#DC | Chapter 36
Hindi ko na siya maintindihan.
Hindi ko na alam kung anong balak niya sa 'kin at sa anak namin, o kung may balak pa nga siya na pagtuunan kami ng oras at panahon.
May babae siya, at iyon ang mas napag-aalayan niya ng atensyon. Iyon ang mas inuuna niya kaysa sa akin, sa amin na pamilya niya.
Pag-uwi galing trabaho ay cellphone agad ang hawak niya, bago matulog sa gabi at paggising sa umaga ay iyon rin ang hawak niya. Lagi siyang may ka-text at katawagan, yung babae niya!
Kaya heto ako, punong-puno na sa kagaguhan niya. Hindi ko na matiis ang kahayupan niya sa likod at harapan ko, nakakasawa na.
“Zurich, mag-usap tayo.” pinasok ko siya sa study room niya, ang boses ko ay kalmado lang salungat sa tunay na nararamdaman ko.
Mula sa pagkakayukyok sa lamesa ay nag-angat siya ng paningin sa 'kin, muntik pa akong mapapalakpak sa gulat nang makitang hindi niya hawak ang phone niya ngayon. Baka tulog na ang kabit niya at wala siyang maka-usap, tsk!
Humalukipkip siya at sumandal sa inuupuan, “You have five minutes––”
Hindi ko na siya pinatapos sa binabalak niyang sabihin at agad nang humablot ng aklat roon para ibato sa kaniya, mabilis nga lang nakailag ang buwisit.
“Umayos ka!” naiiyak na sigaw ko, kinagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko para hindi ako tuluyang maiyak. “Mag-uusap tayo hangga't gusto ko!” dagdag ko pa at nilapitan siya.
Umawang ang bibig niya bago mabagal na tumango, “Ok. Can you please calm down?” mahinang pakiusap niya.
Suminghot ako at tumikhim bago hinaplos ang umbok kong tiyan, “Ano na ang balak mo sa'min ng anak mo?” iwas ang mga matang tanong ko sa kaniya. “Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may babae ka, at mukhang mas mahal mo iyon kaysa sa'min kaya tinatanong na kita ngayon kung ano na ang balak mong gawin sa'min ng anak mo.” dagdag ko pa.
Narinig ko ang mahina at tipid niyang pagtawa kaya mabilis akong napatingin sa kaniya, “Are you jealous?” tanong niya ng nakatingala sa akin.
Nakuyom ko ang kamao ko, “Ang tanong ko ang sagutin mo.”
“Fine. You're my wife, so you will stay here with me.” aniya at tumayo, “So now, are you jealous?” pagbabalik niya ng tanong niya kanina at hinawakan ang pisngi ko, marahan niya iyong hinaplos habang nakatingala ako sa kaniya.
Pagk'wan ay nagbaba ako ng paningin, “H-hindi.” pagsisinungaling ko, ang totoo ay pinapatay ko na siya sa isipan ko kasama ang kabit niyang higad. Masyadong makati.
“You are.” ngiti niya at hinuli ang mga mata ko. “Damn. You're jealous!” dugtong niya at lumayo sa akin, “Come on, admit it.”
Kinunutan ko siya ng noo, “Sabing hindi! Puwede nga ay magsama na kayo ng babae mo, wala akong pakielam.” matigas na sabi ko. “Lalayas na ako rito, ibahay mo na yang bago mong mahal para wala ng sagabal sa pagmamahalan niyo.” puno ng sarkasmong pagdidiin ko, tinalikuran ko na siya at mabibigat ang mga hakbang na naglakad papunta sa pinto.
“I can break up with her anytime. A word from you can do, just admit it, you're jealous.” hinarang niya ako ng nasa pintuan na ako, at hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig niya.
Kung gano'n ay hindi niya pa hihiwalayan ang babae niya kung hindi ko pa sasabihin? Talagang hihintayin niya pang magmakaawa ako sa kaniya na unahin niya kami bago ang kabit niya?
“Alam mo, kung mahal mo talaga ako hindi mo maiisipang mangabit. Ano gumaganti ka? Gusto mo akong pagselosin?” peke akong tumawa. “Nakakatawa, Zurich. Napaka-immature ng ginagawa mo, really? Gumaganti ka sa bagay na hindi ko naman sinasadya. Nagselos ka dahil lagi akong nasa hospital at binabantayan ang kaibigan ko, oo na, kaselos-selos 'yon. Pero hindi ba't nasabi ko na sa'yo ang dahilan kung bakit? Ako nalang ang meron siya, wala siyang pamilya na mag-aasikaso sa kaniya, sana inintindi mo naman 'yon.”
“I––”
“Hindi mo man lang naisip ang kalagayan ko, mabilis akong mapagod at bawal ma-stress tapos ibabalandra mo pa 'yang harap-harapan mong panloloko. Napaka-selfish mo, nakakasawa na!” pagod na hinawi ko siya at tuluyan ng lumabas ng pinto, ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong isigaw 'tong sakit na kinikimkim ko sa dibdib ko.
Napatigil ako sa paglalakad ng makaramdam ng unti-unting pagbaha ng sakit sa tiyan ko, nanginig ang labi ko at dahan-dahang sinilip ang hita ko.
“Z-Z-Zurich..” nanginginig na pagtawag ko, nanlalaki ang mga matang napaupo ako hanggang sa tuluyan na akong lumupasay sa sahig sapo ang tiyan ko. Sobrang sakit ang lumukob sa akin sanhi para mapasigaw ako, halos sarili ko nalang na boses ang naririnig ko, mariin akong pumikit.
Ang daming dugo ang nagsisimulang umalpas mula sa akin. Ang anak ko!
“S-Shit. Gwyn!” si Zurich, hindi ko namalayan na buhat na pala ako nito at kasalukuyan nang palabas ng bahay. Ang mga gwardiya ay nagkakagulo, may tumatawag ng ambulansya at mayroon ding naghahanda ng sasakyan.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko, naramdaman ko ang mga luhang kumalat sa mukha ko, hindi ko na kaya ang sakit at tingin ko ay tatakasan na ako ng kaluluha at malay-tao ko.
“Wife, Gwyn, I'm sorry. Please hold on, patawarin mo ako. I'm so sorry.” paulit-ulit na sabi niya at dinama ang palad ko. “I'm sorry. I'm really, really sorry.” hinalikan niya ang palad ko habang ako ay hindi magkamayaw sa pagsapo sa ibabang parte ng katawan ko. Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
Kung panaginip ito ay sana magising na ako, ayoko nito. Ayoko ng ganitong pakiramdam na parang may mawawala na naman sa akin, na parang may mang-iiwan na naman sa'kin. Ayoko ng mag-isa, mahirap. Masyadong mahirap at baka mabaliw na ako pagnagtagal.
Si Zurich. Naririnig ko ang boses niya, ang paghingi niya ng tawad.
Nang imulat ko ang mata ko ay puting kisame ang sumalubong sa paningin ko, nang igalaw ko ang mga daliri ko ay mas luminaw sa pandinig ko ang mahinang pag-iyak ng pamilyar na boses sa gilid ko.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Zurich, nakatungo siya at nakahalik sa isa kong palad habang mahinang umiiyak, yumuyugyog pa ang balikat niya.
Sinubukan ko siyang tawagin ngunit naging paungol lang iyon, dahilan para makuha ko parin ang atensyon niya. Agad niya akong dinaluhan.
“Gwyn, how are you feeling?” agad na tanong niya at pinunasan ang luha.
Nauuhaw ako at namamanhid ang katawan pero mas inuna ko pa ang pagkapa sa tiyan ko. Tiyan ko na ngayon ay impis na..
“A-ang baby ko...” hirap kong usal.
Mariin siyang pumikit at tumingala, pagk'wan ay pinisil niya ang palad ko.
“A-ang anak ko.. N-nasaan..” pag-uulit ko, nang igala ko ang paningin sa buong kwarto ay doon ko lang napagtanto na narito rin pala ang ibang miyembro ng pamilya niya. Ang mama niya ay malungkot na nakatingin sa 'kin, at ayoko ng tingin niyang iyon.
Ibinalik ko ang paningin ko kay Zurich ngunit mabagal na pag-iling ang isinalubong niya sa 'kin.
“Zurich..” nanubig ang mga mata ko.
“F-forgive me..” mahinang bulong niya kasabay ng pagtakas ng luha mula sa abuhin at nakakabulag niyang mga mata.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky