Chapter 20

3.4K 66 1
                                    

#DC | Chapter 20


Nawala nga ang dalawang gwardiya ngunit napalitan naman iyon ng isang katutak na personal guard ni Zurich, ang lahat ay may mga dalang mahahabang baril at kung saan-saang parte sa labas ng bahay nakabantay, kahit saan ako mapatingin ay may naka-black suit na nagbabantay.

Si Zurich ay nasa office na niya, hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon para makausap o ma-tanong man lang siya ukol sa mga personal guard niyang nasa labas.

Malalim ang pag-iisip na pinanood ko sila mula dito sa terrace ng kwarto ni Zurich, para silang mga itim na langgam sa ibaba. Hindi ang mga tipong ito ang maloloko ko kaya paniguradong wala akong lusot sa kanila.

No choice kundi ang mas lalo ko pang kunin ang loob ni Zurich para tuluyan na niya akong pagkatiwalaan. Alam ko naman kasing hindi pa buo ang loob niyang pagkatiwalaan ako na hindi ko siya tatakasan, just by looking at his face? Alam ko.

Ang kasal namin sa simbahan ay magaganap na sa susunod na buwan, kaya sa lalo't madaling panahon ay kailangan ko ng maka-alis.

Bumuga ako ng hangin at muling bumalik sa loob, kinuha ko ang travel bag na pinaglagyan ko ng mga dadalhin ko sa pag-alis at binuksan iyon, ganoon parin. Nasa loob parin ang mga damit, gamit at pera na itinabi ko.

“Asawa ko, try kaya nating mag hiking?” pag-uwi ni Zurich kinahapunan ay agad akong lumingkis sa braso niya.

Napatingin pa muna siya sa braso niyang yakap ko bago ako namumulang sinagot, “Why so sudden?” tanong niya at sinimulang alisin ang pagkakabuhol ng neck tie niya gamit ang isa niya pang kamay habang sabay kaming naglalakad palapit sa hagdan.

“Eh kasi nakita ko kanina sa pinapanood ko sa TV na mukha ngang masarap mag-hiking, so nainggit ako.” bungisngis ko, kasinungalingan. Iyon lang talaga ang sunod kong plano, kapag nakarating na kami sa bundok ay doon ko siya iiwan! Magtatago ako hanggang sa matakasan ko siya! Sa isip-isip ko ay humahalakhak na ako.

Matagal bago ito nag-isip, nakatitig lang siya sa'kin kaya mas lalo kong inamuhan ang pagmu-mukha ko, pinakilos ko rin ang kamay ko at ako na ang tuluyang kumalas sa neck tie niya.

“Please? Hindi ko pa kasi nararanasan 'yun mula pagka-bata ko..” mahinang sabi ko na puno ng pagmamakaawa, maging ang mga mata ko ay pinalamlam ko para mas magmukha akong kaawa-awa.

Bigla ay hinalikan niya ako sa noo, “Alright.”

Kulang ang salita para masabi ko kung gaano ako natutuwa ngayon, totoo ang ngiti ko. Totoo naman kasi na hindi pa ako nakakapunta sa kahit anong bundok mula pagka-bata ko, plus pa na doon ko gagawin ang plano kong pag-iwan sa kanya. Umaapaw ang saya sa dibdib ko kaya mabilis ko siyang niyakap at pinupog ng halik.

“Thank you, asawa ko. Best husband ever!” sabi ko pa bago siya bitawan, nanakbo ako pabalik sa Salas at pinagpatuloy ang panonood ng telebisyon.

At least may napala siya sa'kin bago ko man lang siya iwan, napuri ko siya kahit hindi naman siya kapuri-puri. Psh, worst husband kamo. Sino ba naman kasing mabuting asawa ang papatay mismo sa pamilya ng asawa mo? Siya lang. Siya lang kasi baliw siya.





...





Nang dumating ang araw na pinakahihintay ko ay walang paglagyan ang saya sa dibdib ko, lalo na ng malaman kong kaming dalawa lang ang aakyat sa bundok!

Wala ni isang body guard, walang kahit ano kundi kaming dalawa lang. Mas mapapabilis ang pag-iwan ko sa kanya.

Ang dala ko nga palang gamit ay yung itinabi ko na rin noon, pinaltan ko lang yung bag pero ang pera ay nasa loob parin. Hayun at nasa likuran ni Zurich ang gamit ko, wala akong kahit anong dala kundi itong isang bote ng mineral water na ngayon ay nangangalahati na.

Itinukod ko ang matibay na sanga ng kahoy na hawak ko sa lupa bago ito nakangiting lingunin, “Ok ka lang, asawa ko?” tanong ko.

Nagtaas ito ng paningin sa'kin at tipid na ngumiti, “Yeah..” aniya pero kita ko ang pamumuo ng pawis sa noo niya.

“Hmm, ok.” sagot ko at muling nagpatuloy. Maraming dala si Zurich at isa na roon ang gamit niya na kakarampot, tatlong pares ng damit, short at panloob lang ata ang nasa loob ng bag niya? Saka yung gagamitin naming tent at blanket ay siya rin ang may dala, may iba pa bukod doon na hindi ko na maalala, basta marami at isa na rin doon ang bag ko.

Ang sabi ko nga kanina ay ako na ang magdadala ng posporo na gagamitin namin sa paggawa ng apoy, pero tumanggi siya.

“Malayo pa ba tayo?” may bahid ng pagod sa boses na tanong ko, medyo nasakit na rin kasi ang binti ko.

“We're almost there.” sagot niya, nang tumigil ako ay tumigil din siya. Naupo ako sa madahong sahig at uminom sa tubig na hawak ko. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling kapag aakyat ng bundok, sobrang nakakapagod. Oh baka hindi lang talaga ako sanay?

Nang tingnan ko si Zurich ay nakatitig rin pala siya sa'kin, parang wala lang sa kanya ang mabibigat na dala niya. Magaan siyang ngumiti sa'kin na agad kong sinuklian ng matamis na ngiti.

“Pagod ka na?” tanong ko.

“No. I will never be.” seryosong sagot niya na tila may dalawang ibig sabihin, tinawanan ko nalang siya at mahinang hinampas sa braso. Bigla naman ay nanggigil ako sa nakalitaw niyang balikat, nakasuot kasi siya ng puting shirt na inalisan ng manggas, kaya hayun ay naglitawan ang namamawis niyang mga muscle sa balikat pababa sa braso.

Pinisil ko iyon habang siya'y nakataas ang isang kilay na pinapanood ako.

“You're checking my muscles?” tanong niya na puno ng kuryosidad.

Tumikhim ako at binawi ang kamay ko, “H-hindi ah..” kanda-haba ang ngusong pagtanggi ko. Masyado ata akong naging kumportable sa paghawak-hawak ko sa katawan niya.

“You're just feeling it?” ngayon ay mapanukso na ang boses na aniya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.

“Sabing hindi! Magpatuloy na nga tayo!” iwas ang tingin na tumayo ako at tinalikuran na siya, nagsimula na ako sa paglalakad.

“It's not like I will stop you.” rinig ko pang sabi niya sa likuran ko, hindi ko siya pinansin at tinakpan nalang ang magkabilang tainga ko. “You're free to touch me, wife. Anywhere you want.” dagdag pa niya na narinig ko kahit pa nakatakip ang mga palad ko sa tainga ko.

Inis kong ibinaba ang mga kamay ko at mabilis siyang hinarap.

“I'm your husband, my body and soul is yours––” naputol ang sasabihin niya ng mabilis ko siyang halikan sa labi, gaganti palang siya ay agad na akong humiwalay.

“Ayan, manahimik ka na.” kunot noong sabi ko habang nakatingin sa mukha niya, naka-awang ang bibig na marahan siyang tumango. “Olrayt, Let's continue!” sigaw ko at pigil ang ngiting muli siyang tinalikuran.


| itsmezucky

Damn Contract | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon