Chapter 28

3.2K 74 2
                                    

#DC | Chapter 28


Sunday. Naisipan kong mag-grocery dahil tila may hinahanap akong pagkain na hindi ko malaman kung ano, may gusto akong kainin ngunit hindi ko matukoy. Ang gulo ng paglilihi ko.

“Kaya ko naman mag-isa, bakit sumama ka pa? Dapat pumasok ka nalang sa trabaho.” pagalit ko kay Zurich na nakasunod sa'kin papasok sa supermarket, mula palang ng paalis kami ng bahay ay ito na ang sinasabi ko sa kaniya.

“I already told you, I won't let you do it yourself. Paano kung mapahamak ka? You're pregnant, in case you forgot.” mahinahong sagot niya.

Kinunutan ko siya ng noo, “Nasa tiyan ko lang ang anak ko, paano ko makakalimutan 'yon aber?”

Our child. May naiambag ako sa pagbuo sa anak natin.” pagdidiin niya, napabuga nalang ako ng hangin at napairap bago tuluyang makapasok sa loob.

Akma palang akong kukuha ng push cart ng agawin sa'kin iyon ni Zurich.

“I'll take this.” aniya at sinenyasan akong magsimula na sa pagkuha ng mga bibilhin. Inignora ko nalang siya at sinimulan na nga ang pagdampot ng mga natitipuhan kong kunin.

“Ah, asawa ko, kumuha ka ng apple at grapes sa fruits and vegetables section. Damihan mo.” sabi ko sa kaniya ng hindi siya nililingon, busy ako sa pagtingin sa mga biscuit na nasa harapan ko. Natatakam kasi ako sa mga ito.

“Right. Wait me here, don't go anywhere and please, watch your step.” paalala niya na sinagot ko lang ng tango, nang makaalis siya ay pumihit ako paharap sa direksyon ng isang bulto ng lalaki, naka-jacket ito at sumbrero pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko siya makilala.

It's Gael.

Kung gayo'n ay nakalabas na pala siya ng hospital, at nakakahiyang hindi ko man lang siya nadalaw maski isang beses.

Nakita kong nagtapon ito ng tipid na tingin sa direksyon ko, nasundan din agad iyon ng isa pa ng makitang mag-isa nalang ako at nakatingin sa kaniya.

“Gael.” mahinang pagtawag ko rito, sapat lang para marinig niya.

Inayos niya ang suot na cap at bahagya akong tinanguan, “We need to talk.” puno ng kaseryosohan na sambit niya.

“Ah, about sa nangyari sa'yo. Sorry kung hindi kita nadalaw––” hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko ng senyasan niya akong tumigil.

“It's alright. Pero kailangan nating mag-usap, it's urgent.” palinga-linga sa paligid na sabi niya.

Naguluhan ako sa uri ng kilos niya, “T-tungkol saan?” tanong ko at hindi na rin naiwasang mapatingin sa paligid, normal naman ang paligid namin para sa'kin.

“It's about you, your family, and your husband.” tiim bagang na sagot niya.

Umawang ang bibig ko. Kilala niya si Zurich at alam niya kung ano ito sa buhay ko..

“Meet me tomorrow here, same time, ikaw lang at huwag na huwag mong sasabihin sa kaniya kung saan ka pupunta at kung sino ang kakausapin mo. Alright? Make sure na walang nakasunod sa'yo.” saad niya at muli na namang ibinaba ang suot na cap, “I have to go, take care.” dagdag niya bago ako malungkot na tingnan.

“W-wait, Gael..” habol ko rito ngunit mabilis na itong nakalayo.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, ang bilis ng kabog ng dibdib ko at hindi maganda ang pakiramdam ko sa magiging usapan namin bukas. Tungkol daw sa'kin, sa pamilya ko, at kay Zurich..

“Wife, are you done here?”

Gulat akong napalingon sa kadarating lang na si Zurich, tulad nga ng sinabi ko ay marami ang kinuha nitong apple at grapes na nakalagay sa cart.

Pilit akong tumawa, “O-oo.” sagot ko kahit ang totoo'y nawalan na ako ng gana dahil sa naging usapan namin ni Gael.

At bakit kung umasta siya ay parang may tinataguan siya?

May humahabol ba sa kaniya?

“You look nervous.” komento ni Zurich sa itsura ko, halos magbuhol ang makakapal nitong kilay.

“H-hindi ah.” utal na sabi ko, tumikhim ako para alisin ang bikig sa lalamunan ko.

Sumeryoso ang mukha niya, pagk'wan ay binitawan niya ang cart at maayos akong hinarap. Itinangala niya ako sa kaniya at matiim na tinitigan.

“Something happened. What is it?” malamig ang boses na aniya.

Kumibot ang labi ko, nanlalamig ang mga kamay ko sa titig na ginagawa niya sa'kin. “Walang nangyari.” sagot ko at lumunok.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagtitig sa'kin.

“Seryoso, wala nga. Naiihi na kasi ako, walang CR dito at kinakabahan ako na baka maihi ako dito..” pagsisinungaling ko, ngumiti rin ako sa kaniya at mahigpit na humawak sa braso niya.

“Oh..” usal niya at ilang beses na napakurap, napakamot siya sa pisngi at napatingin sa paligid. “Wait here. I'll be back in a heartbeat.”

Tatango palang ako'y agad na itong umalis, tumayo nalang ako doon at nakahalukipkip na hinintay siyang bumalik. Wala pang dalawang minuto ng bumalik siya kasunod ang isang lalaki na sa tingin ko'y nasa 30's lang, nakasuot ito ng white shirt at pantalon.

“This man will take care of everything here, let's go in the restroom.” aniya at maingat akong hinawakan sa braso.

“Ha? Nang-abala ka pa, huwag na. Titiisin ko nalang ito,” pagtutol ko at nilingon ang lalaking pinapanood lang kami. “Kuya huwag na po, pasensiya na sa abala..” hinging tawad ko.

Napakamot ang lalaki sa ulo, “Naku, ma'am, ayos lang ho. Kasama ito sa trabaho––” naputol ang sasabihin nito ng lingunin siya ni Zurich. “Ang ibig ko hong sabihin ay ayos lang, walang problema dahil namimili pa naman ho ang misis ko roon.” pilit ang ngiti nito at itinuro ang isang direksyon.

“See. It's ok, let's go.” hindi na ako nakatutol ng agad na ako nitong hilahin palabas ng market, sandali lang din kami naghanap ng CR.

Walang pila roon pero may ilang tao na gumagamit, hiwalay ang banyo ng pang-babae at lalaki, at dahil ako lang ang magbabanyo'y naghintay na lamang sa labas si Zurich.

Hindi naman talaga ako naiihi kaya naghugas nalang ako ng kamay at inayos ang sarili sa repleksyon ko sa salamin, napatingin ako sa parteng likod ko sa salamin ng makita ang pagpasok ng ilang kababaihan na impit na tumitili.

Tatlong babae na tila may kinakikiligan ang humilera sa tabi ko at nagsalamin, umatras nalang ako at napagdesisyunan ng lumabas.

“Ang gwapo, parang artista..”

Rinig kong banggit ng isa sa tatlong babae, napabuga nalang ako ng hangin ng maisip kung sino ang kinakikiligan nila. Malamang na siya iyon.

Paglabas ko ay sumalubong agad sa'kin si Zurich, ngayon ko lang napagmasdan ang ayos niya. Malakas nga ang dating niya, tindig palang ay makalaglag panty na, partida na hindi pa ito ngumingiti at busangot na busangot pa ang mukha.

Hindi ko na napapansin dahil lagi ko naman siyang nakikita, tingin ko kasi ay normal nalang iyon.

“Pinagtitinginan ka..” iwas ang tingin na bulong ko sa kaniya at inginuso ang mga babaeng naglalabas-masok sa restroom.

“Don't be jealous, I didn't stare back.” gagad niya at hinapit ako sa baiwang.

Tipid akong natawa dahil hindi naman ako nagseselos, alam kong hindi siya papatol sa iba. Pero parang gusto ko siyang biruin ngayon.

“Dapat lang. Dahil kapag tiningnan mo sila, sa labas ka matutulog mamaya.”



| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon