” huli pa niyang sabi bago naglakad paakyat sa hagdan, paniguradong sa study room na naman siya maglalagi.

Tulala akong napahimas sa tiyan ko. Siguro ay kakausapin ko nalang siya bukas, kapag lumamig na ang ulo niya.

Niligpit ko ang lamesa at itinabi sa ref ang mga niluto niyang pagkain, mangiyak-ngiyak pa ako dahil tingin ko'y hinintay niya talaga ako para sabay kaming kumain ngayon.

Kinabukasan ay nagulat ako ng makitang nasa hapag ang asawa ko, nagmamadali pa man din ako dahil alas-otso na ako nagising at sa isip ko ay nakaalis na siya. Ngunit hindi, narito siya at nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo, nakapambahay rin siya at naka-tsinelas.

Nang pumasok ako sa kusina ay ni hindi niya man lang ako tinapunan ng pansin, kahit ng magtimpla ako ng gatas at maupo sa harapan niya ay hindi siya natinag. Samantala ako, heto at malungkot na nakatitig sa kaniya.

Tumikhim ako sa pag-aasam na makuha ang atensyon niya, pero wala lang din. Tila pa ito walang narinig at diretso lang sa pagbabasa ng dyaryo.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa tumunog ang cellphone niya, hinugot niya iyon sa bulsa ng suot niyang short at agad na sinagot.

“Baby.” pagsagot niya sa tawag, napanganga ako dahil sa itinawag niya rito. Baby?

Siguro ay dahil sa buntis ako kaya mabilis na nagbago ang mood ko, naluha ako kaya napatungo ako, hanggang sa mapagdesisyunan kong tapusin na ang pag-inom ng gatas at umakyat sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis, pupunta nalang ako sa hospital tutal naman ay mukhang aalis rin siya para puntahan ang 'Baby' niya.

Hindi ko siya masisisi kung magkaroon siya ng kabit, bilugan na ako at panget, palibhasa buntis kaya hindi niya mapakinabangan.

Umiiyak akong lumabas ng bahay.



| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon