Chapter 13

4K 86 5
                                    

#DC  | Chapter 13

“He's fine.” pagbabalita sa'kin ni Zurich patungkol sa kalagayan ni Gael, kakatapos niya lang rin kausapin ang doctor na umaasikaso kay Gael sa telepono.

Ayon rin kay Zurich ay siya nga talaga ang may kasalanan kung bakit nasa hospital ngayon si Gael, hinagip niya ito gamit ang sasakyan niya dahil sa selos.

Nang mailapag ang mangkok na naglalaman ng niluto kong ulam ay hinarap ko siya, sumenyas lang ako na kakain na kami. Medyo naiilang rin kasi ako, bigla ay parang hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya, kahit ang kausapin siya ng hindi ako nauutal ay nahihirapan ako, ewan ko kung anong nangyayari sa'kin.

“Thank you, wife.” nangingiting aniya, halos himatayin ako sa kaba ng lumapit siya sa'kin para mabilis akong halikan sa labi.

Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko, parang may rigidon doon.

“Hey..”

Muntik na akong mapasigaw ng maramdaman ang isang palad niya sa baiwang ko, nag-aalalang pinilit niyang i-angat ang baba ko para tingnan ako sa mata.

“Is there anything bothering you?” tanong niya pa. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lapit niya, ang mga mata ko rin ay naglilikot, hindi ko malaman kung saan ibabaling ang paningin ko. “Your friend is fine. Don't worry.” dagdag pa niya, kahit ang pagdidiin niya sa salitang 'friend' ay hindi ko na kinuwestyon 'di tulad ng gawain ko nitong mga nakaraang araw.

“W-w-w-wala..” nasapo ko ang bibig ko, bwisit. Bakit ba nanginginig ako? Sanay naman na ako sa presensya niya ah?

Kunot-noong bahagya siyang napalayo, “I think something's wrong.” bigla ay nagdilim ang mukha niya, “Tell me what is it? I'll solve it for you.”

Paulit-ulit akong umiling. Kung hindi pa ako aayos ay baka kung ano pa ang isipin niya.

“K-kumain na ta-yo..” utal kong sabi at mabilis na naupo sa puwesto ko, napipilitan siyang sumunod at naupo katabi ko.

“Remember that I am your husband. You don't have to worry to anything as long as I'm here.” sambit niya sa tabi ko bago ako unahan sa paglalagay ng pagkain sa plato ko, kulang nalang rin ay subuan niya ako dahil sa miya't-miya niyang pag-alalay sa'kin sa pagkain.

...

“Do you want to meet my parents?”

Mabilis akong napalingon sa hagdanan kung saan nagmula ang boses ni Zurich, nakita ko itong pababa at nakasuot pa ng pam-bahay, sa kanang kamay rin nito ay hawak niya ang cellphone niya. Malaki ang ngiting nilapitan niya ako rito sa Salas.

“They want to meet you.” aniya at umupo sa tabi ko.

“H-ha?” maang na sagot ko. Ipapakilala niya ako sa parents niya?

“Don't worry, they will like you as much as I love you.” kinuha niya ang kamay ko at magaang pinisil, kita ko sa mata niya ang pag-asa at tuwa.

Napalunok ako. Nakilala ko na noon ang Mama at kakambal niyang babae, at masasabi kong nakakakaba ang mga tingin nila, lalo na yung kapatid niya.

“S-sigurado ka ba?” pilit akong tumawa.

“Yeah.” ngiti niya, ngiting hindi ko magawang tanggihan. Seryoso, ano na ba itong nangyayari sa'kin?

“S-sige..” wala sa sariling sagot ko habang nakatanga sa masaya niyang mukha, natutulala ako. Ngayon ko lang na-realize na sobrang gwapo niya pala, halos lumiwanag siya sa mga mata ko.

“Thank you very much, you don't know how happy I am right now.” malaki ang ngiting sabi niya, naglabasan ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. “You'll meet them tomorrow.” dagdag pa niya bago ako mabilis na halikan sa labi.

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon