Chapter 39

3.7K 63 0
                                    

#DC | Chapter 39

Kinaumagahan ay bumungad sa 'kin sa kusina ang napakaraming pagkain sa lamesa, tila fiesta sa dami ng nakahain. Sa dulo rin ng lamesa ay nakaupo si Zurich na mukhang kanina pa ako hinihintay, ang sarap ng gising ko ngayon, lahat ng problema at galit na kinimkim ko ay parang magic na nawala.

Basta ang pagkakatanda ko ay maayos na kami, wala na akong dapat problemahin pa.

“Good morning, Wife.” tumayo siya at iginiya ako paupo sa katabi niyang upuan, “You look more gorgeous today.” puri niya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi.

“I-ikaw din..” utal kong puri pabalik, ewan ko ba pero nahihiya ako sa kaniya ngayon. Atsaka napansin ko rin na sobrang sweet niya, feeling ko tuloy ay may nasabi akong kakaiba kagabi para maging ganito siya ngayon.

“How's your sleep?” tanong niya pagkaupo, napansin ko rin na parang labas sa ilong ang tanong niyang iyon.

“Sobrang ayos. Pakiramdam ko 'yun na ang pinaka masarap kong tulog.” nakangiting sagot ko, naalala ko pa ang paggising ko kanina, though medyo sumakit ang ulo ko dahil malamang sa dami ng nainom ko kagabi.

Lumipat ang paningin niya sa plato na nasa harapan niya, “Good. But in case you forgot, tinulugan mo ako.”

Nangunot ang noo ko, “Huh?” tabi ba kami natulog kagabi?

Bumuga siya ng hangin, “Nothing. Just eat.” aniya at inunahan na ako sa pagsandok ng pagkain ko.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi, hindi ganoon kalinaw pero alam ko namang nagkaayos na kami. Kaya nga heto at sweet siya sa'kin at hinahayaan ko lang siya.

Ipinagsa-kibit-balikat ko nalang iyon.

“Ah, before I forgot, from now on we will have maids and cook. And,” sabi niya at saglit na may dinukot sa bulsa niya, “This.” tumayo siya para lang lumuhod sa gilid ko.

Agad na nanlaki ang mga mata ko, “Zurich..”

“I want you to be my wife not just in paper, but also in the eyes of God and everyone.” panimula niya bago buksan ang isang maliit na kahon, bumungad ang isang makinang na diamond ring sa harapan ko. “Marry me.” hindi patanong kundi pa-utos na aniya.

Natatawang nasapo ko ang bibig ko, nagsisimula na rin na manubig ang mga mata ko. This time, it's for real.

Handa na akong kalimutan ang mga pagkakamali niya, magfo-focus nalang ako sa kung ano ang meron kami ngayon. Katangahan man kung titingnan, nawala ang lahat sa akin dahil sa kaniya pero ang kapalit naman noon ay siya na ang magiging lahat sa akin.

Nasugatan ako ng dahil sa kaniya, pero siya rin naman ang gumamot ng sugat kong iyon.

Siguro nga hindi ko pa siya kilala ng lubusan, pero marami pa namang pagkakataon para makilala ko siya ng buong-buo.

“Sa isang kundisyon.” singhot ko, pumaling ang ulo niya na tila hinihintay ang kung anong kundisyon ko. “Huwag na huwag ka ng magsisinungaling sa 'kin, saka huwag ka na rin gagawa ng mga karumal-dumal na bagay.”

Tipid siyang ngumiti, “Okay..”

Mabilis ko siyang niyakap at agad rin namang humiwalay sa kaniya para ako na mismo ang magsuot sa sarili ko ng singsing.

Tunog hindi sincere ang sagot niya, pero alam ko namang pag-iisipan niya ang naging sagot niyang 'yon.


...


“Ma, Pa, bunso,” ngayon ay nakaharap ako sa puntod ng pamilya ko, “Alam ko pong galit kayo sa kaniya dahil siya ang nagpasunog ng bahay natin, pero kasi po, mahal ko siya. Mahal ko na siya, alam niyo naman pong pinilit ko ang sarili ko na hindi mahulog sa kaniya, pero bawat pagtingin ko sa maamong mukha niya ay wala na akong ibang magawa kundi paulit-ulit na mahulog.”

Huminga ako ng malalim, malapit na ang kasal namin ni Zurich at naisip ko nga na humingi muna ng tawad at basbas sa pamilya ko.

“Kada tulak ko palayo sa kaniya, siya namang paghabol ng puso ko sa kaniya. Siguro naman nasaksihan niyo d'yan sa langit kung paano ko pinigilan ang sarili ko na huwag magpauto sa mga malalambing niyang ngiti at salita.” ani ko pa habang inaalala ang napaka-gwapong ngiti ni Zurich.

Umihip ang malakas na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

“Senyales po ba iyon ng pagtutol niyo? Kung oo, isa pa po.” pagkausap ko sa kawalan, pero wala na iyong kasunod. “Siguro po senyales na iyon ng pagpayag niyo since hindi na nasundan.” paglabi ko. “Saka Ma, Pa, sa kangkungan ako pupulutin kung mahihiwalay pa ako sa kaniya. Tingnan niyo nga at wala akong trabaho, wala na rin akong kaibigan na malalapitan dahil malamang na kasama niyo na d'yan si Gael.”

“Nakakalungkot lang dahil hindi niyo ako masasamahan sa paglalakad sa simbahan, i-guide niyo nalang po ako mula d'yan sa langit. Sabihin niyo po kay Lord, pagpalain kami.”

Matapos ang ilang minuto ko roon ay umuwi na rin ako, at tulad nga ng sabi ni Zurich noon ay kumuha na siya ng mga katulong. Nasa lima lang ang kinuha niya dahil ayaw niya raw ng masyadong marami na palakad-lakad sa bahay.

“Ma'am, ibinilin po ni Sir na magpahinga kayo pag-uwi niyo.” salubong sa 'kin ni Bibi, siya ang madalas kong makita na naglilinis dito sa salas.

Tumango ako, “Kanina pa ba siya nakaalis?”

“Yung alis niyo po ay alis din ni Sir.”



...


Raid. Naisipan kong i-raid ang mga social media accounts ni Zurich, malas lang dahil dala niya ang cellphone niya. Balak ko pa namang tingnan kung nandoon pa yung mga dati nilang conversation ng kabit niya.

Alam ko namang matagal niya ng hiniwalayan yun, noong araw pa ng pagkawala ng baby ko. Pero kasi, wala lang gusto ko lang magselos. Gusto ko lang na magpasuyo sa kaniya at magpabebe.

Wala siyang ibang kinakausap sa mga SocMed accounts niya, bukod sa mga activities niya na nili-like ang mga bawat post ko ay wala ng iba pang nangyari sa mga account niya. Mukhang hindi niya naman ginagamit ang mga ito.

“Hays.” dumipa nalang ako sa ibabaw ng kama ko, wala akong magawa. Lalo pa akong walang magagawa ngayon dahil may mga katulong na para gumawa ng mga gawaing bahay, si Zurich naman ay nasa trabaho.

Kapag nagtagal ay baka mabaliw lang ako rito.

Lumabas ako at pumunta sa likod ng bahay, bukod sa swimming pool ay mayroon din ditong puno ng mangga, mga ilang metro rin ang layo noon sa pool.

Gagawa nalang ako ng duyan.


| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon