Chapter 11

3.8K 81 0
                                    

#DC | Chapter 11


Hindi siya pala-inom, kung may isa mang bagay na lulunurin niya ang sarili niya iyon ay sa trabaho, hindi sa alak. At mas lalong hindi siya uuwi rito para ipakita sa'kin kung gaano siya kalango sa alak.

Kaya ngayong ginawa niya ito ay alam kong may malalim siyang dahilan.

Natatakot ako, oo. Dahil naging saksi ako sa lahat ng mga kaya niyang gawin.

Alam kong nananakit siya kapag wala sa sarili, isang beses noon ay nagkulong lang ako kwarto ko. Hindi ako kumain o lumabas man lang kahit ilang beses na niya akong kinakatok, kinagabihan ay lasing niya akong pinasok sa kwarto ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga body guards na biglang pumasok noon sa kwarto ko, pero laking pasasalamat ko dahil kung hindi sila dumating ay malamang na sa akin naibunton ni Zurich ang pagwawala niya.

Nang gabi rin na iyon ay tatlo sa body guards niya ang sinaktan niya, naging saksi ako sa pangyayaring iyon. Kahit hindi ako ang napagbuhatan niya ng kamay ay alam kong masakit ang natamo ng mga gwardiya niya dahil kinabukasan noon ay kapwa mga nag-resign ang ilan rito.

Hindi rin ito ang unang beses na muntik niya na akong gahasain, pangatlo na ito at mukhang matutuloy pa nga. Walang ibang tao rito kundi kami lang, wala ring silbi ang pagsigaw ko dahil hindi niya naman ako pakikinggan.

Tahimik nalang akong humikbi, iniisip ko na kung bakit kasi hindi niya nalang ako patayin?

Nananakit na rin ang magkabila kong pulso dahil sa madiin niyang pagkakapinid dito, ang lumuluha kong mga mata ay nakatingin na lamang sa madilim na kisame.

Sa ginagawa niya ay mas lalo lang nadadagdagan ang dahilan para hindi ko siya patawarin, para mas lalo ko siyang kamuhian. Nakakainis lang dahil sa kaibuturan ng puso ko ay pilit ko parin siyang iniintindi, kung bakit ganito siya. Kung bakit ipinipilit niya ang sarili niya sa'kin.

Mariin akong napapikit ng marahas nitong hiklatin ang kahuli-hulihang saplot ko sa katawan, pagkwan ay naramdaman ko ang mainit niyang palad na humaplos doon.

Mas lalo akong naiyak. “T-t-tumigil ka, please..” mahinang pagmamakaawa ko. Sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon.

Tulad kanina ay tila wala itong narinig, patuloy parin siya sa marahas na paghawak sa katawan ko. Humikbi ako.

Ilang segundo pa na patuloy ako sa paghikbi ay laking gulat ko ng malakas na hampasin ni Zurich ang lamesa sa magkabilang gilid ko. Ang ulo nito ay nakatungo habang nakatuon ang dalawang palad sa lamesa, natigil ako sa paghikbi pero patuloy parin sa pagdaloy ang luha ko.

Dumaan ang mahabang katahimikan bago ko narinig ang nanginginig nitong boses.

“Why can't you just love me? Am I that worse?” mahinang sambit niya, umawang ang bibig ko ng maramdaman ang mainit na likidong pumatak sa bandang tiyan ko. Luha mula sa kaniya.

Umiiyak siya.

Kung gano'n ay hindi siya lango sa alak..

Nag-angat ito ng tingin sa akin, hindi ko man makita ng buo ang mukha niya dahil sa dilim ay alam kong nakatingin siya sa'kin ngayon.

“Sorry. I'm sorry for doing all of these to you, I'm sorry for stealing your happiness for me to have mine, you're my happiness. You're the one who made me feel right in every things I've done wrong. I'm losing my sanity and I know that you are my only remedy. Gwyn, listen.” bahagya itong tumungo at hinawakan ang magkabila kong pisngi. “You can do everything you want to me, hurt me or what, just please.. learn to love me. At least have a try, right?” piyok na anito, pilit din siyang tumawa.

Nag-iwas ako ng tingin at sinubukang bumangon, inalalayan naman niya ako.

“Did I scared you?” tanong nito at inayos ang magulo kong buhok, isinuot rin nito sa'kin ang damit ko kanina na umabot lang hanggang sa balakang ko. “I'm sorry, I'm just tipsy don't worry.”

Pinunasan ko ang luhaan kong mukha, “Sobra ka na..” mahina ngunit may katigasang usal ko, mahina ko rin siyang itinulak para magkaroon ng distansya sa pagitan namin.

Subukan siyang mahalin? Para namang sinabi niyang subukan kong maging baliw.

Hindi siya sumagot, tanging pagtitig lang sa'kin ng mga malalamlam niyang mga mata ang ginawa niya.

“Demonyo ka, alam mo 'yun?” ani ko pa, “Tingin mo ba may magmamahal sa'yo sa ganyang lagay ng ugali mo? 'Yang mga babaeng naghahabol sa'yo ngayon? Kapag nalaman nila kung gaano ka kasama, paniguradong lalayuan ka nila. Lalayo sila sa'yo kasi siraulo ka.” dagdag ko pa, napatungo siya.

Humakbang ako palapit sa kanya, sunod ay itinaas ko ang palad ko at malakas siyang sinampal.

Wala siyang naging reaksyon at bahagya lang din na pumaling ang mukha niya. Hindi pa ako nakuntento at muli ulit siyang sinampal, hanggang sa umiiyak na pinaghahampas ko ang dibdib niya.

Hindi niya ako pinigilan, hanggang sa ako na rin ang kusang sumuko dahil sa pagod. Hinihingal na tiningnan ko siya, nakatungo parin. Parang bata na pinapagalitan ng ina.

“Subukang mahalin ka?” natatawang sabi ko. “Tanga lang ang gagawa niyan bwisit ka!” singhal ko at itinulak siya sa dibdib. “At ano? Biro lang na muntik mo na akong gahasain? Biro lang sa'yo 'yon? Tangina, takot na takot ako. Takot na takot, Zurich.” panay ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa galit.

Hindi ako pumiglas ng ikulong ako nito sa mga bisig niya. Patuloy parin ako sa pag-iyak.

“Pakiusap, Zurich. Usapang matino na, please.. Itigil na natin 'to. Hiwalayan mo na ako..” garalgal ang boses at halata na ang pagsuko sa boses na sambit ko.

Humigpit ang pagkakayakap nito sa'kin, “I'm sorry. But, I can't. You signed the contract saying that you will never leave me, fulfill it or kill me.”

Umaangat ang mga kamay ko, gumanti ako sa pagkakayakap sa kanya. Ang daya lang dahil alam niyang hindi ko kayang patayin siya ng walang uusig sa'king konsensiya.

Suminghot ako, “Mas lalo kitang pahihirapan. Yung tipong isusuka mo na 'ko, sisiguraduhin kong ikaw mismo ang maghahain sa'kin ng annulment paper.” seryosong usal ko at ibinaon sa dibdib niya ang mukha ko.

Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya, tumatawa siya. “That won't happen.”

Humiwalay ako sa kanya, pero ang mga braso niya ay nanatiling nakapalibot sa baiwang ko. “Mangyayari 'yan.” paniniguro ko.

Nagkibit-balikat siya. “And oh, your first love, Gael. He's in a hospital right now, particularly in ER, my car accidentally hit him.” kakaiba ang ngiting sabi nito.

“A-ano?” tila nabibinging natulala ako.


| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon