#DC | Chapter 8
Alas-otso ng umaga ng makarinig ako ng tatlong sunod-sunod na katok mula sa harapang pinto, kasalukuyan akong nanonood ng TV habang kumakain ng cup noodles na siyang gawain ko araw-araw.
Wala si Zurich mula kaninang paggising ko kaya tingin ko'y umalis ito kagabi palang, nasaktan ata dahil sa mga sinabi ko.
Buti nga.
Napipilitang inilapag ko sa lamesita ang hawak kong cup noodles bago tumayo at tinungon ang pinto.
Sumilip muna ako sa peep hole, nakita ko ang isang babae roon na nakatayong nag-aabang.
Bahagya akong nagulat ng muli nitong katukin ang pinto.
Nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ba? Baka kasi pres ang isang 'to o chismosa, malaman pa ang tungkol sa'kin.
Nang mairita sa paulit-ulit nitong pagkatok ay napagpasyahan ko nalang na pagbuksan ito, magpapanggap nalang akong pinsan.
“Yes?” tipid ang ngiting bungad ko kahit gusto ko na siyang simangutan at irapan.
“Ah, hello! Nand'yan ba si Eian? Bahay niya 'to 'diba?” magkasunod na tanong nito at saglit pang sinilip ang hawak na cellphone.
Tumango ako, “Ang kaso wala siya dito eh. Isang taon na ngang hindi umuuwi.” kunwari ay malungkot kong sambit.
Napamaang naman ito, “G-gano'n ba? House keeper ka ba nitong bahay niya?”
Blangko ko siyang tiningnan, mukha ba akong house keeper lang? Sa itsura kong 'to?
“Hindi eh, pinsan niya 'ko. Ikaw?” puno ng anghang na sambit ko. Kahit ang maging pinsan ng demonyong 'yon ay hindi ko matitiis!
“Ah, ako si Sunshine!” pakilala nito at inilahad pa ang palad sa harapan ko, tinitigan ko lang 'yon.
“Ok. Wala siya dito eh, text mo nalang.” peke ang ngiting muli ko siyang pinagsarhan ng pinto, napa-irap ako. Istorbo.
Akma palang akong hahakbang pabalik sa Salas ng muli na naman itong kumatok.
Kuyom ang pangang muli akong bumalik, maliit kong binuksan ang pinto.
“Pwede maki-text? Wala akong load eh..” pilit ang tawang sabi niya.
Sinimangutan ko siya, “Wala akong phone eh, sorry.” matabang na sagot ko.
Lumabi ito sanhi para mas lalo akong maasar, “Sabi mo pinsan ka niya, edi sure na mayaman ka rin. Sige na, beh. Isang text lang.” isinenyas pa nito ang hintuturo.
“Ano ka ba niya, huh? At anong kailangan mo sa kaniya?” hindi ko na napigilang mag-sungit.
Napakamot ito sa batok, bahagya ring namula. “Ok, sige. Tutal pinsan ka naman niya, sa'yo ko nalang sasabihin.” huminga ito ng malalim bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “Ako ang mysterious wife niya.”
Isinalpak ko ang pintuan pasara sa mukha niya, ini-lock ko rin 'yon bago naglakad pabalik sa Salas.
Ka-letchehan.
...
Nang maka-uwi si Zurich ay nagbihis lang ito ng pambahay bago tumungo sa kusina para magtimpla ng kape.
Ako naman ay sumunod sa kanya dahil balak kong sabihin ang tungkol sa babaeng nagpunta rito kanina at hinahanap siya.
“Sa susunod nga, kung magbibigay ka ng address d'yan sa mga babae mo, huwag na ang address na 'to. Marami ka namang bahay, 'yung mga 'yun na ang ibigay mo. Hindi yung personal pa silang pupunta dito para hanapin ka sa'kin.” sabi ko pagpasok ko sa kusina.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa na tila walang narinig.
Pumwesto ako sa gilid niya, “May nagpunta dito kanina, Sunshine daw ang pangalan. Hinahanap ka!” hiyaw ko, pero hindi parin ako nito pinansin.
Sa sobrang inis ko ay inagaw ko sa kanya ang mug na pinagtitimplahan niya ng kape, hinagis ko iyon at hinayaang mabasag sa sahig.
“Napaka-bingi!” asar na singhal ko pa bago nagmartsa palabas ng kusina.
Paakyat na ako sa hagdan ng mahagip ng mata ko ang bagong vase na kapalit nung binasag ko nitong nakaraan, hinagip ko rin iyon at hinayaang malaglag sa lapag bago ako nagpatuloy sa pag-akyat hanggang sa marating ko ang kwarto ko.
Kinuha ko nalang ang laptop ko at nag-facebook.
Bumungad sa'kin ang tatlong friend request at ilang notification.
Tiningnan ko kung sino ang nag-add sa'kin, napa-wow naman ako ng mapag-sino ito.
Si Gael!
Mabilis ko itong in-accept at chinat, sakto namang online siya.
Typing na siya ng makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko, hindi ko iyon pinansin at inabangan nalang ang mensahe ni Gael.
“Hi.” aniya. Napangiti ako.
“Helloooo.” reply ko rito, mabilis din naman siyang sumagot.
“Skype?” aniya, napaupo ako. Sakto ring pagkulo ng tiyan ko, cup noodles lang kasi ang laman ng tiyan ko mula pa kaninang umaga.
“Sige. Magluluto ako ng hapunan ko, then watch meeee!” excited na sabi ko at agad na lumundag pababa sa kama ko, kinuha ko rin ang laptop at nakapaang binitbit ito papasok sa kusina.
Linis na ang sahig at wala na ring bubog.
Ipinatong ko ang laptop sa ibabaw ng lamesa habang binubuksan ang skype, in-add ko yung username na sinabi niya sa'kin at minuto nga lang ay bumungad na sa'kin ang gwapo nitong mukha.
Oh, ang gwapo niya talaga!
“Anong lulutuin mo?” nakataas ang isang kilay na tanong niya, sinisilip niya rin ang kusina sa likuran ko.
“My favorite.” malaki ang ngiting sabi ko.
“Sinigang.” aniya na agad kong tinanguan.
“Nakuha mo.” hagikgik ko at nagsimula ng i-prepare ang mga sangkap na gagamitin ko. Humigit din ako ng kalahating manok sa ref.
“I wish I can taste your sinigang again.” komento ni Gael, saglit ko siyang nilingon.
“Mas masarap ka kayang magluto sa'kin.” imbis ay sagot ko, daig niya naman talaga ako pagdating sa pagluluto ng paborito ko.
Kibit-balikat na tumawa lang ito.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto at humahalimuyak na ang amoy ng niluluto kong ulam ng pumasok sa pinto si Zurich.
Mahina itong tumikhim habang nakatingin sa ginagawa ko, mukha pang gulat na gulat ang demonyito.
“You're with someone?” boses naman ni Gael ang nagpalingon sa'kin sa laptop.
Pilit akong ngumiti. “Alagang aso ko 'yon, natigakan sa kinaing buto.”
Saglit akong tumalikod para patayin ang kalan at gas stove, sa muli kong pagharap ay nasa likuran na ng laptop ko si Zurich.
Napamaang ako sa ka-seryosohan ng mukha nito, tikom na tikom din ang bibig. Hindi siya kita ni Gael dahil sa'kin nakaharap ang laptop.
“Are you alright?” tanong ni Gael, nahihiwagaan sa ekspresyon ng mukha ko.
“A-ah, oo. 'Yung aso ko kasi biglang––AH!” napatili ako ng walang salitang binuhat ni Zurich ang laptop ko at malakas na ihagis sa pader.
Wasak itong bumagsak sa sahig kasabay ng pagtalikod niya at paglabas sa kusina.
|itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky