#DC | Chapter 1
Tulad ng nakagawian ay nakatambay lang ako sa Salas, nanonood ng mga palabas habang kumakain ng pizza. Tatlong kahon iyon na ini-utos kong orderin ni Eian, at ngayon nga ay isang kahon palang ang nauubos ko.
Nahiga ako sa sofa-bed at itinaas ang isang paa sa sandalan, tumitig ako sa puting kisame habang ngumunguya ng pizza.
Ang sabi niya kanina ay maaga siyang uuwi dahil isa lang ang meeting na dadaluhan niya, ang gawain niyang pang-opisina naman ay tatapusin nalang daw niya sa study room niya dito sa bahay.
Umupo ako at tiningnan ang front door, nakasara parin.
Kinuha ko ang isang bote ng malamig na tubig sa lamesita at ininom ang kalahati noon, hindi ko na kayang ubusin ang dalawa pang kahon.
Tumayo ako at umakyat sa kwarto, iniwan kong bukas ang TV at nakahambalang ang mga pinagkainan ko sa baba. Nang marating ang kwarto ay kinuha ko ang laptop na binili sa'kin ni Eian at binuksan ito, nag-internet ako. May wifi naman kasi dito sa bahay niya.
May facebook account ako, may twitter din, kumpleto ako sa lahat ng social medias at may iilan din akong followers. Hindi ganoon kasikat unlike sa mga accounts ni Eian, umaabot sa thousands ang followers kahit dummy account lang.
Nang maisip na buksan ang account niya ay napapangisi pa ako, ang password niya ay combination ng pangalan at birthday ko.
Dumapa ako sa kama at ni-relax ang sarili, binuksan ko ang inbox niya at nagbasa ng messages niya. Ang dami rin, may ilan dito na kaklase niya pa raw mula college at nangangamusta.
Lahat sila ay unread messages, seen na ngayon dahil pinakielaman ko.
Nang may maisip na kalokohan ay napatingin ako sa paligid, kahit alam ko namang ako lang ang tao rito. Binuksan ko ang camera ng laptop at kinunan ang sarili, hindi kasama ang mukha at tanging ang kalahati lang ng katawan ko.
Ipinost ko ito sa twitter na may caption na 'sexy'. Well, sexy naman talaga ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng isang segundo palang ang nakakalipas ay dinadagsa na ito ng likes, dumarami na rin ang mga comments, karamihan dito ay mga babae.
Binasa ko ang ilan sa mga comments, napapapikit nalang ako dahil isang malaking pagkakamali pala ang ginawa ko.
Andaming nagtatanong kung ito ba daw ang asawa niya, may ilan na tila sigurado na. May iba rin na sumang-ayon sa caption na inilagay ko, sa huli ay denelete ko iyon at agad na ni-log-out ang account niya. Bumalik ako sa pagf-facebook gamit ang sarili kong account, umawang ang bibig ko ng makita ang latest post ng mga friends ko sa Facebook.
Screenshot ng post ko kanina!
Nanginginig ang mga kamay na nag-log-out ako, pinatay ko ang laptop at binaon ang mukha ko sa unan.
Baka magalit si Eian sa ginawa ko?
Pero teka, ano naman kung magalit siya? Mas maganda iyon para makipaghiwalay na siya.
Nang mag-alas-dose ng tanghali ay dumating na nga siya, kalmado lang. Tingin ko ay hindi pa nakakarating sa kanya ang ginawa ko.
“Let's eat our lunch,” aniya at dumeretso na sa kusina habang inaalis ang suot na neck tie.
Umirap lang ako at hindi siya pinansin, nagpatuloy ako sa panonood ng TV habang siya'y nasa kusina at nagluluto.
Hindi ba nag-notif sa kanya yung ginawa ko kanina?
Nakangusong inilaylay ko ang ulo ko mula sa sofa, ang mahaba at alon-alon kong buhok ay nakahalik na ngayon sa sahig habang pabaliktad akong nanonood ng TV.
“Gwyn, let's eat.” aniya na lumabas sa kusina, may dala pa siyang pamunas.
Hindi ako sumagot at umayos nalang ng upo sa sofa, ang mga mata ko'y nasa telebisyon ngunit ang buo kong atensyon ay nasa kanya.
Hinihintay ko siyang mainis.
Narinig ko ang marahas nitong pagbuga ng hangin, pagtapos ay mabilis akong nilapitan at parang unan na kinarga.
“Ano ba!” singhal ko at hinampas ang likod niya, pero hindi niya iyon ininda hanggang sa maiupo niya ako sa harap ng lamesa.
“Now, eat.” mariing aniya at sinandukan ako ng pagkain.
Sinamaan ko siya ng tingin bago inangat ang kutsara't tinidor, pinakain ko ang sarili.
“Tomorrow I have a business trip,” kuwento niya, tumaas lang ang isa kong kilay. Ano namang pakielam ko? “You're coming too.” dagdag niya.
Inis na ibinagsak ko ang mga kubyertos sa lamesa, sanhi para lumikha ito ng malakas na ingay.
Matalas ang mga matang nakipagtagisan ako ng titig sa kanya, “Kung aalis ka, ikaw nalang! Huwag mo na akong idamay!” halos pumutok ang mga litid sa leeg na sigaw ko.
Naglapat ang mga labi niya bago pinutol ang titigan namin, kumuha siya ng tissue na naka-pwesto sa gitna ng lamesa at pinunasan ang paligid ng bibig niya, pagkwan ay muli niya akong tiningnan.
Tingin na nakapagpatikom sa bibig ko, “You are coming with me, wife. Any problem?” puno ng awtoridad na sambit niya, bawat salita ay naglalaman ng diin.
Padabog na tumayo ako at mabilis na umakyat sa kwarto ko, ni-lock ko iyon at ibinaon ang mukha ko sa isang malambot na unan. Naiiyak ako.
Kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko pagdating sa kanya ay hindi ko parin talaga magawa, salita palang niya ay halos madurog na ako. Napakahina ko pagdating sa kanya.
Hanggang magdilim ay hindi ako lumabas, binuryo ko ang sarili ko sa loob ng kwarto ko at inabala ang sarili sa pagd-drawing. Hilig ko ito noon pa man, tuwing malungkot ako o may nakitang magandang tanawin ay ito ang hawak ko.
Ang subject ko ay isang lalaki, mukha ng lalaki. Ang mga mata nito ay walang buhay, ang mga labi niya'y walang kangiti-ngiti. Sa ulo nito ay may korona, walang gana rin itong nakapangalumbaba gamit ang isang kamay, ang siko nito ay nakapatong sa arm rest ng isang upuan, upuan na pang opisina.
Ang nabuo kong imahe ay katulad lang din ng nakaraan kong gawa–– siya, si Zurich.
Nang matapos sa ginagawa ay itinabi ko ito, sinilip ko ang labas sa veranda. Malamig ang simoy ng hanging pang-gabi.
Yakap ang sarili ay tiningala ko ang madilim na kalangitan. Hindi ito ang buhay na inasam ko, kailanman ay hindi ko hiniling na makulong sa isang palasyo kasama ang isang halimaw.
My life isn't a fairytale, pangkaraniwang kuwento lang ito ng isang babaeng bilanggo.
Bilanggo ng isang kontrata.
Muli na akong pumasok sa loob at nahiga sa higaan ko, binalot ko ang sarili ng kumot at hinayaan ang sariling mahila ng antok. Sa kalagitnaan ng gabi ay naramdaman ko ang isang bulto ng lalaki, tumabi ito sa'kin at iniyakap ang buong katawan sa'kin.
Gusto ko man siyang sigawan at sipain palayo sa'kin ay hindi ko na nagawa dahil sa antok, lalo pa ng bumulong ito sa tainga ko.
“I'm sorry for doing all of this to you. It's just that, it reminds me that I'm still alive.”
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky