Chapter 6

3.7K 83 0
                                    

#DC | Chapter 6

Una akong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang pamilya ko, nag-iwan ako ng bulaklak at nagdasal sa puntod nila. Isang oras din akong nagtagal do'n habang kumakain ng baon kong sandwich at ilan pang pagkain, pantawid gutom dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Alas-dies ng mag-withdraw ako ng pera, galing sa bank account ni Zurich s'yempre. Fifty thousand lang ang kinuha ko bago bumyahe papunta sa palawan, balak kong bisitahin ang kaibigan ko noong college.

Nang marating ang lugar ay agad na akong dumiretso sa natatandaan kong address niya, mabuti at tanda ko pa. Huling pagkikita namin ay hindi ko na matandaan, malamang na magugulat 'yon kapag nakita ako.

Bumaba ako sa tricycle at nagbayad, mangha kong tiningnan ang bahay na ngayon ay nasa harapan ko.

Lumaki na, pina-renovate niya pala ang bahay niya.

Lumapit ako sa gate at nag-doorbell, hindi naman ako naghintay ng matagal ng agad ding bumukas ang pinto at iniluwa ang pakay ko.

Naka jeans lang ito at walang pang-itaas, basa rin ang sinusuklay nitong buhok gamit ang sarili niyang mga daliri, napangiti ako ng hindi man lang ako tapunan nito ng tingin.

“Yeah––” sa pagbukas ng gate lang nito ako nakita, naputol ang sasabihin niya ng mapagsino ako.

“Long time no see?” ngiti ko habang pinapanood ang hindi makapaniwalang reaksyon niya.

“G-Gwyneth?”

Lumaki ang ngiti ko at sunod-sunod na tinanguan siya.

“Shit..” tangi niyang naiusal bago ako tuluyang labasin para yakapin.

“Na-miss kitang kupal ka!” ani ko at gumanti ng yakap sa kanya. Ito si Gael, ang college boy best friend ko slash taga-harang ng mga manliligaw ko.

Nang humiwalay siya ay manghang-mangha parin ang itsura niya, tila hindi makapaniwala sa nakikita.

“Ang..” panimula niya at minuwestra pa ang kamay, saglit niyang ipinilig ang ulo. “Ang ganda mo.” bulalas niya.

Napabungisngis ako at tiningnan siya mula ulo pababa sa paa, “Ikaw din, mas lalo kang gumwapo.”

Humalakhak siya bago humalukipkip, tila ibinabalandra sa harapan ko ang ma-muscle nitong braso.

Natatawang mahina ko siyang hinampas, “Yabang mo.”

“Ah, before I forgot.. Anong ginagawa mo dito?” tanong niya at iginiya ako papasok sa loob ng bahay niya.

Saglit ko siyang tinapunan ng tingin, “Binibisita ka, mabuti nga at hindi ka lumipat.” sagot ko, sumalubong sa'min ang isang mabalbon at puting aso.

Ito kasing si Gael ay unwanted child, yun ang sabi niya. Mayaman ang pamilyang nagtakwil sa kanya, kung ano ang dahilan kung bakit siya itinakwil ay hindi ko alam, hindi niya sinasabi sa'kin. Noong college kami ay pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagt-trabaho, nag-ipon siya para sa pag-aaral niya at para narin mabili itong bahay na dati ay halos ga-kubeta lang ang laki.

“Wala talaga akong balak na lumipat, I'm staying here for the rest of my life.” aniya, mas lalo akong na-mangha ng makita ang loob ng bahay niya.

“Nagtuloy ka ba sa pagiging architect?” tanong ko habang iginagala ang paningin sa paligid.

Nang hindi agad siya sumagot ay muli ko siyang nilingon, malaki ang ngiti niya at sunod-sunod ang pagtaas-baba ng dalawa't makapal nitong kilay.

Napatili ako sa tuwa, “Talaga!?” nanlalaki ang mga matang tanong ko.

“Yep.” boyish ang ngiting sagot niya, agad rin iyong naglaho at napaltan ng isang malungkot na ngiti. “I heard, nasunugan kayo?”

Ang malaking ngiti ko ay nauwi sa isang pilit na ngiti bago tipid na tumango, nag-iwas din ako ng paningin ng maramdaman ang panginginit ng paligid ng mga mata ko.

“And your family––”

Iniba ko ang usapan, “Ikaw lang mag-isa dito?” naglakad-lakad ako, naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

Bumuga siya ng hangin bago ako sagutin, “Me and my dog.” sambit niya bago buhatin ang aso na kanina pa nakasunod sa'min, ipinakita niya ito sa'kin.

“Cute.” komento ko pero ang mga mata ko ay sa mukha niya nakatingin.

“Yeah. Her name is Sunny.” ngiting-ngiti na anito bago nagtagpo ang mga mata namin, ako ang unang nagbawi ng tingin.

“Sunny? As in araw?” pabirong tanong ko at naupo sa sofa niya, ang lambot.

Tawa lang ang isinagot niya, ibinaba niya ang aso at ipinagpag ang mga kamay. “Kumain ka na?” pagkwa'y tanong niya, agad akong umiling.

“'Di pa eh.” lumabi pa ako.

Muling pumilig ang ulo niya, “Wanna see my kitchen? Ako nag-design no'n.” suhestiyon niya at nauna ng maglakad papasok sa kusina niya, binitawan ko ang dala kong gucci bag at mabilis na sumunod sa kanya.

“Bakit wala kang kasama dito? Wala ka bang girlfriend?” palihis na tanong ko, gusto ko kasing malaman kung may kasintahan na ba siya.

Nagbukas siya ng ref, “Nah.” maikling sagot niya, wala daw.

Naupo ako sa isa sa upuan do'n at ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa, “Eh bakit wala? Sa gwapo mong 'yan, wala kang jowa?” bawat galaw niya ay naka-mata ako, sinusundan ko siya ng tingin.

“Let's just say, iniwan ako ng babaeng mahal ko.” aniya na nagpa-awang sa bibig ko. Kung gano'n ay may minahal na siya.

“Ang tanga niya.” naiusal ko, natawa siya habang naggagayat ng sibuyas at bawang.

“Hindi ko siya masisisi, I have nothing that time.” ngayon ay nakatalikod na sa'king sambit niya, pinagmasdan ko ang malapad niyang likod.

“Ah.” tangi ko lang na naiusal.

“I have nothing, and she also have nothing. Parehas kaming walang-wala, ano nalang mangyayari sa'min? Maybe that's the reason kaya sumama siya sa mayaman.” bigla ay naging malamig ang boses niya.

Napatungo ako ng maramdaman ang sunod-sunod na pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

Bahaw akong ngumiti, alam kong ako ang tinutukoy niya.

Kung sana lang ay alam niya kung ano ang totoong nangyari sa'kin.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko bago siya sinagot, “Sobrang tanga niya.”

| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon