#DC | Chapter 4
Naiiyak na umupo ako at mabilis siyang itinulak.
“Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan!” puno ng hinanakit na sigaw ko sa harapan niya, “Loving me is a foolish idea? Ang kapal mo! Para sabihin ko sa'yo hindi ko ginusto kung ano man ang meron tayo ngayon!” lumuluha ng dagdag ko.
Binato ko siya ng unan.
“Wala akong sinabi na mahalin mo 'ko. Kung napapagod ka na, edi hiwalayan mo na 'ko! Maraming babae d'yan na nagkakandarapa sa'yo at willing maging asawa mo, kaya bakit ako?” hagulgol ko, tumiim lang ang titig niya sa'kin.
Tumayo ako at malakas na sinipa ang babasaging lamesita na nasa tabi niya, bumagsak iyon at nabasag, nagtapon rin ang lahat ng nasa ibabaw noon kasama na ang pagkain ko.
“Bakit kasi hindi ka pa magsawa sa'kin? Ano ka ba, martyr? Hindi marunong mapagod o magalit? Magalit ka naman sa'kin kahit isang oras lang tapos mag-file ka na ng annulment, kasi putangina gusto ko ng makalaya mula sa'yo!” tagaktak ang luhang hiyaw ko, nagwala pa ako. Ang sofa na inupuan ko kanina ay malakas kong sinipa at itinaob. “Miserable na ang buhay ko, ano pa bang gusto mo?!” baling ko sa kanya na ngayon ay nakatayo na.
Tikom ang bibig niya at malamlam ang mga mata na nakatingin sa'kin.
Nang makita ang malapit na vase ay hinablot ko iyon at ibinagsak sa sahig. “Hiwalayan mo na 'ko!”
Nagkalat ang mga bubog sa lapag, hindi pa ako nakuntento at ang flat screen TV naman ang ibinagsak ko.
“Pahihirapan lang kita. Wala kang mapapala sa'kin kundi paghihirap, kaya ngayon ilabas mo na 'yung marriage contract at ipawalang bisa na natin 'yan.” itinago niya kasi iyon.
Saglit siyang tumungo bago malalaki ang hakbang na nilapitan ako, “I'm sorry, wife.”
Mas lalo akong naiyak ng ikulong niya ako sa mga braso niya. “A-ayoko sa'yo..” piyok ang boses na sambit ko at pilit na hinahampas ang dibdib niya.
“I'm sorry..” pag-uulit niya.
Buong lakas ko siyang itinulak, “Sabing––”
Nanlaki ang mga mata ko ng mapasama ang pagkakatulak ko sa kanya, sa pag-atras ng mga paa niya ay may naapakan siyang kung ano na naging sanhi para madulas siya, bumagsak siya sa mabubog na sahig.
“Zurich!” takot na sigaw ko, natigil din sa pagtulo ang mga luha ko at mabilis siyang dinaluhan kahit pa mabubog ang sahig.
Walang sagot mula sa kanya, tinapik ko ang pisngi niya habang tinatawag ang pangalan niya pero wala parin.
Taranta kong kinuha ang telepono at tumawag sa baba, agad naman silang nagpa-akyat ng tulong.
Nanginginig ako sa kaba at takot, halos hindi ko na maramdaman ang bubog na tumusok sa mga paa ko kanina.
Namalayan ko nalang ang sarili na nakaupo sa labas ng ER, tulala habang iniisip ang pagwawala ko kanina.
Maling-mali ako.
Napaka laking pagkakamali ang nagawa ko kanina.
“Ma'm, ipagamot na po natin ang mga sugat sa paa niyo..” ani ng nakilala kong secretary ni Zurich, lalaki ito.
Naiiyak na tumango ako, “Pero ayos lang ba siya?” mahina ang boses na tanong ko.
Tipid lang itong ngumiti, “Sir Eian will be fine soon, Ma'm.” imbis ay sagot nito, muling nangilid ang mga luha ko. “Ipina-alam ko na rin po kay Mada'm ang nangyari, huwag na po kayong mag-alala.”
“M-mada'm?”
“Yes, ma'm. Sir Eian's mother. Kasalukuyan na po silang nasa flight papunta dito.” anito at bahagyang tumungo.
Umawang ang bibig ko. Pupunta sila?
“Ma'm, let's go. Kailangan na pong maagapan ang mga sugat niyo..” giya niya sa'kin papunta sa kung saan, wala sa sariling sumunod nalang ako.
***
Umaga na ng mailipat sa isang private room si Zurich, walang malay at may benda sa ulo. May ilan rin siyang sugat sa katawan dahil sa bubog na nahigaan.
Ang sabi ng doctor ay ayos na siya, masuwerte parin daw at hindi napuruhan. Hintayin nalang daw ang paggising niya.
Mariin ang pagkakakagat sa labing naupo ako sa upuang katabi ng hinihigaan niya, kinuha ko ang isa niyang palad at dinala iyon sa pisngi ko.
Dinama ko iyon habang nakatingin sa mukha niya, napaka-amo nito.
Iniisip ko kung ano ba ang nakita niya sa'kin at ginagawa niya ang lahat ng ito, kung bakit hindi siya magalit o mapagod man lang sa'kin. Kasi ako, napapagod na ako sa pagtatago sa ganitong ugali.
Para pigilin ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko ay mariin ko nalang na ipinikit ang mga mata ko.
Akma kong hahaplusin ang pisngi niya ng biglang magbukas ang pinto, mabilis akong napalingon do'n.
“Jusko, anak!” mabilis na lumapit rito ang nakilala kong ina ni Zurich. Hindi ako nito napansin at agad na dinaluhan ang anak.
“Oh my god..” puno ng takot ang mukha ng babaeng sunod na pumasok, ang artista/model na kapatid ni Zurich–– si Zafara Aera.
Ang ganda niya sa personal.
Nang walang makuhang sagot mula sa walang malay na si Zurich ay saka lang nila ako nabigyan ng pansin.
“Miss?” ani ng nanay niya. Mabilis akong kinain ng kaba ng makita ang pag-arko ng kilay nito.
“A-ako po si G-gwyneth..” utal na pakilala ko, mas lalong tumaas ang pagkaka-arko ng isang kilay nito, tila inaalam kung ano ako sa buhay ng anak nila. Napatungo ako. “K-kaibigan niya po..”
“Oh, okay. Anong nangyari sa anak ko?” nang muli akong mag-angat ng paningin sa kanya ay hindi na mataray ang ekspresyon ng mukha niya, bumalik ito sa pag-aalala para sa anak niya.
Napalunok ako at hindi agad nakasagot.
“Daniel said, aksidente daw na may tumulak kay Kuya..” singit naman ni Zafara, pumwesto ito sa tabi ko na halos ika-bato ko. Binalingan niya ako at matamis na nginitian, “Hi, I'm Aera.” pakilala nito at ini-abot pa sa'kin ang palad.
Nangangatal ang labing tinanggap ko iyon, “G-g-gwyn..”
Na-guilty ako, paano kaya kapag nalaman nilang ako ang may gawa kung bakit naka-confine ngayon si Zurich? Malamang na sampal at sabunot ang matatanggap ko at hindi matamis na ngiti.
“Kapag nalaman ko kung sino ang may gawa nito kay kuya, I will slap him or her face for so many times. Ipu-push ko rin siya para ma-doctor siya!” anito ng mabawi ang kamay.
Para naman akong malalagutan ng hininga.
“Tumigil ka, Zafara.” suway ng mama niya at ako naman ang binalingan. “Thank you sa pagbabantay sa kanya..” mabining ngiti nito na sinuklian ko ng pilit na tango.
“M-mag-ccr lang po ako..” paalam ko at agad ng lumabas. Nanlalamig ang mga kamay ko.
Kapag nagising na si Zurich, sasabihin niya kaya ang totoo? Magagalit kaya siya sa'kin dahil sumobra na ako?
Sana nga, para makipaghiwalay na siya sa'kin. Alam ko naman kasing hindi namin deserve ang isa't-isa, magkakasakitan lang kami..
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky