#DC | Chapter 7
“So, how's life?” nag-angat ng tingin sa'kin si Gael matapos uminom. Kasalukuyan na kaming kumakain ng magbukas siya ng panibagong usapan.
Nagkibit-balikat ako, “Ayos lang.” sagot ko kahit alam ko naman sa sarili ko na walang ayos sa nangyayari sa buhay ko ngayon.
Napatango siya at muling sinuri ang kaanyuan ko, “You've changed, a lot.”
Napatungo ako sa pagkain ko, hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko ang kumalat noong balita nang mawala ako. Ang akala ng lahat ay sumama ako sa isang mayaman at matandang lalaki para mai-ahon ang sarili sa kahirapan, tingin ko rin ay 'yun ang pinaniwalaan ni Gael.
“Kumusta.. buhay may-asawa?” sunod na tanong niya, mula sa natural na boses ay bumaba iyon ng banggitin ang huling sinabi.
Muli akong nagkibit-balikat, “Hindi kami maayos.” pagsasabi ko ng totoo, bigla ay naalala ko ang malungkot na mukha ni Zurich na agad ko ring pinalis sa isipan ko.
“What do you mean?” tinapos niya ang pagkain at salikop ang mga palad na maayos akong hinarap.
“Balak kong makipag-hiwalay na..” sabi ko pagtapos ay uminom na ng tubig, akmang liligpitin ko ang pinagkainan ko nang pigilan niya ako, sumenyas siya na bumalik ako sa pagkakaupo ko.
“Bakit naman? I mean, sorry for asking but.. curious lang ako..” pilit ang ngiting aniya, hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.
“Uhm,” gumala ang mga mata ko, tila hinahanap ang kasagutan sa paligid. “Kasi..”
Sumandal siya sa inuupuan, “Sorry for asking.” bigla ay bawi niya, tumayo siya at nagsimula ng ligpitin ang pinagkainan namin.
“I'm sorry, Gael..” mahinang sambit ko at tinulungan siya, ako na ang nagpunas ng lamesa.
“It's ok, Gwyn. Hintayin mo nalang ako sa Salas.” pag-agaw niya sa'kin ng pamunas, kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili sa muling pagbabadya ng mga luha ko.
Naiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan, ang bigat din ng dibdib ko at parang gusto kong sumigaw. Ah, nakasanayan ko na nga pala ang magwala sa tuwing naiinis at nagagalit ako.
Nang muli niya akong lingunin ay nakangiti na siya, “Go, Gwyn. Sa Salas ka na.”
Tipid akong tumango bago pumihit paharap sa pinto ng kusina, lumabas ako at bumalik sa Salas, saktong pag-upo ko roon ng maramdaman ko ang pagv-vibrate ng cellphone ko.
Kinuha ko iyon mula sa bag ko at tiningnan ang caller ID.
“Zurich..” mahinang pagbasa ko sa pangalan nito.
Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko at hindi 'yon sinagot, pinili ko rin na i-power off nalang ito bago ibalik sa loob ng bag ko.
Aalis-alis tapos ngayon tatawag siya? Manigas siya, tss.
Nang bumalik si Gael sa Salas ay hawak na nito ang sariling cellphone habang gusot na gusot ang gwapong mukha.
“May problema ba?” tanong ko.
Bahagya nitong inangat ang cellphone, “Work. Kailangan ako sa opisina..” sagot niya.
Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin, “Ok lang, paalis na rin naman ako.” ngiti ko at kinuha ang bag ko bago tumayo. “Gagabihin na rin kasi 'ko sa byahe.” dagdag ko pa kahit na ang totoo'y gusto kong yayain niya kong magpalipas ng gabi dito.
Nilapitan niya ako ng tuluyan na akong makatayo, titingalain ko palang siya ng higitin niya ko sa baiwang para yakapin.
Umawang ang bibig ko sa gulat.
“Sorry..” usal niya, tumango ako at gumanti nalang ng yakap sa niya.
...
Alas-nueve na ng gabi ng makauwi ako, kung ano ang itsura ng bahay noong umalis ako ay gano'n parin ng dumating ako.
Ang basag na vase ay nakakalat parin sa sahig, ang TV ay naiwan ko palang bukas.
Oo nga pala at hindi uuwi si Zurich.
Pagkasara ko ng pinto ay siyang paghubad ko sa suot kong takong, nang madaanan naman ang sofa ay basta ko nalang inihagis ang bag ko roon, dumiretso ako sa kusina.
Naglabas ako ng tatlong bote ng alak at dinala yon sa Salas, naupo ako roon at inilapag sa lamesita ang mga dala ko.
Naghanap ako ng magandang papanoorin bago kumportableng naupo at uminom ng alak.
Magpapakalasing ako hanggang sa makatulog ako.
“Where have you been?”
Muntik na akong mapatalon at mabulunan sa alak na tinutungga ko ng dahil sa gulat nang marinig ang baritono at seryosong boses ni Zurich, mabilis akong napatingin sa taas ng hagdanan kung saan nanggaling ang boses nito.
Natagpuan ko siyang nakapamulsa sa suot nitong itim na sweatpants, wala itong pang-itaas at basa pa ang magulong buhok.
Napamaang ako ng masalubong ang malamig na mga mata nito.
Akala ko ba hindi siya uuwi?
Napa-ayos ako ng upo. “A-anong sinasabi mo d'yan..” utal na sagot ko, gulat parin.
Kung ganoon ay naririto pala siya, eh bakit hindi niya nilinis yung ikinalat ko? At itong telebisyon, bakit hindi niya pinatay? At yung dapat ay kakainin ko ngayong hapunan, nasaan?
“Tss.” bahaw na tumawa ito habang humahakbang pababa.
Bigla ay nagbalik sa'king isipan ang pag-iwan nito sa'kin kaninang umaga ng wala man lang kahit anong nilulutong pagkain.
Umirap ako. “Wala kang pakielam.” ismid ko at muling bumalik sa pwesto ko kanina, tumungga ako sa boteng hawak ko.
As if naman hindi niya alam kung saan ako pumunta.
“Answer me, where have you been?” matigas ang boses na tanong nito ng tuluyan ng makalapit sa'kin.
Hindi ko siya pinansin.
Napasinghap nalang ako ng bigla nitong agawin ang bote ng alak na hawak ko.
“A-ano ba!” kunot noong tiningala ko ito.
Tumiim ang bagang nito matapos ilapag ang bote sa lamesita, “You didn't answer any of my calls.”
“Eh sa ayoko eh,” singhal ko at sinubukang abutin ang bote, ngunit hindi pa man ako nangangalahati sa pag-abot rito ng higitin niya ako at isandig sa sandalan ng sofa.
Pumantay siya sa'kin at madilim ang mukhang tinitigan ako gamit ang abo nitong mga mata, “Don't test my patience, Gwyn. What did you do in Palawan? May kinita ka ba?” halos hindi na bumuka ang mga labing tanong niya.
Matagal ko siyang tinitigan bago mahinang tinawanan, bahagya naman siyang napalayo.
Nakakatawa lang kasi kung anong lamig niya sa'kin nitong nakaraan, siya namang pag-iinit niya sa'kin ngayong lumabas ako ng bahay.
Nasaan na 'yung cold treatment niya?
Hinawi ko siya, tumayo ako at hinablot ang bote ng alak na kanina ay iniinom ko. Pumihit ako papunta sa hagdanan habang patuloy parin sa mahinang pagtawa.
Nang marating ang unang palapag ng hagdan ay saglit ko siyang nilingon, pinapanood niya ako.
Matamis akong ngumiti, “I visit Gael, my first love.” 'yun lang bago humahalakhak na nagpatuloy ako sa pag-akyat pataas sa hagdan.
|itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky