#DC | Chapter 35
Alas-sinco palang ay umuwi na ako, pero gano'n nalang ang paglamon sa 'kin ng kalungkutan ng wala akong madatnan sa bahay. Wala ang asawa ko, wala si Zurich.
Kung anong itsura ng bahay kanina ng iwan ko ito ay ganoon din ang nadatnan ko. Patay ang lahat ng ilaw kaya kinailangan ko pang buksan ang mga ito bago pagod na naupo sa malambot na sofa, hinimas-himas ko rin ang malaki kong tiyan.
Sa isip ko ay paanong nagawa ito sa akin ni Zurich, may kabit siya at harap-harapan niya pa itong ipinapamukha sa akin. Gano'n ba siya kagalit sa akin na tipong hahanap agad siya ng ibang babae na ipapalit sa akin? At ano ang pagkatapos nito? Hihiwalayan niya ako? Noon niya pa sana ginawa iyon!
Noong mga panahong isinusuka ko pa siya at ng lahat ng parte ng katawan ko, hindi yung ganito na mahal ko na siya at dinadala ko na ang anak niya sa sinapupunan ko.
Sa gitna ng pag-iisip ko ay narinig ko ang pagparada ng sasakyan niya sa labas, agad akong napaayos ng upo sa sofa at napalingon sa pinto, hinihintay ko ang pagpasok niya.
Nang bumukas ang pinto ay napatayo ako para sana salubungin siya, ngunit agad din akong napatigil ng diretso lang itong umakyat sa hagdan na tila hindi ako napansin.
Napahugot nalang ako ng malalim na paghinga bago sumunod sa pag-akyat sa taas, nang pumasok ako sa kwarto namin ay natagpuan ko siyang bago palang na magsusuot ng damit pambahay.
Tumayo ako malapit sa pinto at tumigtig sa kaniya, hinihintay kong pansinin niya ako. Ngunit mamumuti nalang ata't lahat ang mga mata ko ay wala parin siyang balak na pansinin ako, hanggang sa matapos siya at saglit lang na pumunta sa gilid ng kama para kunin ang cellphone niyang nakapatong sa bedside table.
“Zurich..” mahinang pagtawag ko sa kaniya ng malapit na siya sa'kin, pero nilampasan niya lang ako at hindi man lang maski tinapunan ng tingin.
Sinundan ko siya hanggang sa labas ng pinto at tumigil na rin ng makitang ang daan papunta sa study room ang tatahakin niya, doon na naman ito magpapalipas ng gabi.
Malungkot akong bumalik sa kwarto, nagpalit ako ng damit at nahiga na sa higaan. Siguro ay uubusin niya ang buong gabi niya ka-text o ka-call ang kabit niya hanggang sa makatulog siya.
Maaga akong nagising kinabukasan, wala akong planong pumunta sa hospital at nasabi ko na rin iyon kahapon kay Gael. Sinabi kong hindi na ako makakadalaw ng araw-araw sa kaniya dahil sa init ng panahon, baka kung ano pang mangyari sa akin at sa anak ko.
Sa hagdan palang ay tanaw ko na si Zurich na nakaupo sa salas, nakadipa ang isa nitong kamay sa sandalan ng sofa habang ang isang kamay ay busy sa pagtitipa sa hawak na cellphone.
Tumikhim ako para iparamdam sa kaniya ang presensya ko, pero wala iyong bisa dahil talagang iniignora niya ako.
Nakasimangot akong dumiretso sa kusina para magtimpla ng gatas at magpalaman ng tinapay, naupo ako sa upuan at tulalang kumain. Pero minuto lang at pumasok din sa kusina si Zurich, nakasunod ang mga mata ko sa kaniya habang siya'y panay parin ang pagt-type sa cellphone niya na tila ba doon nakasalalay ang buhay niya, may pangiti-ngiti pa ito habang binabasa ang nasa screen ng cellphone niya.
Iniangat ko ang baso ng gatas ko at saglit na uminom doon, pagtapos ay padabog ko iyong ibinagsak sa lamesa. Sa lakas niyon ay may tumalsik pa sa'king gatas, pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin.
Nasa direksyon lang ni Zurich ang mga mata ko, hinihintay ko na mapalingon siya sa'kin, pero wala. Wala talaga siyang pakielam.
Kumuha lang ito ng mug at nagtimpla ng kape na parang walang narinig, sisipol-sipol pa siya at miya't-miya ang lingon sa cellphone niyang ipinatong niya sa tabi ng coffee maker.
Sa inis ko ay mahigpit kong nakuyom ang baso ng gatas sa harapan ko, ang tinapay rin na hawak ko ay hindi ko napansin na nalamukos ko na pala. Gigil akong kumain at uminom, ang mga titig ko ay masamang nakapukol sa direksyon ni Zurich. Kung nakakasunog nga lang ang titig ko ay malamang na abo na ang lalaking 'yan!
Saktong pagtapos ng tinitimpla niyang kape sa coffee maker ay siya namang pagtunog ng cellphone niya, sinubukan ko pang silipin kung sino ang tumatawag ngunit agad na niya iyong nadampot at nasagot.
“Hello, baby.” sagot niya rito, awtomatikong lumukob sa'kin ang sakit. “Oh, you're eating your breakfast already? That's good. Continue, then we'll talk later.” aniya at mabilis rin na ibinaba ang tawag, nagingiti pa itong umiling bago isalin sa mug niya ang tinimplang kape.
Hanggang sa paglabas niya ng kusina ay pinanood ko siya, naglapat ang mga labi ko. Masyado naman ata siyang sweet sa kabit niya, habang ako itong asawa niya tinatrato niyang parang hangin.
Ayaw niya akong pansinin, huh? Sige lang, panagutan niya iyon.
Pagtapos kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko, sunod ay pumasok ako sa kwarto para magpinta. Hindi ko na nagagalaw ang mga ito mula pa noong isang buwan.
Inihanda ko ang mga gamit ko, pumwesto ako sa paanan ng kama. Saglit akong nag-isip ng iguguhit ko, hanggang sa magbukas ang pinto at iluwa noon si Zurich. Saglit siyang napatingin sa'kin pero agad niya ring inalis 'yon, naglakad siya papunta sa bedside table at nagbukas ng drawer, binuksan niya ang lahat ng drawer doon pero wala namang kinuha.
Sa huli ay muli lang din siyang lumabas, napairap ako sa hangin at muli nalang itinuon ang atensyon sa pag-iisip.
Nang sa wakas ay may naisip na ako'y inilapat ko ang brush sa papel na nasa harapan ko, pero hindi ko pa man iyon naigagalaw ng muli na namang magbukas ang pinto. Pumasok si Zurich at agad na naghubad, umawang pa ang bibig ko dahil ang akala ko ay kung ano ang gagawin niya, nabago lang iyon ng makita kong kinuha niya ang towel niya at pumasok sa banyo.
Maliligo lang pala.
Naiiling na kinuha ko ang lahat ng gamit pang-pinta ko, lumabas ako ng kwarto at pumasok sa dati kong silid. Doon ko inilatag ang mga gamit ko at sinimulan ng gumihit, balak kong iguhit ang sa tingin ko'y magiging itsura ng anak ko.
Sa kalagitnaan ng seryoso kong pagguhit ay biglang nagbukas ang pintuan, sumulpot doon ang nakatuwalya lang na si Zurich, may sabon pa ang ilang bahagi ng katawan nito at may shampoo pa ang buhok niya.
“Ano ba? Nananadya ka!?” iritado kong bulyaw.
“I will use the bathroom here.” tipid niyang sagot at dumiretso na sa banyo nitong kwarto.
Umuusok sa inis na iniwan ko ang ginagawa ko at lumabas ng kwarto, pumunta ako sa labas ng bahay para magpahangin at magpalamig ng ulo.
| itsmezucky
BINABASA MO ANG
Damn Contract | Completed
General FictionWatch me. Curse me. Break me. Hate me. But don't you ever dare not to Love me. -Zurich Eian Napier -Completed- All Rights Reserved 2020 © itsmezucky