Chapter 31

3.2K 67 0
                                    

#DC | Chapter 31


Mugto ang mga mata ko at nanghihina ang katawan ko, wala akong ayos na tulog at kakaunti lang din ang nakain ko. Wala akong gana pero ramdam ko naman ang gutom, ang sakit ng katawan ko, sumasabay pa sa sakit na nararamdaman ko.

Kamamatay lang ng pamilya ko nitong nakaraang buwan, gusto ko man silang makita kahit sa huling pagkakataon ay hindi ko magawa. Hindi niya ako pinapayagan kahit lumabas man lang.

Miss ko na si Mama at si Papa, pati ang bunso kong kapatid na si Ello. Namatay sila dahil sa sunog, sunog na nilikha ng baliw na taong iyon. Demonyo siya at walang kapatawaran ang ginawa niya kahit sabihin niya pang hindi niya ginusto iyon, kahit pa pinatay niya ang tauhan niya na sinasabi niyang totoong may sala.

Tanga lang ang maniniwala sa kaniya.

“Gwyn.”

Awtomatikong nakuyom ko ang mga palad ko ng marinig ang baritonong boses niya, kasunod ang pagbukas ng pintuan nitong silid na kinalalagyan ko, pumasok mula roon ang demonyong sumira at patuloy na sisira sa buhay ko.

“You didn't eat anything..” aniya, kasunod naman noon ay naramdaman ko ang matinding gutom.

Hindi ako umimik at nagtalakbong lang ng kumot, tumalikod ako sa gawi niya at mariing ipinikit ang mga mata ko. Hanggang sa muli kong narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto, hindi ko na ramdam ang madilim na presensya niya senyales na lumabas na siya.

Kinahapunan ng muli niya akong balikan sa kwarto, walang kahit anong salita na binuhat niya ako at kahit gusto ko mang magpumiglas ay tanging pagtingin ng masama lang sa kaniya ang nagawa ko. Wala akong lakas para pagsasampalin siya at itulak palayo sa'kin kaya sa huli ay tinitigan ko nalang siya ng masama hanggang sa maiupo niya ako sa upuan dito sa kusina.

Maraming pagkain ang nakahain sa lamesa, sa harapan ko. Pero hindi ako sumubok na kumilos para kumuha ng pagkain para sa sarili ko, hangga't kaya ko ay magmamatigas ako.

“You need to eat.” matigas na sambit niya, tingin ko ay mababa lang ang pasensya niya at pinagtitimpian niya lang ako. Pero anong pakielam ko? Wala akong pakielam sa kaniya kahit pa gumulong siya d'yan sa inis.

Iniiwas ko lang ang mukha ko sa mga pagkaing nakahanda.

“Damn it!”

Nagulat ako dahil sa ginawa niyang pagsigaw at paghampas sa lamesa, mabilis akong napatingin sa kaniya para lang makita ang madilim niyang mukha.

“What a pain..” mahinang sambit niya at mabilis na lumabas ng kusina. Huli ko pa siyang sinilip kung talagang wala na siya bago ako kumuha ng pagkain, hindi ko ginamit ang pinggan na inihanda niya at tanging ang kamay ko lang ang ginamit ko sa pagkain. Ang kuha ko rin ay yung hindi mapapansin, para akalain niya na hindi ako kumain.

Kahit ang pag-inom ko ng malamig na tubig na nasa gilid ko lang ay idiniretsa ko na sa pitchel, hindi ako gumamit ng baso.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagkain ng hindi napapansin ang bawat pagkurot ko, ang sarap nito tulad lang din ng mga nauna kong pagkain. Kung wala nga lang ako sa sitwasyong ito ay baka naubos ko ito, pero hindi, hindi ko iyon gagawin kundi ay mawawalan ako ng pride.

At isa pa, baka isipin niya na nagustuhan ko ang luto niya kaya ako nagpapakapatay-gutom dito.

“Hah!” napasapo ako sa ulo ko ng bigla akong makaramdam ng hilo, tila rin hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Ang bilis ng kabog ng puso ko, medyo nagdilim rin ang paningin ko.

“Finally..” boses niya iyon na tingin ko ay kapapasok lang ng kusina, gamit ang nanlalabong paningin ay sinulyapan ko siya.

Wala sa huwisyong nginitian ko siya at magaang kinawayan pagtapos noon ay tila umikot ang paningin ko, putol-putol at hindi maayos na magkakadugsong ang mga nangyayari sa paligid ko.

“Can you tell me what type of guy do you want?” bigla ay nasa harapan ko na siya, malaki ang ngiti habang nilalaro sa kamay ang isang ballpen, sa ibaba niya rin ay may papel. Kung ganoon ay nakaupo parin ako sa lamesang ito.

“Ang gusto ko... Mabait.. Maalaga.. Kaya akong protektahan... Pero hinding.. hindi ako... sasaktan..” rinig ko sa sarili kong boses, hindi ako makapaniwala na sinagot ko ang tanong niya. Ngayon ay alam ko ng wala ako sa sarili. Tumango siya at sumenyas na magpatuloy ako, sumubsob ako sa lamesa ngunit ang mga nanlalabo kong mga mata ay nakatutok parin sa kaniya. “..ang gusto ko ay yung.. hindi mapapagod sa akin... kahit pa mahirap akong intindihin..” sinapo ko ang ulo gamit ang dalawa kong kamay at parang baliw na humagikgik. “..at gusto ko... sa akin.. lang siya.”

Muling umikot ang paningin ko, sunod ko nalang na namalayan ay hawak ko na ang ballpen na kanina'y nilalaro niya. At ang papel, nasa harapan ko na ito at may mga nakasulat rin dito na hindi ko lubos na mabasa.

“Sign it.”

Nagising akong mabigat ang pakiramdam, mabilis din ang paghinga ko na akala mo tumakbo ako ng kilo-kilometrong layo.

Panaginip. Napanaginipan ko ang mga nangyari noon..

Bumalikwas ako ng bangon at mabilis na tinungo ang walk-in closet ni Zurich, hinanap ko iyon at agad na binuksan, alam ko na ang passcode kaya naging madali na iyon. Sunod ay hinanap ko ang papel, ang kontrata namin na pinapirmahan niya sa akin noon.

Nakita ko 'yon noon dito ng kumuha ako ng pera, nasaan na iyon?

Kunot noong inisa-isa ko ang mga papeles na kasama ng patong-patong na pera doon, karamihan dito ay mga bank reports at titulo ng lupa––

Natigil ako sa patuloy na paghahanap ng may makakuha sa atensyon ko, ang titulong ito. Ang papeles na hawak ko ngayon ay titulo ng bahay namin noon!

Kasunod nito ay agreement paper, papeles na nagpapatunay ng kasunduan ng paglilipat ng lupa namin sa pangalan ni Zurich.

Napaupo ako habang binabasa ang papel, nakalagay dito na naibenta na ang lupa namin three years ago, bago ko pa man makilala sa exhibit si Zurich at bago pa man masunog ang bahay namin. Nakilala ko rin ang pirma ni Papa sa ibabaw ng pangalan niya, patunay lang na payag siya sa pangyayaring ito.

Naibaba ko ang papel na hawak ko at hindi makapaniwalang napatitig sa safe, hindi na sa amin ang inakala kong pag-aari namin noon. Kung tutuusin nga ay pwede na kaming palayasin ni Zurich noon dahil kaniya na iyon, pero hindi niya ginawa. Nabili niya ang lupa namin noon sa halagang dalawang milyon, kaya pala pakiramdam ko noon ay parang biglang yaman kami. Tapos nabayaran rin ang malaking utang namin sa ospital ng ma-operahan si Ello sa binti, nabalian kasi ang kapatid kong iyon kaka-basketball.

Malungkot akong napangiti, kung nagawa niya iyon sa amin, possibleng nagsasabi rin siya ng totoo ng sabihin niyang hindi siya ang nag-utos na ipasunog ang bahay namin. Hindi siya magsisinungaling sa'kin dahil mahal niya ako, napaka-tanga ko.

Akma ko ng ibabalik ang mga papel na hawak ko ng may mapansing papel na nakausli sa ilalim mismo ng safe. Tuluyan ko ng ibinalik sa loob ang mga papeles na hawak ko bago bahagyang iniangat ang safe para kunin ang papel na nakita ko.

Matagal kong tinitigan ang papel ng mapagtantong ito na ang kontrata na pinirmahan ko noon.

Bumalik ako sa pagkakaupo at muling binasa ang nakasulat sa papel.


| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon