#DC | Chapter 19
“What are you feeling today?” tanong ni Zurich habang kaharap ang laptop niya, ginagawa niya ata ang trabaho niya online. Nandito kasi kami sa Salas, nakaupo siya sa sahig at kaharap nga niya ang laptop niya na nakapatong sa lamesita.
Pinakiramdaman ko ang sarili, wala naman akong ibang nararamdaman bukod sa pagka-buryo. Nanonood lang ako ng TV at nag-iisip kung paano siya matatakasan.
“Wala..” sagot ko, nilingon niya ako.
“You don't feel dizzy or what? Any signs that you're pregnant?”
Muntik na akong mapangisi dahil sa tono niya ay mukhang umaasa siya na naka-jackpot na siya, buti ay napigilan ko sa pamamagitan ng pag-ayos ng upo. Pag'kwan ay marahan akong umiling, “Wala talaga.”
Bumuga siya ng hangin bago nagsimulang lumapit sa'kin, nanlalaki naman ang mga matang mabilis akong napalayo, umatras ako sa armrest.
“A-anong gagawin mo?” utal na tanong ko.
Nangunot ang noo niya, “I'm just going to hug you..”
Kumurap ako at medyo kumalma, ang akala ko'y kung ano na naman eh. Tuluyan na siyang sumampa sa sofa at lumapit sa'kin, marahan niya akong ikinulong sa mga bisig niya at tinaniman ako ng maliliit na halik sa ulo.
“We have to work hard.” usal niya at itinaas ang baba ko, nasalubong ko ang seryoso at malalim nitong mga mata. “Right?” tanong niya, pilit akong sumang-ayon kahit na nagmumura na ang lahat ng litid ko sa katawan.
“U-uhum.” ngiti ko at bahagyang tumango. Mabuti nalang talaga at nag-research ako para hindi agad mabuntis after ng pagtatalik, siguro nakatulong ang mga iyon kaya hanggang ngayon ay wala pang lamang bata itong sinapupunan ko.
Mabilis niya akong hinalikan, “I think, we have to do it every three hours.”
“Ha?” maang na sambit ko, biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng maisip na kada tatlong oras ay magse-sex kami. Talagang mabubuntis na ako no'n!
Tipid siyang natawa, “Just kidding.”
Kulang nalang ay maiyak ako habang tumatawa, marunong pala siya magbiro. Nakaka-kaba ang biro niya, sana huwag na ulitin.
“Joker ka pala asawa ko..” sambit ko at mahina pa siyang hinampas sa braso.
“Yeah. Three hours is too long, so we have to do it in every two hours.” anas niya at mabilis din na itinikom ang bibig ng makita ang reaksyon ko.
Tila ako pinagkaitan ng kaligayahan ng tadhana.
Naiiling nitong pinigil ang pagtawa, “Kidding again.” aniya at malulutong ang tawang bumalik sa harapan ng laptop niya.
...
Pagkatapos niyang gawin ang gawain niya kanina sa harap ng laptop ay pumasok siya sa kusina para magluto ng aming tanghalian, ako naman ay mabilis na umakyat sa kwarto para balikan ang bag ko kanina. Kailangan ko itong itago!
Inilagay ko iyon sa kasuluksulukan ng cabinet ko at tinakpan ng ilan pang damit bago isara ang pinto, saka lang ako muling bumaba para puntahan siya sa kusina.
“Asawa ko, ayoko sa mga guard natin sa labas.” pagsusumbong ko rito at niyakap siya mula sa likuran, naramdaman ko ang saglit niyang paninigas bago nagpatuloy sa pagluluto.
“And why is that?” aniya na nababahiran ng ngiti ang tono.
Saglit akong nag-isip ng dahilan, hindi puwedeng sabihin ko na sinisita ako ng mga ito, at mas lalong hindi puwede ang sagot na hindi ko nauuto ang mga iyon. “Eh kasi, tulugin sila at tamad. Paano nalang kapag pinasok ng masasamang loob itong bahay natin tapos wala ka? Sinong magtatanggol sa'kin?” mabini kong sabi at inamoy-amoy siya sanhi para gumalaw ang muscle niya sa likuran, nakikiliti ata siya.
Tumikhim ito bago nagsalita, “Alright. Later I'll move them in our rest house.”
Umikot ang bilog ng mga mata ko, alam kong kasamaan itong ginagawa ko pero kasi sagabal sila sa plano ko. Isa pa'y hindi naman sila natanggalan ng trabaho, ililipat lang sila kaya wala parin akong nagagawang mali sa kanila.
“Hm-uhm.. Hindi ka pa ba tapos d'yan?” mahina kong tanong sa kanya, marahan ko ring hinihimas ang matigas nitong tiyan habang nakayakap parin ako mula sa likuran niya.
Saglit itong natigilan bago mabilis na pinatay ang stove at hinarap ako, sinakop niya ang labi ko at iginiya ako padiin sa lamesa, iniupo niya ako doon habang siya'y nasa pagitan ng aking mga hita. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa mata niya, wala akong mabasa doon hanggang sa ipikit niya iyon at laliman pa ang paghalik sa'kin.
Nataranta ako at nawala sa huwisyo, pinilit ko siyang itulak palayo sa'kin ngunit wala lang din nangyari.
“Z-Zurich..” usal ko ng bumaba ang halik niya sa gilid ng leeg ko. Ang dalawang kamay niya ay nakatuon sa lamesa sa magkabilang gilid ko.
Napapikit ako ng sipsipin niya ang leeg ko, ang isa niyang kamay ay nagsimula ng gumapang sa katawan ko. Mula sa tuhod ay marahan itong umakyat hanggang sa marating ang laylayan ng suot kong damit, ipinasok niya ang kamay niya roon at salitang hinimas at pinisil ang baiwang ko.
Nakagat ko ang labi ko at muling iminulat ang mga mata, pagk'wan ay sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko pababa sa batok at balikat niya. Inilapit ko ang labi ko sa tainga niya at mahinang bumulong, “Gutom na 'ko..”
Tumigil ito at bahagyang lumayo sa akin, mariin siyang pumikit saka ako tinalikuran at muling binuksan ang stove para ipagpatuloy ang pagluluto.
Phew, muntikan na. Nalalambot akong bumaba sa lamesa.
“Don't do that again or I'll screw you right away.” mahina ang boses na sabi niya habang nakatalikod sa'kin. Walang boses akong natawa, tunay ngang malakas ang epekto ko sa kanya, pero kung ipagpapatuloy ko iyon ay ako lang din ang kawawa. Pero kasi ang sarap niya ring tuksuhin.
Inayos ko ang sarili bago lulugo-lugong muling lumapit sa kanya, bahagya akong yumuko at idiniin sa likod niya ang ulo ko na para bang isa akong toro na handa na siyang suwagin.
“What are you doing?” tanong niya ngunit hindi naman gumalaw.
Bumungisngis ako. “I don't know. Ang alam ko lang ay gusto kong dumikit sa'yo.”
“You're starting to be a crazy woman, wife.” anas nito. “And I like that.” dagdag niya.
“Ikaw rin naman baliw.” seryosong sabi ko at nanatili sa ganoong posisyon, nakatitig din ako sa sahig. Baliw naman talaga siya eh, martyr at masochist pa. Hamakin mo ba namang pagtiisan ako.
“Yeah, and I don't give a damn.” simpleng sagot niya bago bumalot ang katahimikan sa pagitan namin.
Napabuga nalang ako ng hangin.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky