Chapter 12

3.9K 78 4
                                    

#DC | Chapter 12


Mabilis akong nagbihis sa kwarto ko bago madaling bumaba, nang tingnan ko ang orasan kanina ay napagtanto kong alas-tres na ng madaling araw, paniguradong mahihirapan akong makahanap ng masasakyan papunta sa hospital na pinagdalhan kay Gael.

“You are not going anywhere.”

Akma ko ng bubuksan ang front door ng marinig ang pagdagundong ng boses ni Zurich, basa ang buhok at nakasuot ito ng pambahay habang pababa ng hagdan, bagong ligo ang demonyo.

Sinamaan ko lang ito ng tingin bago muling pumihit paharap sa pinto, nabuksan ko na ang lock nito.

“I said, you are not going anywhere.” matigas na sambit nito, napaigik ako ng marahas nitong hablutin ang braso ko at ilayo ako sa pinto.

Pinilit niya akong iharap sa kanya ngunit iniiwas ko lang ang paningin ko mula sa mukha niya, sobra akong nasusura sa kanya, lalo na sa mga ginagawa niya.

Narinig ko ang bahaw na pagtawa nito, “You are planning to go to his place, aren't you?” hindi ako sumagot sa tanong niya. “Why? I mean, I'm sure he's fine. I called an ambulance before leaving him––”

Malakas ko siyang itinulak at sinampal. “Alam mo? Pagod na pagod na 'ko sa'yo, hindi ko alam kung saang parte ng katawan mo itinatago 'yang mga ka-dimonyohan mo, o baka nga buong katawan mo may nakasuksok na ka-dimonyohan.” bumuga ako ng hangin. “Ayaw mo akong palabasin? Ok. Pero kapag may nangyaring masama kay Gael, magpapakamatay na 'ko.” pagod na sabi ko bago siya talikuran, tinungo ko ang hagdan at maingay ang suot na sapin sa paa na umakyat pataas.

“I'll follow you there––”

“Sa langit ako mapupunta, ikaw sa impyerno kasi kamag-anak mo si satanas.” pagputol ko rito at saglit siyang tinapunan ng tingin para lang irapan.

“Whatever. You will stay here, and that's final.” ma-awtoridad na aniya, hindi ko nalang siya pinansin at tinahak nalang ang daan papunta sa kwarto ko. Nakakapagod ang makipagtalo sa kanya, kada matatapos kasi ang argumento namin ay hindi puwedeng walang iiyak, tsk.

Nang makapasok sa kwarto ko ay ini-lock ko ang pinto at paspasang naglakad papunta sa veranda, dinungaw ko ito at nakitang may kataasan nga. Second floor kasi ito at mataas rin ang mga kisame.

Bumalik ako sa loob at kumuha ng tatlong kumot, itinali ko ang mga ito sa bawat dulo nila at sinigurong mahigpit ang pagkakabuhol ng bawat isa. Sunod ay itinali ko iyon sa matibay na parte ng railings bago hinubad ang suot kong sapin sa paa, isinilid ko 'yon sa bag na dala ko saka ako sumampa sa harang para makapunta sa kabilang parte.

Tuluyan ko ng inilaglag ang kadugsong ng mga itinali kong kumot, umabot ito sa lapag at may konti pa ngang sobra. Ingat na ingat ako sa pagbaba, kahit masakit sa kamay ay tiniis ko at madaling ibinaba ang sarili.

Nang dumungaw ako sa baba para silipin kung malapit na ba ako sa sahig ay muntik na akong atakihin sa puso, paano ba naman ay nakapamaywang na nakatayo roon si Zurich at nakatingalang pinapanood ako.

“Hell..” mahinang bulong ko at idinikit ang noo ko sa kinakapitan ko. Sa huli ay itinuloy ko na ang pagbaba, nang malapit na ako sa lapag ay sinubukan kong talunin na iyon ngunit sinalo ako ni Zurich.

“No need to do this, I already called someone to assist him. He will be fine, I assure you that..” malamlam ang mga matang aniya bago ako bitawan.

Walang salitang namutawi sa bibig ko, hindi ko alam ang sasabihin o gagawin gayo'ng heto na naman siya at nakakaawa ang pagmu-mukha.

Tipid siyang ngumiti, “You know what? The first time I saw you in that exhibit, I felt a strange feeling. The way you smile, move, and talk, I am watching you. I can't help but to watch you, sounds creepy I know, but that's the truth.” magaan niyang sinuklay ang basang buhok gamit ang mahahaba niyang mga daliri bago ako tiningnan ng masuri sa mata.

Napalunok ako.

“I stalked you, follow you anywhere you are going, and injured every man who's trying to court you.”

Napasinghap ako pero siya'y tinawanan lang ang naging reaksyon ko.

“Monster? Maybe.” kibit-balikat nito at sinapo ang magkabilang pisngi ko. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatingin sa malamlam at kulay abo niyang mga mata. Tila ito mas marami pang sinasabi kaysa sa bibig niya.

Napahawak ako sa braso niya ng dumampi ang mainit nitong labi sa'kin, mula sa noo pababa sa labi ko, nang humiwalay ay seryoso na ang mukha niya.

“But it's only you who can tame me.” mahinang anas niya, humigpit ang pagkakapit ko sa braso niya. “Wife, can we start a new?” tanong niya pagkwan ay pumikit.

Pinigilan ko ang sarili na maiyak, pumikit siya dahil ang inaasahan niyang magiging sagot ko ay pagtanggi.

Hinawi ko ang mga kamay niya at mahigpit siyang niyakap, “S-sure. Pero oras na paiyakin mo ako ulit, siguraduhin mong nakahanda na ang mga papeles para sa paghihiwalay natin.”



...



Nagising ako kinabukasan na mabigat ang pakiramdam, tila may nakadagan sa'kin. Nang lingunin ko ang taong nasa tabi ko ay natagpuan ko si Zurich na mahimbing parin na natutulog. Para itong unggoy kung makayapos sa'kin.

Inalis ko ang paningin ko sa kanya at inilipat sa kulay kremang kisame ng kwarto niya, inalala ko ang nangyari kagabi. Matapos naming mag-usap ay tabi kaming natulog dito sa kwarto niya, ang sabi niya pa ay dito na ako matutulog simula kagabi.

Malinis ang kwarto niya, mas malaki rin kumpara sa kwarto ko. Dito ay halos kasya na ang kusina at isa pang banyo.

Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya, pero wala ring bisa dahil halos buo na niyang katawan ang nakadagan sa'kin. Ang bigat at rinig na rinig ko rin ang paghinga nito sa leeg ko.

Nang umalpas ang isang kamay ko ay marahan ko siyang tinapik sa balikat, gumana naman dahil gumalaw siya at umayos sa pagkakatihaya. Ngunit akma palang akong babangon ay nahagip na nito ang baiwang ko, hinigit niya ako padapa sa ibabaw niya. Hindi pa ito nakuntento at mahigpit pa akong niyakap padiin sa katawan niya.

“Zurich!” suway ko sa kanya ng tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib, wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Nang tingalain ko ang mukha niya ay nahuli kong nakamulat ang isa niyang mata at natatawa akong pinapanood.

“Bwisit ka!” inis ko itong hinampas sa dibdib.


|itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon